prologo

2.5K 95 4
                                    


🌈🌈🌈

Naglakad si Caleb sa private rooms hallway ng restaurant. Alam niyang agaw pansin ang kanyang tindig at kabuuan. He should be, he's a Montreal after all. Sa likod ng casual na pananamit, pinaghandaan niya ang araw na ito. Nagtagal siya sa salamin kaninang umaga, sa pagpili ng isusuot at pag-aayos ng buhok.

He wore his casual best and walked his best. Walang babae ang makakatanggi sa kanya. He'd be impressively charming, his unknown fiancée would want to marry him the soonest.

Ayon sa kanyang ama, maaring nauna na daw ang si Ari, ang kanyang mapapangasawa, sa restaurant. 'It's just how she is,' ang paliwanag nito. But of course, he won't allow it. Kaya naman, tatlumpung minuto pa lamang bago ang itinakdamg oras ay tinungo na niya ang lugar.

'Be sure to impress her. This engagement is very important,' iyon ang paalala ng kanyang ama. His father rarely say 'important', yet even added 'very' to it.

'I won't fail you, Sir,' ang pangako niya sa ama.

Humugot ng malalim na hininga si Caleb, nang tumapat sa pinto. Inihanda niya ang ngiting praktisado man, ay nakakatunaw kaluluwa. Pinihit niya ang seradura.

Bumukas ang pinto at bumungad ang magarang ambience. May maliit na chandelier iniilawan ang silid na may temang Victorian. Elegante nababagay sa mga elite.

Ngunit sa gitna nito ay ang isang halimaw, nakaupo at walang habas na pinagpyestahan ang mga pagkaing nakahanda.

Nangunot ang noo ni Caleb. Nanlaki ang mga mata sa gulat, naningkit sa pagsusuri at muling nanlaki.

Si Maria Bahaghari, nakaupo sa mesa, walang pakundangang kumakain katulad ng isang hampaslupang mamamatay na kinabukasan.

"Hell no..." ang tanging nasabi ni Caleb, napagtanto ang ibig sabihin ng inabutan.

Sa narinig, tumigil ang babae sa pagngatngat ng buto ng chicken wings at itinaas ang tingin. Tumambad ang mukhang may iba't-ibang bahid ng sauce.

"Hi Mon-Mon," masiglang bati nito sa kinaiinisan niyang palayaw, kumaway-kaway hawak pa ang buto at nag-alok, "Fried chicken, you like?"

🌈🌈🌈

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon