🌈🌈🌈
Sa loob ng tatlong daan, anim napu't limang araw sa isang taon, espesyal ang araw na ito. Higit pa sa pasko, bagong taon o araw ng laban ni Manny Pacquiao.
Nothing more is important than Caleb's birthday, the next king of Montreal empire, a man who'll shape the business world just the way he likes it.
Kumpara sa ibang pangmasang holiday, mas may pakinabang ang kapanganakan niya sa mundo.
Pero bakit, nandito siya sa bahay nila Maria, naghihintay na parang inarkilang escort sa isang debutante?
It's his birthday, not hers. Kung tutuusin, pwede na siyang mauna sa hotel. But knowing Maria, he can't risk it.
"Mon-Mon."
Tumingala si Caleb sa tuktok ng hagdan, natigilan.
Above all things, he believes in the power of money.
Kaya nitong gawin halos lahat, bilhin ang kahit ano o sino. Nagagawa ang imposible at milagro.
Yes, milagro. O pwede ring aparisyon. Iyon ang tawag sa kasalukuyang phenomena.
"Mon-Mon?" untag nito, tuluyang nakababa ng hagdan.
Nagising siya sa panandaliang pagtulala, sinuyod ng tingin ang estranghera.
Nakasuot ito ng peach colored gown. Sigurado siyang tunay na dyamante ang gitna ng suot nitong manipis na choker.
His eyes went up her face. She had make up on, just the right amount to color her face and still look fresh. It all took a single hairpin, matching her necklace, to tame the short curly hair. She looked innocent and refined. Still catlike, pero hindi na pusakal lang. Aside from her face, she is nothing alike Maria The Ninja. She looked like an every inch of an elite.
"Okay lang ba ang suot ko?" tanong nito, umikot sa harap niya, ibinalandra ang gown na abot sahig.
Napansin niya ang may kalalimang ukab sa likod nito, hanggang kalagitnaan. For some reason, he didn't like it. Iyon rin ang unang pagkakataong nagpakita ng balat ang babae. He wanted to cover it.
It was strange.
"Mon-Mon?"
Tuluyan siyang nauntag. Now her face was close to his, her cat-like eyes were like a doll.
Tumikhim siya. "Pwede na," sagot niya. "Where did you get the gown?"
Umatras na ito. "Pinadala ni Daddy."
"Who fixed you?" He asked with a lowkey insult.
"Ako lang," at ngumisi, "Kahit sa States pa ako dati, minsan sinasama ako ni Daddy sa mga party. I don't really enjoy them much, but I learned to dress for the occasion."
"You can talk in straight English too," bulas niya. Well, he already knew. There are instances that she spoke English well. Natatabunan lang ito ng kawirduhan.
Naipilig nito ang ulo. "Halos lahat naman 'di ba?" at lumapit, sinapo ang noo niya. "Okay ka lang ba?"
Despite the transformation, she still smelled like baby powder and milk. This time, sweeter.
It was really strange.
Umatras si Caleb. "Of course, let's go."
🌈🌈🌈
Kung sana at itininikom lang nito ang bibig, mapapanatag siya. Pero sa buong byahe, wala itong tinanong kundi anong handa niya, ilang layer ang cake niya at kung may fried chicken ba talaga.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...