Meat Supplier

8 2 0
                                    

"Karne"
Itong kwento ay  nagmula pa kay Nanay (Lola ko)

Sikat ang restaurant ng Lola Rosita ko (Nanay ng lola ko). Araw-araw daw ay dinudumog ito ng mga tao. Mula umaga hanggang gab-e. Masasarap raw kasi ang mga lutong ulam ng lola ko. Kadalasan ay walang natitira sa mga paninda nito.

Nagsimula lang raw ito nang makilala ni Lola Rosita ang nagDedeliver ng karne na si Mang Austino
Inalok daw ni Mang Austino na siya ang magdedeliver ng karne sa lola ko. Laking pasasalamat ng lola ko dahil daw di na siya pupunta ng palengke alas tres ng umaga at halatang fresh daw ang mga karne nito.
Sabi raw ni mang Austino baka yong karne na huli niyang dinala sa lola ko. Ang nanay naman daw ay naghanda ng maraming uling para ilaga yong karne ng baka. Laking pagtataka niya at mabilis itong lumambot. "Aba Ne, parang naka-Jackpot tayo kay Austino ah. Bukod na sa mura ang karne nito. Mukhang bago pa." Sabi daw ni Lola nang nagsumbong si Nanay na mabilis lumambot ang karne.
Baboy daw tyaka baka ay pareho lang ang itsura, yan ang sabi ng Lolo Tonyo ko. (Asawa ni Lola Rosita)
"Wag nyo na nga pansinin yan. Tignan nyo nalang kung gaano kadami ang kustomer natin mula pa kanina." Sagot naman ni Lola.
Masayang kumakain ang mga kustomer ni Lola na halos ay mga driver ng Jeep at Trycle.
"Ang sarap ng ulam nyo Rosita. Ibang-iba ang lasa."
"Ang lambot ng karne. Tyaka yong dinuguan nyo malinamnam."
Ilan daw yan sa naririnig ni Nanay na komento ng mga kumakain. Pero si Lola daw ay hindi pabor. Parang may kutob daw na di maipaliwanag. Di nman daw nya masabi kay Lola dahil nagagalit daw ito. At sasabihing sinuswerte na sila.

Isang araw nag request daw si Lolo kay mang Austino ng maskara o ulo ng baboy. "Naku. Wala na po e. May umorder na." Laging sagot ng matanda.
"Lagi mo nalang sinasabi na wala, may umorder na. Kung magpapareserve naman ako wala din. Saan ba ang slawter mo at ako na ang pupunta."
Pagpupumilit daw ni Lolo.
"Wala akong slawter. Sa bahay lang ako kumakatay ng baboy at baka."
Sagot daw ni mang Austino.
"Gusto ko sana mag sisig e. Dalhan mo ako bukas. Kung wala pupunta ako sa inyo."

Kinabukasan daw ay may dala itong ulo ng baboy.
Ginawang sisig daw ni Lolo. Laking gulat nalang nila na may kustomer daw na nagreklamo. Dahil may buhok daw ang sisig nito. Marami daw na buhok ng tao. Nagtaka si Lolo dahil sya ang nagluto nito, maiksi naman ang buhok nila pareho ni Lola.
Nasundan pa ang pagdududa ni Lolo. Dahil una, ngayon nya lang nakita si mang Austino at base sa lugar na binanggit nya ay paiba-iba. Pangalawa, sariwa ang karne nito pero pag nilagay sa drum na may yelo bumabaho ito at yong palaisapang buhok na mahahaba. Ulo ng baboy ang nakita nya ng hiniwa niya ito.

Isang araw ay may istranghero na kumain sa kanila.
Humingi raw ito ng suha o kalamansi, tyaka nilagay nito sa mga ulam na inorder niya. Nilaga tyka adobo.
Bigla daw nag iba ang anyo nong karne sa ilang minuto lang. Ang nilagang baboy ay bigla nalang nagkaron ng isang hiwa ng braso na dati daw ay paa ng baboy tyaka yong adobo , yong balat di balat ng baboy kundi tao.

Sumigaw daw yong istranghero ng aswang. Nagkagulo, at yong ibang kumakain ay nagsusuka.
"Tumahimik kayo at kami'y magpapaliwanag. Yong mga karne ay denideliver lamang saamin yan ng matandang si Austino."

Pinagplanohan daw nila Lolo at mga kapatid niya ang matanda. Di nila pinaalam at kaswal na nakipag usap.
Mga alas kwatro ng umaga ng sinundan daw nila ang motor nila. Sa dami ng pinagdedeliveran nito ay inabot sila ng liwanag kakasunod nito.

Hanggang sa nakarating sila sa bahay ni mang Austino. Don na nila nakita ang mga gamit nito. Natakasan daw sila. Kaya sabi nong pulis , huhulihin nila. Nalaman din na sa malayong siyudad daw ito nanghuhuli ng biktima dahil wala namang missing don sa lugar nila malibang sa mga palaboy na unti-unting nag lalaho sa area. Nong panahon daw kasi non. Open sa ganitong usapin ang mga taga Negros. Di tulad ngayon na pagtatawanan nalang ang ganitong usapin. Madami na rin kasing kwento dati na may proofs at may witnesses talaga.

Di nila alam kung anong klaseng aswang si mang Austino. Ang alam lang nila may pamilya itong inuuwian sa isang barrio din ng mga aswang.

PS
Nsgsara narin sina Lola ng karenderya at mga gamit pambahay nalang ang tininda nila. Di rin totoo na pag kumain daw ng tao ang magiging aswang na.

-Chinita
Negros

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon