🌈🌈🌈
Nasa loob pa lang ng sasakyan si Caleb patungong paaralan, tumatawag na sa kanya si Matthew. Noong una'y 'di niya ito sinagot. Ngunit pagsapit sa ikaapat na tawag, tuluyan na siyang narindi.
"What?" ang diretso niyang tanong.
"Good morning, your highness!" ang masiglang bati naman nito.
Walang maganda sa umaga. Nagising siya ng madaling araw mula sa bangungot na mukha ni Maria, hawak ang latigo at pinagpapadyak siya ng pedicab.
'Bilis! Bilisan mo!' sigaw nito at matinis na humalakhak.
Nagising si Caleb na pawisan at humihingal, hanggang ngayon pagod siya.
"What do you want?"
"Wala naman, gusto lang kitang batiin. Congrats!"
"Para saan?"
"Sa pagkakaroon ng girlfriend. Nag-date pala kayo ni Maria kahapon. Sa may nature park pa," at humalakhak, "Ulol. Kumusta ang romansa sa pasyalan ng mga ordinaryong pips, your highness?"
"How- where did you-" nahilot niya ang noo.
"Sa website ng school. Nagkalat mukha niyo doon, may patulak-tulak sa swing ka pang nalalaman. Syet Kaloy, kinikikabutan ako sa'yo "
"Call me Caleb," giit niya at pinutol ang tawag. Agad siyang nagbrowse sa website ng paaralan. Bumungad sa kanya ang ilang litrato nila Maria mula kahapon.
Sa lahat ng kuha, tuwang-tuwa ito at siya naman ay seryoso. What's worse, may litrato pa siyang nagpapadyak sa pedicab, hirap, pawis at nakasimangot.
Caleb on a date or forced as Maria's slave? #omg #wtf #haha #lol says the caption.
"Who the hell puts #haha and others on a mews article?!" he said to himself. "Amateurs."
In all honesty, it was only him that looked good in the pictures. Sa lahat ng kuha, palaging may hawak na pagkain si Maria at nakabuka ang bibig, nakatawang muntanga. Unang tingin palang, hindi na sila bagay.
He closed his eyes and took deep breaths. Sooner or later, it would come out. Maria is his fiancee after all, or at least she would be.
But, this is too soon.
Habang binabagtas ang paaralan, ang tanging naisip niya ay kung paano harapin ang maagang kahihiyan.
Nasa parking lot pa lang sila, makapal na ang kumpol ng naghihintay na mag-aaral. Mula sa tinted na bintana ng sasakyan, tanaw niya si Airin at ang ibang naiiyak na mukha ng mga asungot. He can even see someone from the school newspaper and their photographer.
"Ang daming tao Sir," puna ni Mang Carding, ang driver.
"I can see that," ang matamlay niyang sagot.
"May artista ba?"
"Wala," at inayos ang sarili. Sa kabila ng pagkalat ng balita, haharapin niya ang mga tao ng may dignidad. He'd go out there, head up high as if his taste in women hadn't sunk, as if he didn't pedal a pedicab of poor people. "Protect me," utos niya sa driver at lumabas.
Sumunod naman ito, ginawa ang makakaya. Ngunit dinumog pa rin siya. Sa magkaibang habi ng salita at pangungusap, iisa lang ang ibig ipahiwatig ng mga katanungan.
Totoo ba?
Totoo bang nakipagdate siya kay Maria Bahaghari?
Sa kalagitnaan ng kaguluhan, isang boses ang pumaimbabaw. "Sinong umutot?!"
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...