One way road

5 0 0
                                    

March 2016 sa Malabon, General Trias, Cavite, around 1 AM.

May isang daan doon, shortcut kumbaga, kung pupunta ka ng Tejero. Ang labas non Robinson's General Trias (ngayon).

Di ganun kahaba ang daan don. One way lang siya kasi makipot. May sabungan doon (Malabon Grande Coliseum), palayan at konting kabahayan lang ang makikita mo.

Pauwi kami ng province ng family ko. We decided na magbyahe ng madaling araw. Ewan ko ba sa tatay ko kung bakit doon kami dumaan.

Nagbiruan kaming magkakapatid. Nasabi ko na "What if may makasalubong tayo?" Wala lang. Naisip ko lang since one way nga siya. Paano magkakasya yung sasakyan? Nagbiro yung kapatid kong lalaki. "What if multo makasalubong natin? Hahahahaha! Can't wait to see your reaction ate. Hahahaha"

Maya maya, may pasalubong na lalaki samin. Tama lang yung laki ng katawan. Naglalakad sa gitna. So nagpreno si papa. Pero tuloy tuloy siya. Di siya gumigilid. Nagtataka kami. Nung bumusina si papa, gumilid siya. Sinundan ko ng tingin. Mukhang tao naman. Lumingon pa nga sakin. Nakasunod lang yung tingin ko sa kanya.

Nung makalampas na sa sasakyan namin, di ko alam kung namalik mata ako pero biglang nawala. Tinanong ko yung kapatid kong lalaki. "Nakita mo yon?" Di umiimik yung kapatid ko. Nakatingin lang siya sa likod. "Uy nakita mo yon?" Sabi niya, "Oo. Pano nangyari yon?"

Di pa kami nakakalayo, tumirik yong sasakyan namin. Bumaba si papa, chineck, nagstart. Di ko alam kung ilang minuto na kami don, until..

Mama: Kanina pa tayo dito sa daan na to. Asan na yung highway?
Brother: Nilipat na daw ma. Hahahaha!
Ako: Baka niligaw tayo nung lalaki. Hahahaha! (Pero deep inside, kinakabahan na ako.)

Andun na naman yung lalaki, naglalakad. So nagpreno na naman si papa. Dun na ako kinilabutan. Kasi paano na naman siya nakapaglakad don, ee di naman namin siya nakita na bumalik.

Mama: Oh. Ayan ata yung lalaki kanina ah.

Tumapat siya sa bintanang katapat ni mama. Tumigil siya.

Papa: Magdasal tayo.
(Papa led the prayer)

Tumuloy na kami. Wala na na naman yung lalaki. Akala ko okay na. Pero hindi, tumirik na naman yung sasakyan. Di pa rin kami nakakarating ng highway. Naiinis na din si mama. Bababa sana si papa kaso natigilan siya. Lumingon siya sa likod. Tumingin ulit sa side mirror.

Mama: Oh?! Bakit?!
Papa: Wala. Chineck ko lang.

Alam ko yung nakita ni papa. Nakita ko din sa rear view mirror yung lalaki. Di na bumaba si papa. Triny na lang niya ng triny i-start yung sasakyan. Kinakabahan na ako. Alam kong si papa din. Nagpray na lang ako ng nagpray. Nagstart. Until narating din namin yung highway. Until nakalabas din kami sa daang yon.

Warning na rin to sa mga dumadaan don na mag ingat.

- Inday

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon