Happy New Year! Dahil maagang nakauwi, nakapagsulat. Kaya ito. Sana magustuhan niyo.
Anyway, sorry for the kupad ud. As you all know, I'm very busy with work. Still, please enjoy the kinda loooong update :)
Ellena Odde ♥
🌈🌈🌈
Paggising sa umaga, may sariling routine na sinusunod si Caleb.Una, uupo siya ng ilang minuto para mag-meditate, ihahanda ang sarili sa panibagong araw. Tapos ay tatlumpung minuto sa gym na bahay. Sumatotal, ginugugol niya ang halos isang oras sa umaga para ihanda ang isip at katawan sa panibagong araw.
Pagkatapos maligo at magbihis, kakain siya ng agahan habang binabasa ang business section ng dyaryo. He'd read the stocks, economic changes and anything that could affect the Montreal Industries. Pagkatapos ay doon pa lamang siya papasok sa paaralan, kadalasan ay maaga ng kalahating oras.
Everything is organized, with time limit and precise. That is his schedule, or at least supposed to be.
"Good morning, Mon-Mon!"
Nahilamos na lamang ni Caleb ang palad, nagpigil na bulyawan si Maria, ang unang mukhang namulatan niya sa umaga.
F*ck my life, isip niya, nangangating sipain ito palabas ng kwarto, ng bahay, ng buhay niya.
"Mon-Mon!"
Hindi niya pinansin ang pagtawag nito at kung paano sundutin ang pisngi niya. He's been shouting in frustration for the past days, it's sickening.
"Gising na."
Wala na siyang magagawa kung araw-araw nitong sinisira ang schedule...
"Oi, Mon-Mon."
...o ang buhay niya...
"Kain na tayo."
...o nakikikain sa kanila.
"Sinabi ko kay Fredrick gusto ko ng tortang talong."
...at mag-request sa mayordomo ng mga pagkaing pang-mairap.
"Sabi Lord, masarap daw 'yon, lalo na kapag sinangag ang kanin sa pinaglutuang mantika."
Wala ng pakialam si Caleb. Pasasaan ba't para sa kapakanan niya ang sakripisyong ito.
"Mon-Mon."
Kaunting tiis lang ang kailangan.
"Wow. Ang kinis mo Mon-Mon," at sabay haplos sa pisngi niya.
"FUUUUUUUUUCK!!!!!"
In the end, he can't control his anger. Hindi niya alam kung paano nakaligo at nakapagbihis ng hindi inuuntog ang sariling ulo sa inis. Ngayon ay kaharap niya si Maria, nilalantakan ang ni-request nito sa na tortang talong.
It seems the helpers had been instructed by his father to tolerate Maria's whim. That was the only explanation why she has the freedom to turn the distinguished and respectable Montreal household upside down.
Simula ng kapwa madiskubreng magkapitbahay sila, araw-araw na itong pumupunta doon, binubulabog siya sa umaga. His weekend was wasted away, learning how to be patient and trying not to kill her.
At ngayong lunes na, napagtanto ni Caleb na permanente na ang ganitong uring impyerno. Hindi na siya tumutol nang pinagpilitan nitong makisabay sa sasakyan pagpasok.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Roman pour AdolescentsSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...