33 🌈 Caleb, The Left Behind

575 36 9
                                    


🌈🌈🌈

It's already been two weeks.

Wala man lang siyang natanggap na kahit ano mula kay Maria.

[I don't know the details too.] His father said when he called him through the secretary. [Just wait. She'll come back.]

And that's it. Wala rin naman siyang nahanap na balita kahit na ano tungkol sa Rainbow Industries. Imbes, ang pinakalatest na balita tungkol sa kompanya ay ang pagventure nito sa recreational industry at pag-expand ng economic influence, sinusubukang pumasok sa Asya.

There was no news about an emergency, any reason why Maria left.

Sa kabila ng pagkawala nito, hindi nagkaproblema sa eskwelahan. Well, their school does have special privileges. May online program ito para sa mga estudyanteng pansamantalang wala. 'Personal reason', iyon ang ibinigay na rason sa paaralan. The school didn't disclose what was the personal reason.

Gamit ang impluwensiya, pwede niyang tingnan ang files ng school para sa binigay na letter of absence. Pwede rin niyang utusan si Matthew na gamitin ang koneksyon nito. He could have the it at the snap of his fingers. But Caleb didn't bother. Inisip na lang niyang bakasyon, pansamantalang malayo sa pampagulo sa buhay niya.

He should be celebrating. Two week absence is a big loss for Maria. Kahit gaano pa ito katalino at kahit pinapadala dito online ang klase, may lamang pa rin siyang pumapasok.

Dumba*s, she ranked first, three weeks after she transferred. Ang bulong ng boses sa isip niya.

Sh*t. Wala sa loob niyang naihampas ang kamao sa mesa. First, since when did he get a pessimistic inner voice? And second, how dare his inner voice call him 'dumba*s'.

"Kaloy? Okay ka lang?"

Humugot siya ng malalim na hininga, pinaalalang nasa kalagitnaan sila ng club meeting, para sa darating na school event. Kailangan nilang makagawa ng magandang concept sa club room para sa paparating na club inspection. Kasalukuyang ordinaryo lamang ang silid nila.

"You should focus," nakasimangot na sabi ni Shalla. "If our club wins, dagdag merit 'yon sa school credentials ni Lord."

"Thank you Sha," sabi naman ni Lord.

"Lord, ako din," sabat ni Matthew, "magthank you ka sa'kin."

Sumunod ang huli.

Sa totoo lang, pwedeng hindi siya umattend. Wala naman si Maria para samahan niya. If ever they win the club room decoration contest, only Lord will benefit.

To hell with commoner's dreams.

But then, he stayed, told himself that it was force of habit.

"Caleb," tawag ni Lord, "hindi pa rin ba uuwi si Ya-ya?"

"No news," ang maikli niyang sagot.

"Bakit ba kasi siya umalis?" tanong ni Shalla.

Hindi siya sumagot.

"Break na ba kayo?"

Hindi siya sumagot kay Matthew, tiningnan ito ng masama, habang ang huli ay nakangisi lang. "Miss mo na non?" at animo sumayaw taas ang dalawang kilay. "'Pag nawala sa'yo, doon pa mari-realize ang halaga nito', ika nga. Syet, dramatic."

As if. Yet, Caleb, didn't deny. Despite everything, he was pretending to be inlove with her. Kahit wala si Maria ay kinailangan niyang magpanggap.

"Gusto mo ulit bumili ng panyo?" tanong ni Tamara sa tabi niya. Minsan nakakalimutan niyang nandoon din ito dahil sa pagiging tahimik, lalo na't wala si Maria. "Pandagdag pangontra sa kamalasan. Mukhang mas malaki ito kaysa inaakala ko. At mas madilim pa rin ang panahon. 200 pesos lang, with tax na."

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon