🌈🌈🌈Yamot. Kung hindi yanot, inis. O baka galit. Kung ano man ang eksaktong tawag sa nararamdan, walang panahon si Caleb para tiykain iyon.
Ilang beses siyang pinuna ng tutor kagabi dahil sa kawalan niya ng atensyon. Magdamag rin siyang hindi makatulog, pabaling-baling sa kama, tinatanong ang sarili ng 'Bakit?' 'Bakit?' at 'Bakit?'.
Para sa tulad niyang lohikal, matalino at halos may sagot sa lahat ng bagay, nangapa si Caleb. Hanggang sumapit na ang madaling araw, doon pa lamang bumigat ang talukap at matagal nagising, muntik ng ma-late.
Kaya heto, sa kabila ng kawalan ng agahan, pagliban sa daily workout, pagkasira mg routine at nasundot na ego, nakaupo siya sa silid aralan at hinihintay ang pagsisimula ng klase.
"President ka ng club, Lord?"
"Ngayon ko lang ba nasabi?"
"Oo."
Gusto niyang tabunan ang tainga, huwag lang marinig si Maria, masiglang nakikipag-usap sa kanyang tabi.
"Anong club ba?"
"SMMC, Studies on the Modern Masses Club."
"Ang galing... ano iyon?"
Gusto niyang bulyawan ang mga ito sa ibang lugar mag-usap. Si Maria, umaktong ordinaryong gabi lang ang dumaan, binati pa siya kanina.
"Sige, sali ako Lord!"
"Eh... sigurado ka?"
"Sabi mo baka tanggalin ang club kasi kulang sa members. Kaya sali ako."
"Ako din. Kung saan si Maria, doon ako."
Doon pa lamang niya narinig na kasali din pala sa usapan si Tamara. Somehow, the three get along. Sa isip ni Caleb, ang tanging dahilan kung bakit pumapatol si Lord sa kapritso ni Maria ay pera. There is no other way someone would stick to his freak and insensitive of a future fiancee. Habang si Tamara naman ay maaring namamangha sa pagiging kakaiba ng babae. Well, the two are both weird in their own rights.
"Ako din sali!"
Nangunot ang noo niya ng marinig ang boses ni Matthew. Mula sa bintana, nabalingan niya itong animo nakikisali sa usapan ng tatlong babae.
Now what could be his gigolo cousin up to? He'd been sticking himself to the weird group, one way or another. Imposibleng may pinopormahan siya sa mga ito. It would be laughable.
"Si Mon-Mon din!"
His head snapped to Maria beside him. And now, she's dragging him to her own pace, doing whatever she likes.
"What?!" Huli na ng napagtanto niyang napataas ang boses. He shouldn't have done that to the girl she confessed.
"Wala ka ring sinalihan club 'diba?"
Well, it was true. Ayaw niyang mag-aksaya ng oras sa gawaing walang masyadong merit sa akademiko. He doesn't need clubs, or teenage spirit and camaraderie. It's a disgusting sentiment and a waste of tine.
"Ayos na daw, sali din siya, sigurado na iyan!" ang desisyon nito para sa kanya.
"At bakit naman sigurado?" ang pabirong tanong ni Matthew, dinagdagan ng panunukso. "Busy si your highness sa pagiging elite."
"Sasali ako, kaya sasali siya."
Nagtinginan ang tatlo, hindi muna makuha ang ibig sabihin ni Maria.
Sh*t. Mura niya sa isip. Sh*t. Sh*t. Hindi niya nasabi dito na ilihim ang kanyang pagtatapat kagabi. But if he'd tell her to keep it a secret, it wouldn't be beneficial.
She'd ask 'Why' and ask more 'Whys' until he'd be forced out to confess that he's ashamed, that liking her is a big joke, and that it was all for the sake of money.
"Bakit naman?" ang panibagong tanong ni Matthew.
Ipinikit na lamang ni Caleb ang mga mata, hinintay ang pagbunyag ni Maria ng pekeng katotohanan.
"Crush ako ni Mon-Mon."
Sunod-sunod ang 'Weh, 'Di nga?'
"Tanungin niyo siya."
Bumaling kay Caleb ang apat. Hindi niya nagawang ibuka ang bibig.
"See? Totoo."
Natahimik ang grupo.
"Sabi niya sa'kin kagabi."
Natahimik ang klase.
"Nung pumunta siya sa bahay namin. Pero sabi ko friends lang kami."
Natahimik ang sandaigig.
Ngayon ay sa kanya naman napunta ang atensyon, naghihintay ng sagot.
Gusto niyang sakalin ang katabi. The girl has no shame, no shame at all. Siguradong kakalat ang balitang ito, habang buhay na didikit sa pagkatao niya.
Caleb Montreal confessed to a freak. It would be written down in history as it is. Sa lahat ng babaeng naghahabol sa kanya, pumatol siya isang ninja wannabe at may apelidong katumbas ng Rainbow sa ingles. How ridiculous.
But then, the same freak would give him more power, more control over local and international economy.
Kaya imbes na sabihing sumuko na siya sa pagpapanggap, tatawagin niya itong sakripisyo. If others lose some to win some, he won't stop there. Caleb will lose some to win more. So to hell with his dwindling taste in women and prejudice.
Antok na antok siya. Aburido. At gutom. Sa kabila nito, nakapag-isip siya ng mabuti. If he admit it now in front of everyone, it would be romantic. Maria would be impressed, start to fall for him and then it would be a piece of cake.
"Mon-Mon?" untag ni Maria. "Sasali ka 'di ba?" Katulad nito naghihintay ang iba.
Ah, f*ck it. Ngumiti si Caleb, ng matamis at mukhang totoo. F*ck it all. "Of course, kung iyon ang gusto mo," at dumukwang para dapuan ito ng halik sa pisngi. Hindi ito umalma. "Anything for you."
"See?" anito sa lahat. Walang anumang pinahiran ni Maria ang pisngi gamit ang palad, kung saan dumampi ang labi niya, animo'y nangati mula sa pagdapo ng kung anong insekto.
After all he did, enduring the disgust in kissing her cheek, she acted like it was nothing.
At sunod-sunod na ang mga gulat na sigaw at tanong. Humalo sa komosyon ang malutong na tawa ni Matthew. "Sasali na talaga ako sa club, lol," anito sa kanya at bumaling sa upuang halos maiyak na sa kakatawa.
Wala na muli pang sinabi si Caleb, hinayaan si Maria na sagutin ang mga tanong. That was enough for the day. Wala siyang lakas para makipagbuno sa mga katanungan at naiiyak na tagahangang dumadaan tuwing break time. Maria was casual, not boasting nor embarrassed. Parang ibinalita lamang na kumain ito ng agahan.
That day, hearts shattered, cries of despair echoed across the academy.
🌈🌈🌈
Anong gagawin mo kapag hinalikan ka ni Caleb sa pisngi? Dedma lang ba like Maria?
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...