🌈🌈🌈
Katulad ng imbestigasyon kung paano nagsimula ang sunog, umabot din siya sa dead end. Nang tinanong niya si Maria kung sino si Master Hokage, ang sinagot lang ay, 'Friend ko'. And for some reason, Caleb got annoyed.
Sa paglipat nito, nangalikot pa ito at maya't-mayang nagtatanong. Isa na doon ay ang litratong nakita sa kwarto niya.
"Sino to?" sabay turo sa batang lalaking katabi niya sa may poolside
"That's Alex, my brother," at nagdagdag, "he's dead."
"Sayang. Ang cute. Mas cute pa sa sa'yo. At mukhang mabait. Paborito siya ni Tito no?"
"He was," ang kaswal niyang sagot.
"Okay lang 'yan, paborito naman kita Mon-Mon."
Shut up. "Thanks, me too," paborito ko ang sarili ko, "you're my favorite."
🌈🌈🌈
Two more days past, nagsimula na rin ang muling pagtayo ng gumuhong bahay. Kasalukuyan silang nasa patio, sabay na kausap ang architect at interior designer na gagawa sa project. Ayon kay Maria, wala umanong babaguhing disenyo sa bagong bahay maliban sa likod nito.
"Pero hindi nasali sa sunog ang backyard niyo," imporma ng architect, "masasalba pa. We can just repair any damages."
"Gusto ko po mas malaki. Tapos may monkey bars. Ang tree house mas malaki please. 'Yong may TV, malaki at popcorn machine. Malaking-malaki. Tapos may trampoline din, 'yong tatalon ako, parang 'boink'."
Marami pa itong sinabi, pero inawat ni Caleb. Kundi dahil sa kanya, ay baka tuluyang gawing gubat ang likod bahay nito. He can see the architect and the interior designer, both men, eyes twitching yet acting professional despite her request.
Mula umano ang mga ito sa subsidiary ng kanilang construction firm. They too, have been warned to keep Maria's new residence a secret.
"And the budget plan, Miss Bahaghari? Is there a specific limit of amount you'll spend in renovation?"
"Wala," ang diretsong sagot nito, cheerful as always. "Universe po ang limit. Isama niyo doon ang snacks ng mga trabahador okay? 'Yong masarap," at lumingon sa kanya, "Mon-Mon, anong magandang meryenda? Sabi ni Lord, masarap 'yong turon, ano pa? Dagdagan natin."
"I'm sure they know what to do," sabi niya. Natapos ang meeting, pero pinaala pa rin nito ang disenyo ng likod bahay at turon.
🌈🌈🌈
Lumipas pa ang mga araw, muling nagsimula ang klase. Kumalat ang balitang nasunog ang bahay ni Maria, pero maliban sa club members, wala pa ring nakakaalam kung saan ito lumipat.
Caleb had to kill himself for the third term and reclaim the first rank, at the same time try his best not to kill the new pest living in his house.
Pagbukas niya ng ref, tadtad ng kung anong matatamis at take out ang laman niyon. ''Di na daw po kasi kasya sa biling ref ni Ma'am Maria Sir, kaya nakiusap na ilagay diyan. Tatanggalin ko po ba?"
Nagpaubaya siya.
Kapag kumakain, kadalasan ay umaalingasaw ang sang-sang ng kung anong pagkain na hinahain sa mesa. "Nagrequest daw po kasi si Ma'am Maria ng tuyo sir. Gusto din daw po niya subukan yung alamang sa sinangag bukas. Hindi ko po ba lulutuin?"
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...