🌈🌈🌈
Ang huling naalala ni Caleb bago umuwi ay ang sinabi ng kanyang ama.
"Disappointing."
Isang salita, pero sapat na para madagdagan ang galit niya. Nauna siyang umuwi, naiwan ang ama sa party para sa mga bisita. Nang marating ang bahay, pinatigil niya ang sasakyan at lumabas.
"Ayaw daw po kayong kausapin ni Ma'am Ya-Ya," ang sabi mula sa intercom bago pa man niya mapindot.
As if gusto niyang makipag-usap dito. Gusto lang naman niyang makita ito para bulyawan. He had enough. Masyadong na itong spoiled sa kanya.
"Fine," at tumalikod.
"Sir, wait lang po."
Bumukas ang gate. Naputol ang kaunting pag-asa niya nang katulong ang lumabas, abot ang plato at tinidor ng cake ni Maria mula sa party. Milagrong hindi ito nasita ng hotel nang iniuwi ang mga kubyertos.
"Kayo na lang din daw maghugas," at sumara ang gate.
"Fine!" bulyaw niya. Kung pwede lang isumbong ito ng pagnanakaw, o makipag break siya. But of course, he can't do that. Padabog siyang nagmartsa, tinawid ang kalye pagbalik sa bahay niya, umakyat sa kwarto at namalayang bitbit pa pala ang mga kubyertos. He brought them anyway.
Pagpasok sa kwarto, nandoon pa ang mga regalo niya. Hindi niya iyon pinansin at naghanda sa pagtulog.
🌈🌈🌈
Pumatak ng ala-una ng madaling araw, gising pa rin si Caleb, gitgit ang mga ngipin, hindi humupa ang inis.
Maya-maya pa, nagring ang kanyang cellphone, pangalan ni Maria ang nasa screen. Hindi niya iyon sinagot.
Hah! Whose restless now? Not him. Magtiis ito at magsisi muna. Matapos ng ikatlong tawag, nakatanggap ng text si Caleb. Agad siyang napabangon, mahinang napamura.
Siya na mismo ang dali-daling tumawag.
[Mon-Mon] anito sa unang ring.
"What do you want now?"
[Hindi ka ba magso-sorry?]
Napanting ang tenga niya. Ang kapal ng mukha nito. "Never."
[Bakit?]
"Anong bakit?"
[Bakit 'di ka magso-sorry?]
"Coz it's not my fault."
[Yes it is.]
"No, it isn't."
[Yes.]
"No."
[Yes.]
"N–" napabuntong hininga siya, hinilot ang noo, "hanggang umaga ba tayong ganito?"
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...