PANIMULA
"GRABE, Sabby and dilaw ng ngipin mo, nag sesepilyo ka ba?" malakas na tawanan ang umalingawngaw sa loob ng Classroom, as usual si Sabby na naman any target ng kaklase niya, mainit ang mga mata sa kanya ng mga babae niyang kaklase at palagi naman siyang binubully ng mga lalaki niyang kaklase.
Sanay na siyang makarinig ng mga ganon, hindi niya masisisi ang mga ito dahil tama naman ang mga sinasabi ng mga ito sa kanya, in fact, kinatatamadan niya ang pag lilinis ng kanyang ngipin dahil na din siguro sa pagiging madalas niyang late sa pag gising kaya palagi niyang nakakaligtaang gawin 'yon.
"Look at her hair, hindi din yata siya nag susuklay, eww." sabat pa ng isa niyang kaklaseng babae, mas lalo pang lumakas ang kanilang tawanan ng mga ito dahil na din sa itsura ng kanyang buhok, sabog-sabog kasi ito, tila hindi sinuklay ng ilang taon, mahaba at may pagka-wavy ang buhok niya kaya naman pati pag suklay ng buhok ay kinatatamaran niya.
Napatungo na lang si Sabby sa kahihiyan ngunit ng maalala niya ang isang tao ay pasimple niya itong sinulyapan, sinulyapan niya ang nag iisang lalaking bumihag sa kanyang batang puso, ito ay walanh iba kung hindi si Cold Tuazon, Cold Tuazon is very handsome, ngunit sa kabila ng pagiging gwapo nito, ang siya namang kabaligtaran ng ugali nito, Cold Tuazon is a badboy and number one bully.
Ito ang nangunguna sa pang-bu-bully sa kanya, Cold Tuazon hates her, he hates her face and her existence, pero walang paki-alam si Sabby kung ano man ang tingin ng binata sa kanya, in fact pumapasok lamang siya upang makita ang gwapong mukha nito, bukod kasi sa pagiging ugly duckling niya, kinatatamadan din niya ang pag-aaral, hindi niya hilig ang mag aral, mas gusto pa niya ang mag basa ng mga nobelang libro, She's ugly and yet dumb as fvck.
Napansin siguro ni Cold ang mga titig sa kanya ni Sabby kaya naman tumaas ang kilay nito, alam niyang may pag tingin sa kanya ang dalaga kaya naman hindi niya kayang tanggapin na may isang pangit ang nagkakagusto sa kanya, he finds it annoying lalo na at palagi niya itong nahuhuling nakatingin sa kanya.
"Dude, she's looking at you, she's so creepy." Ani ni Kiro, ang kaibihan ni Cold. Hindi pinansin ni Cold ang sinabi ni Kiro, sa halip ay tumayo ito at nag pamulsa, his blood is boiling, hindi niya kayang tagalan ang mga titig sa kanya ng babae, it gave him a goosebump.
Kahit na sa paglabas niya ng classroom ay dama niya ang pag sunod ng tingin sa kanya ni Sabby.
"Darn it, her face is so fvcking annoying, she's pissing me off." Tumigil siya sa gilid ng pinto at doon na lang niya hihintayin ang susunod nilang teacher.
"Napansin mo yung titig ni Sab kay Cold? Grabe, nakaka-kilabot, she really likes Cold." mahinang bulong ni Kiro kay Trix na nasa unahan ng kanyang upuan, kasalukuyan silang nag klaklase ngayon pero hindi niya mapigilan ang kanyang bunganga, narinig ni Cold ang kanyang pag bulong dahil katabi niya ito ng upuan.
Mahina niyang sinipa ang paa ni Kiro sa ilalim ng lamesa pero ngumisi lang ito sa kanya na parang nang-aasar pa.
"Shut the fvck up." Pabulong na sabi ni Cold ngunit malakas na tawa lang ang isinagot sa kanya ng kanyang mga kaibigan, hindi tuloy nila napansin ang masamang tingin na ipinukol sa kanila ng guro na nasa unahan, kanina pa nito naririnig ang bulunhan ng mga ito pero tuluyan na nga itong napikon dahil sa malakas na tawanan ng mga ito.
"Boys at the back! Anong iniingay nyo diyan?" natahimik ang tatlo dahil sa malakas na boses ng kanilang guro, ngunit hindi pa din sila tinigilan nito, tumunog ang suot nitong sapatos sa sahig, samantalang pigil hininga naman silang lahat na magkakaklase.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Підліткова літератураMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...