All Soul's day 2021
Mainit, mausok, at maaliwalas ang tagpong iyon, dahil sa mga jeep na salit-salitan ang daan. Wari ay dahil sa mga pasaherong bumababa at pati na rin ang mga umaakyat ng campus. Nasa pinakamamahal kong paaralan ako noon, sa labas ng silid aklatan, nakatayo. Ang aking paaralan ay isa mga kilalang unibersidad sa mindanao, ang pamantasang Mindanao (MSU-Main). Tandang-tanda ko pa na dagsa ang Campus ng mga naglalakad bitbiy ang kanilang mga dokyumento patungo sa kanilang mga departamiyento at wari ko’y enrollment nga ang dahilan.
Ako ay naghihintay sa may pintuan ng silid aklatan, at ikinagalak kong makita ang isang paparating na lalaki na patungo sa aking kinatatayuan dahil sa totoo lang kanina pa ako naiinip sa kakahintay. Napasimangot ako ng maaninagan ko ang kanyang mukha, ‘di siya ang aking hinihintay. Ngunit, tumabi sa akin ang binata na sa tingin ko ay kasing edaran ko lamang dahil batay sa kanyang ayos at tangkad. Maamo ang kanyang mukha, parang isang napakainosenteng bagong salta sa campus. Ng walang anu-ano’y, Nagulat ako ng magsalita ang di kilalang lalaki. “Magkikita pa tayo sa Linggo, ‘wag kang matakot, ako si kamatayan.” Sabay bigay ng isang matipid na ngiti.
Ng aking marinig ang mga sinabi niya ay saka lamang ako nagising, buti at panaginip lamang iyon. Ngunit, parang ito ay totoo. Tiningnan ko ang oras, alas sais na rin pala ng umaga. Ako ay bumangon at nagtimpla ng kape, at para maihanda ang sarili sa klase online. Ganito ang set-up bawat araw, tila nakakasawa na rin.
Di ko alam kung ano ang pinapahiwatig ng lalaking iyon. Siya raw si kamatayan, baka gawa lamang ng aking isipan na dapat di ikabahala. Tandang-tanda ko rin na sa tuwing ako ay nagdarasal, na kung ako man ay kukunin na ay sana ihanda ako ng panginoon at bigyan ng babala upang makapagpaalam man lang sa mga mahal sa buhay. Senyales na nga ba ito?
Bawat araw pinapanalangin ko na sana wag muna ako kunin ng panginoon dahil di pa ako handa, marami pa akong pangarap na dapat pang abutin. Bente anyos pa lamang ako at marami pa akong nais subukan.
Lumipas ang araw ng huwebes noong nakaraang linggo. Ako ay nilagnat, sinipon, at inubo. Wari ko malapit na nga ako kunin dahil binigyan ako ng sakit na isa sa mga sintomas ng COVID-19. Lumipas rin ang Linggo ngunit wala namang nangyaring masama sa akin, bagkus ay mas bumiti ang aking karamdaman.
Ngunit nabigla na lang kami nong lumipas ang araw ng sabado. At sumapit ang araw ng linggo, ngayong linggo lamang ay bigla na lamang pumanaw ang aking tiyahin. Mula sa komplikasyon ng kanyang sakit na diabetes. Doon ko na lamang napagtanto na magkikita nga talaga kami ni kamatayan sa araw ng linggo, hindi man dahil sa akin, kundi dahil sa tiyahin ko. Napakamapaglaro nga talaga si kamatayan, pinaglaruan niya ang pananampalataya ko ng isang linggo. At pinaalala sakin na dapat ako rin ay maghanda dahil di lahat ay permanente rito sa mundo.
Kung alam ko lang na magkikita kami ay sana man lang ay naibati ko siya para sa araw na ako’y kukunin niya rin.
-DUDOL
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HorrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad