Medyo mabigat. Medyo seryoso.
Medyo masakit.Medyo lang. Rawr.
Enjoy.
Ellena Odde ♥
🌈🌈🌈
Caleb had to remind himself, it's Maria's birthday. But still, he feels that he is being played. She is playing his feelings, controlling and having fun at his expense.
'May problema ba?' tanong ni Maria.
Of course there is. But then, hindi siya magpapatalo. Kinuyom niya ang kamao, humugot ng malalim na hininga at ngumiti, katulad ng prinsipeng tinutupad amg kahilingan ng kanyang prinsesa. "Of course there isn't. It's your birthday after all."
Nagliwanag ang mukha nito at niyakap siya. "Thank you Mon-Mon."
Sa pagdating ni Mia, animo lahat nagkaroon ng sigla. Pilit. Para lang mapunan ang tensyon.
"Mabuti at nakababa ka Tita," salubong ni Maria, sabay yakap.
"Of course, ikaw ba naman nag-imbita sa'kin."
"Wow," anito matapos ng matiim na titig, pagkatapos ay tingin kay Caleb, "Tita, pareho pala kayo ng ngiti ni Mon-Mon."
Naipon ang pwersa ni Caleb sa kamao at hinarap ang dalawa. "Of course, she's my mother." Sa gilid ng mata niya, nakikita si Matthew na pasimpleng kumukuha ng litrato o video, habang si Mrs. sabel ay naiiyak.
Ngumiti si Mia. "Of course..."
Ang panandaliang katahimikan ay naputol sa boses ni Tamara, nakatingin sa kalangitan. "May bagyong paparating."
Sinundan niya ang paningin nito, nagtaka dahil wala siyang makita ni katiting na maitim na ulap.
Sa paghikayat ni Maria, nagsimula na ang selebrasyon. Nang nasindihan ang kandila ng cake, kumanta sila ng tradisyunal na Happy Birthday, may kasamang palakpak. Si Maria ay animo kinikilig, at pasimpleng sinundot ang gilid ng cake para tumikim. Kinailangan pa niyang tampalin iyon para pigilan ito.
"Make a wish!" halos sabay na sabi ng lahat.
Pinikit ni Maria ng madiin ang mata. When Caleb thought she'd make a wish in her mind, she started talking.
"I wish for more buckets of fried chicken and icecream and hamburgers and cake and ham and fried rice. Please. Please. Super please. Oh, and jam too."
Hey, he thought, you're asking for useless things.
"I want to eat them with everyone. With Mon-Mon too. And more kisses from him. And hugs. And hugs again."
"Hey–" he whispered, trying to stop her before she says more embarrassing things.
"I want him to smile, for real."
Maria opened her eyes and blew the cake. Nagpalakpakan ang nasa paligid habang siya ay nakatingin lang dito. Nang nagtagumpay ito sa pagsundot sa gilid ng cake para tikman, hindi na niya nagawang sumita. Sa sandaling iyon, ang tangi niyang ininda ay ang kung anong kirot sa dibdib niya.
In a short moment, he hated looking at her smile, it made his chest hurt. Nasulyapan niya si Mia, nakatingin din sa kanya. His chest hurt more.
"Mon-Mon, ang sarap nga!" Animo nagulat pa siya nang sa isang kisap mata, halos magkadikit na ang mukha nila, may tsokolate pa sa ngipin. "Ang cake, masarap!"
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...