"Encounter sa BIR"

5 0 0
                                    

2018 sa BIR somewhere in Visayas.

Ako ay on the job trainee sa Legal department ng BIR . Kami ay may alloted hours upang tapusin yung OJT namin na requirement din upang maka graduate kami sa kurso namin. Sa school namin , 15 kaming pinyagan na mag OJT doon pero may ibang mga schools pa na kasabayan namin din mag OJT dun . 

Sa first day ko ipinakilala ako ng HR sa Legal Departments section . So far , mababait naman sila dun pero pressure din yung trabaho kasi mostly Atty's yung mga nandun eh . Pero kaya naman yung trabaho kasi mostly clerical works lang naman yung pina pagawa sakin .

Nakahiligan ko ng pumasok sa office ng maaga yung tipong 8 a.m yung pasok pero 6:45 palang andun nako.

Isang araw pumasok ako sa BIR na wala sa entrance yung guard pero nag decide ako na pumasok sa loob ng opisina . Pag pasok ko, nakita ko si Atty.  yung pinaka head namin sa office nadun siya naka upo tsaka naka harap sa computer . Hindi ko na inabala si Atty. baka kasi may trabaho siyang tinatapos kaya din siya maagang pumasok yan yung inisip ko kaya hindi nadin ako nakapag goodmorning sa kanya .

Mga ilang minuto lang nag si datingan na yung mga ka officemates ko.

Mga bandang 8:30 may babae na lumapit sa kin tapos nag tanong kung nan diyan na daw ba si atty. at kung pwedi ba daw siyang makausap .Agad agad tinuro ko siya kay atty. at sinamahan siya . Pag dating namin dun wala si atty. at akoy nag tanong sa mga ka officemates ko kung saan nag punta si atty . Sumagot naman yung isa sa mga ka officemates ko na wala daw si Atty. ngayong araw kagabi pa daw umalis pa maynila dahil may seminar . Yun na nga gulat na gulat ako kasi nakita ko pa siya kanina tsaka nag taka kaming lahat na naka on yung electricfan sa table niya. Agad naming tinawagan si Atty.  at tinanong namin kung natuloy ba siya sa Maynila . Ayon na nga nasa maynila si Atty . pero may sinabi si atty samin na huwag na daw kami magtaka na may nang gagaya daw sa office kasi na experienced na daw yun ni atty. dati ng minsang pumasok siya ng maaga tapos nadun na yung isang empleyado niya ng biglang mag text yung empleyado niya na yun na hindi daw siya makakapasok kasi may sakit yung anak niya . Pag tingin ni atty. Wla na yung empleyado niya na nakita niya kaninang umaga . Agad siya napatakbo palabas.

- Paul

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon