1 🌈 Caleb, The Supreme Being

2.2K 92 16
                                    


🌈🌈🌈

May dalawang uri ng tao: perpekto at hindi. Sa diksyunaryo ni Caleb, katumbas nito ang 'AKO' at 'SILA'. Believe it or not, he's always been first- academics, social skills, music among others that he tried. He's the greatest man that ever lived.

Pero hindi na ngayon.

Sa unang pagkakataon, naimprinta ng banal niyang pangalan katabi sa #2.

Imposible. Ngunit higit siyang nagitla nang matukoy ang pangahas.

#1. Maria M. Bahaghari

Ilang sandaling nagpakurap-kurap si Caleb, titig sa pangalan. He heard rumors, but didn't believe it. Ngayon ay tuluyang na niyang nakita ang ranking sa bulletin, doon pa lamang niya natanggap nag katotohanan.

Hindi iyon pagkakamali. Their school is too elite to have this kind of lapse. Ayaw din niyang dumulog at magreklamo sa mga guro. He'd look desperate and that's pathetic.

Otomatiko niyang hinanap ang may-ari ng pangalan. Paano? Paano naagaw ng isang transferee na wala pang tatlong linggo ang pwesto niya?

"Caleb, okay ka lang ba?"

Nilingon niya ang pamilyar ma pigurang nakasunod, si Ailin, isang Junior. Her family is into the publication business. She's been one of those girls- following him around with puppy eyes. In short, asungot.

"I'm fine," at ngumiti. "Thank you for asking, Ailin." Now, shut up.

Nagliwanag ang mukha ng babae. "Natatandaan mo ang pangalan ko?"

"Of course." Ilang beses mo akong pinapdalhan ng sulat. I don't read them anyway.

Higit na lumaki ang ngisi nito. "I'm happy. Anyway, I'm glad you're okay. Unang beses mong maging pangalawa lang 'di ba?"

You insensitive b*tch. "It's not a big deal. See you around."

Naglakad si Caleb palayo. Anak man ang babae ng isang CEO, malayo pa rin an agwat nito sa kanya. Pero kahit ayaw niyang makipag-usap sa katulad nila, ang pagiging magalang ay estratehiya. Her and others might be useful to him someday.

Ilang minuto nalang at matatapos na ang lunch break. Bumalik siya sa classroom at naupo sa pwestong malapit sa bintana.

Mula sa third floor, natanaw niya ang anomalya, nakaka-upo sa damuhan ng school garden, masusing sinusuri ang halaman sa paso. Then she stood, started running in circles with her hands waving in the air, screaming happily.

"Eureka, eureka!"

In her small frame, her movements were big and careless. Kahit saang anggulo tingnan, mukha itong sira-ulo. How someone, a genius like him lose to no-brain like that?

Maya-maya pa'y lumapit dito ang pamilyar na pigura ni Tamara, isa niyang kaklase.

Nagsasalita si Tamara at may inabot, habang tatango-tango naman si Maria. Freaks do get along well, isip niya. Kapwa sila nakangiti ng maghiwalay.

Tumingala sa langit ang naiwang si Maria, nahuli siyang nakatingin.

"Hi classmate! Hi!" at kumaway-kaway. Lumayo sa bintana si Caleb at tumambad sa paningin ang nanunudyong ngisi ni Matthew.

"Second ka na lang? Lol." Ngumunguya ito ng bubble gum at kinindatan ang mga babaeng nanonood mula sa pinto.

"Nandito ka ba para mang-inis?"

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon