23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (3)

496 34 3
                                    


🌈🌈🌈

Maria, ginugutom ka ba sa inyo?" panimula niya.

"Hindi."

"Then why..." Sinulyapan niya ito, nasa kalagitnaan ng pagsubo, "...nevermind."

"Mon-Mon, hindi ka ba masaya?"

"Bakit mo natanong iyan?"

"Well, kasi nakasimangot ka."

Well, at least marunong itong makaramdam... minsan.

Inilapag nito ang cake at umupo sa tabi niya. "Ayaw mo din ng ganitong party no?"

"Why wouldn't I?"

"Hmm," at nag-isip ng malalim, "perfect, lahat naka-smile at maganda... ang boring 'di ba? 'Yong pagkain lang ang masarap."

"Bored ka ba?"

"Hindi. Ikaw?"

He looked at her, then to the door where a chatter of sounds came. "Not anymore." Namalayan niyang kumalma na ng kaunti. It must be the comfort of not being alone, yet not totally drowned in the sea of smiling people. This kind of moment is not so bad after all.

Muli niya itong nilingon, "Thank–" at dumikit sa pisngi niya ang tsokolate mula inaabot nitong kutsara.

"Gusto mo ng cake?"

"Unahin mong magtanong bago 'yan imudmod sa mukha ko!"

"Galit ka nga," at binawi ang kutsara, sinubo.

"Because you're rude! Why don't you go with the flow for once? Don't just ruin the moment! And then... that!" itinuro niya ito. "Stop eating like a pig! Stop telling people you're my girlfriend even they're not asking you!"

Matapos sabihin lahat, huminga si Caleb, animo nauubusan ng lakas.

Ibinaba nito ang hawak. "Mon-Mon, ikinahihiya mo ba ako?"

"Stop calling me that. I'm Caleb, Ca. Leb."

"Dahil ba gusto ko kumain ng maraming cake? Tinirhan naman kita ah, dami nga eh."

"That was my cake, and this is my birthday."

"O dahil hindi bagay sa'kin ang suot ko?"

"It's not that," aniyang gitgit ang ngipin, "you actually look pretty."

"Ba't ngayon mo lang sinabi?"

"What? Naghihintay kang purihin kita? I thought it's already obvious!"

"Gusto ko marinig."

Humugot siya ng malalim na hininga, tiningnan itong muli. Sa pagkakataong ito, hindi niya tuluyang magawa. May kung anong init ang umakyat sa tenga niya. The hell is this? tanong niya sa isip at sumulyap. "You... you look pretty. Very pretty."

She beamed. "Thank you," then leaned forward. "So, bakit ka galit?" tanong ulit nito, halos idikit ang mukha, tapos ay sumulyap sa may pinto at bumulong, "Dahil ba sinuntok ko ang isa sa mga bisita mo?"

He blinked, head snapped towards her. "You what?! You... when? How?!"

Nasabunutan niya an sarili. Papaanong hindi niya ito alam?

"Kanina, noong nasa stage ka, before sa speech mo, nagCR ako. May dalawang babae, pinag-uusapan tayo. Sabi, first time mo daw may kasama, ako. Mukha daw akong pusa, hindi naman 'di ba?"

As if he can answer that straight to her face.

"And then... and then... marami siyang sinabing bad. Kaya, nung pumasok ang isa sa cubicle ng banyo, lumabas ako, sinuntok ko 'yong isa."

Wala siyang maapuhap na salita. Siguro ang sekretarya na ang nag-ayos ng problema.

"Don't worry, hindi niya ako nakita, mabilis ako," she nodded assuringly, salubong pa ang kilay. "Kaya na-stress ako. Salamat sa cake, kumalma ako."

"You little..." humugot siya ulit ng malalim na hininga, biglang sumakit ang ulo. "Go home."

"Ano?"

"I said go home."

That's it. He had enough for the day.

"Bakit?"

"Go home before you ruin my party."

"Bakit?"

Ito na naman ang walang katapusang 'bakit'.

"Because you're unbelievably impulsive! And wild! And rude!"

Dumiretso ang kamao nito sa sikmura niya, halos mawalan siya ng hangin sa sakit. "Fuuuu–"

"Rude ka rin!"

Binuklas nito ang laylayan ng ballgown, kita niya shorts nitong may printa ng saging. Mula si bulsa, isinampal sa dibdib niya ang dalawang piraso ng papel. "Happy birthday!" at nagmartsa paalis, pero bumalik din para kunin ang platitong nag-uumapaw pa rin sa cake. "Akin na 'to!" at taas noong umalis.

"Hey! Bakit ka nagrubber shoes?" ang pahabol niyang tanong, sa kabila ng pamimilipit ng tyan. Kaya pala maayos itong nakapaglakad.

Naibalibag na nito ang pinto. Naiwan siyang tiningnan ang dalawang ticket sa mumurahing amusement park.

🌈🌈🌈

Few more chapters before Season 1 ends. 😍

Abangan niyo ang medyo development (yata) hihi

Ellena Odde

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon