Receiving Area

9 0 0
                                    

Kasama ko ang dalawa kong friends noon, nasa hallway kami tumatambay kasi examination days yon namin. Kumain kami ng lunch tapos bumili ng mga chips and such. Hindi namin namalayan ang oras at umabot kami ng alas dos sa tinatambayan namin tuwing lunch, katabi ng faculty room at receiving area. Ang ibang barkada namin ay nakauwi na at kami nalang ang nag-iingay sa hallway kasi may meeting din ang teachers non.

Hindi kami nakampante non kasi marami pa kaming estudyanteng naririnig na naglalaro sa volleyball court katabi ng field. Tumayo ako at sinubukang silipin ang volleyball court, nagulat ako dahil wala na palang naglalaro, bago pa ako tumingin sa court may naririnig pa akong tunog ng bola pero sa pagtingin ko wala na pala.

Tumayo na kami pero iniwan pa rin namin ang bags namin sa mesa. Ang isang kaibigan ko ay may dalang cap tawagin natin siya sa pangalang May, isinuot niya iyon habang nananalamin sa square shaped na glass ng pinto ng vacant room katabi ng receiving area. Habang nag uusap sila ng isa ko pang kaibigan na si Joy ay sinubukan kong sumilip sa glass din ng pintuan ng receiving area. Hindi ko pa kita deritso ang naa sa loob kasi parang may blurry kaya sumilip pa ako lalo doon.

Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o kung ano basta natulala na lang ako pagkakita ko sa loob. Napakagulo ng mga chairs at medyo natabingi ang table. Sa bandang kaliwang bahagi ay may nakaupo, medyo naka sideview sa gawi namin pero sakto lang para maaninag ko ang babaeng inakala kong naka uniform na pang teacher at nakadungo habang nakatingin sa laptop. Unti-unting naging itim ang suot at ang buhok niya'y hanggang balikat ang haba. Agad akong napalayo, tulala, at ang paghawak nalang sa braso ni May ang nagawa ko. Sumilip din si Joy at ayon nga ang nakita niya, pero mas nakakatakot dahil nakatingin na ito sa kanya, mapupula ang mga mata. Dahil sa takot ay mabilis naming nakuha ang bags at tumakbo papuntang parent's area at doon kami nag-rosaryo.

-Leng

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon