53 🌈 Caleb, The Runaway

565 40 12
                                    


🌈🌈🌈

Nakatayo si Caleb sa grey na pinto ng condo unit at marahil ikalimang pindot na niya ng doorbell iyon.

Sa totoo lang, pwede naman sana siyang maunang tumawag para mag-anunsiyo, lalo na't unang pagkakataon niyang pumunta roon.

"Sino 'yan?" sabi ng iritadong boses mula sa intercom. "Kaloy?!" gulat nito, marahil ay nakita ang mukha niya sa security screen sa loob.

Agad na bumukas ang pinto at sumilip ang gulat na mukha ni Matthew.

"Kaloy?!" ulit nito, kinapa ang mukha niya. Nang tumagal iyon ng ilang segundo pababa sa dibdib niya, doon na siya umatras.

"Ay p*ta, ikaw nga!" at nagtaka, "ba't nandito ka? Pa'no mo nalaman 'to?"

Matagal na niyang alam iyon dahilay mga panahong inaaya siya ni Matthew maligaw ng landas at ibinibigay pa nito ang buong address. Alam niya ring umuwi na ito mula sa maikling pagdalaw sa fiesta ng San Mateo dahil tinawagan niya.

"I'll stay here for now," sabi niyang pautos.

Sa kabila ng gulat, nagawa pa nitong magbiro. "Say 'please' muna."

"Please," diretso niyang pakiusap.

Nahilaw ang ngisi nito. "Kinikilabutan ako sa'yo," at binuksan ang pinto. "Pasok na."

Nang marating ang sala nitong makalat, pinaupo siya nito. "Find a spot, your highness," at may tinawag.

"Apple?" tawag nito. "Apple?"

Sumilip ang babaeng naka-apron mula sa kusina. Sa ikli ng suot nito, ay inakala ni Caleb hubad maliban sa pulang apron. "What?" at sumulyap sa kanya. "Sino siya?"

"Sorry Apple," sabi ni Matthew, "kailangan mo munang umuwi."

Umikot ang mga mata nito pero pumayag na rin. "Whatever," at hinubad ang apron, tumambad ang minidress na skintone.

Sumigaw ulit si Matthew sa direksiyon ng kwarto. "Che? Cherry?"

"What?" answered a muffled voice from the shower.

Pumasok ang pinsan niya sa kuwarto kasabay ng tinatawag na Apple. Narinig niyang kumatok sa banyo ang pinsan. "Cherry, bilisan mo na gorgeous. Uwi na muna kayo, may emergency ako."

All the while, pinanood lang ni Caleb ang pinsan. Sa kabila ng magulong isip, napuna pa rin niyang boxer na stripes, white at green, ang tangi nitong suot at walang pang-itaas.

Ilang minuto ang dumaan, sabay na lumabas ang dalawang babae. Caleb realized they were twins, oriental looking at even have the same length of hair on their ponytail.

"Next time, okay?" sabi ni Matthew.

"Promise?" umaasang tanong ng isa, naala niyang si Apple. Habang kumindat lang si Cherry sa direksyon ni Caleb. "Isali mo rin siya," anito. "The more the merrier."

"Ah, hindi pwede. Bebeboy si Kaloy, pure heart yan... minsan."

Hinatid ito ni Matthew sa pinto at agad na bumalik.

"Who are they?"

"Friends," makahulugang sabi nito.

"Apple and Cherry? Really?"

Nagkibit balikat ito. "Mahilig ako sa fruits. Healthy 'yon."

Caleb wanted to call him a man wh0re on his face, but controlled himself.

"So," anito matapos ng ilang minuto, naglapag ng bote ng beer sa harap niya. "Anong nangyari?"

Tiningnan niya lang iyon. He would never drink commoner's beer again. They are potent.

Natahimik siya, hindi sigurado kung sasabihin ang totoo.

"Sige, okay lang, buong araw tayong magtitigan rito. Or pababalikin ko muna ang kambal habang nagmumukmok ka diyan. Magpo-fruit salad lang kami sa kwarto. "

"You manwh0re," he said finally.

"Thanks," at ngumisi, pagkatapos ay tumungga sa bote.

Kung hindi lang magulo ang utak niya, nunca siyang humingi ng tulong. But then, he had no choice. So he told Matthew everything, pati na rin kung paano niya naibuntong ang galit sa paparazzi.

"Alam kong sumpungin ka," anito, "pero may anger management issues ka pala, your Highness. Anyway, so ngayon, naglayas ka?"

Hindi siya sumagot, sumandal sa sofa.

Wala siyang dala. Maliban sa sasakyan, wallet niyang may ilang libong cash at sarili, wala na saying dala. Probably, his father would cancel all his credit cards tomorrow.

Pinuntahan niya ang suite ni Georgie sa Luna Hotel pero wala na ito roon
Himdi niya mahagilap si Maria kahit anong pilit. "'Yon ba ang tawag do'n?"

"Alangan namang 'tanan', magtanan kang mag-isa."

Tiningnan niya ito ng masama, agad namang itinaas ng kamay na pasuko.

Nag ring ang cellphone ni Caleb, hindi niyo iyin sinagot. Ilang beses pa ulit, nakatanggap siya ng mensahe Mula sa sekretarya ng ama.

[Your father said you should return.]

Caleb ignored it and called Maria's number. Tulad ng mga naunang subok, hindi it sumasagot.

Napansin niyang wala na si Matthew. Pero lumabas ito mula sa kuwarto, may kausap sa cellphone.

"Nandito po siya," anito at tumango-tango, pagkatapos ay pinagmasdan siya. "Mukhang ewan si Kaloy ngayon, lol."

Bago pa siya makahuma, iniabot nito ang cellphone.

"Sino 'yan?" duda niya.

"Basta," sa kabila ng pagkabinbin ng kamay sa ere, "bilisan mo na Your Highness."

Kinuha niya iyon at inilapit sa tenga. "Hello."

['Nak] tawag ng pamilyar na boses, [sinabi sa'kin ni Mat ang nangyari.]

Tiningnan niya niya masama ang pinsan pero nagkibit balikat lang ito at ngumisi. "You're welcome", at pumasok sa kuwarto.

[Are you okay?]

It was just a simple question, with an obvious answer. He's not fine. But with the simple three words, Caleb felt like letting it all out. Kung nagawa niyang ipalabas ang galit, ang natitirang sakit say dibdib niya ay masyadong mabigat para bitawan.

Finally, he admitted that it was hard, that he, Caleb Montreal, isn't strong as he thought he could be.

"Mom..." he finally said it, "I don't know what to do."

🌈🌈🌈

What should Caleb do? Someone... anyone... please help our bebeboy.

Ellena Odde ♥

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon