200

8 0 0
                                    

"Sa bawat dalawang daang tao na nakakasalubong o nakakasalamuha mo araw araw dalawa don ay kaluluwa"...

Naninirahan ako sa isang probinsya dito sa Timog Katagalugang Luzon, malayo sa sibilisasyon malayo sa karangyaan ng buhay. Namatay ang aking ama noong ako'y dose anyos pa lamang, kaya bilang panganay ay mas inuna ko na ang kapakanan ng aming pamilya kaysa ang aking sarili.

Nagtrabaho agad ako sa edad na katorse, masaya akong natutulungan ang aking Ina sa gastusin sa aming bahay.

Nakatira kami sa isang liblib na lugar dito sa probinsya, iilan lang kaming nakatira dito sa lugar namin dahil dulo na kasi ito ng bayan at malapit na sa paanan ng bundok, lahat kami dito ay magkakakilala.

Isang araw, pinapunta ako ng aking Ina sa kabilang bayan upang manghiram ng pera sa aking tiya, hindi pa kasi ako pinapasahod ng aking amo kaya't wala pa kaming panggastos sa linggong iyon. Maglalakad muna ako ng halos isang oras para makapunta sa sakayan ng tricycle upang makaabot sa centro ng bayan saka sasakay sa jeep para makapunta sa kabilang bayan kung nasaan ang aking tiya. Sanay na naman ako maglakad ng mag isa dito sa baryo namin mapaumaga man o gabi, kahit na magkakalayo ang mga bahay ay hindi naman nakakatakot dahil may mga poste naman sa tabing kalsada.

Dahil sa ayokong abutin ng tanghali  sa paglalakad dahil sa init ng panahon, napagpasyahan kong magshortcut, mula sa aming bahay ay papunta ako sa ilog kung saan maari akong tumawid, mababaw naman ito ngunit medyo may kalawakan. Malapit na ako sa may pangpang ng makasalubong ko si Mang Bert, isa siyang magsasaka hila hila niya ang kanyang kalabaw na kanyang pinainom sa ilog.

"Esmera, saan ka papunta?" ani Mang Bert
"Kay Tiya ho sa kabilang bayan", sabay ng pagngiti ko sakanya.

Nakatawid na ako sa ilog, ilang minuto lang ang lalakarin ko para maabot ang kalsada. Namimitas pa ako ng dahon na nasa gilid ng aking dinadaanan, patalon talon pa ako sa isip isip ko malapit na ako.

Maya maya pa ay nakarating na rin ako sa tabing kalsada, sakto naman na may dumaan ng tricycle na nanggaling sa sitio namin. Agad akong sumakay at nagpahatid sa centro sa sakayan ng jeep. Si Kuya Cris pala itong driver ng tricycle na nasakyan ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa centro, ibinaba niya ako sa may sakayan ng jeep. Napakaraming tao ngayon sa bayan di tulad noon na iilan lamang ang makikita tanging pag araw lamang ng tiangge ako nakakakita ng ganito karaming tao ngunit iba ngayon.

Bago ako sumakay ng jeep ay bumili muna ako ng palamig kay Manang Asi, sadyang malamig at malinamnam ang tinitindi niya. Wala pa gaanong sakay ang jeep kaya puwesto na ako sa may hulihan nito para mabilis akong makababa pagdating sa kabilang bayan. Pag upo ko palang napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko, tansya ko ay nasa bente anyos ito, may pagka moreno at matangos ang ilong, hindi pamilyar ang mukha niya sakin.

Napuno na ang jeep at saka ito ay umalis. Sa buong byahe ay tanging sa binata lamang ako nakatingin, siguro ay humanga talaga ako sakanya lalo na at napaka amo ng kanyang mukha.

Bago ako bumaba ay nagkatingin muna kami saka niya ako nginitian. Maglalakad ako ng limang minuto upang makataring sa bahay ng tiya ko nang laking gulat ko ng makita ko ang isang tarpaulin na pangpatay sa isa sa mga dinadaanan kong bahay ang mas nakakakilabot ay ang lalaki sa litrato ay yung lalaking kasabay ko sa jeep na nginitian ko pa. Napailing ako at pinagpawisan ng malamig, baka kako guni guni ko lakang iyon. Nakarating na ako sa bahay ng aking tiya at nakahiram na rin. Alas dos na ng hapon ako nakauwi, ibinaba ako sa kanto ng tricycle na aking nakasakyan hindi na daw niya ako maihahatid sa sitio namin dahil may emergency daw ss kanilang bahay.

Sa paglalakad ko papunta sa aming bahay ay nakasalubong ko si Mang Fred, nagmamadali ito at parang namumutla binati ko siya ngunit isang malungkot na tingin lamang ang ibinalik niya sa akin. Marahil ay baka may iniisip ito o baka may problema.

Nasa bahay na ako ng banggitin ng aking Ina na kamamatay lang ni Mang Fred kaninang tanghali.

Tandaan ang mga palatandaan para malaman kung ang makakasalubong ay isang kaluluwa na lamang.

- Lau98
-200-

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon