🌈🌈🌈Sa isang tulad niya, maadaling mang-uto. Madali ring manuyo at paikutin sa makinis at pangmayaman niyang palad ang mga tao sa paligid.
Pero lahat may exception. Sa kaso ni Caleb, iyon ay si Maria.
Never, will a man like him will a apologize to someone like her. Never, will he say it out loud. Kaya buong araw silang hindi nag-usap. Imbes na humingi ng tawad, gagawa siya ng ibang paraan.
Pagkatapos ng hapunan, nahanap niya ang sagot. He got into his car and zoomed away, then returned shortly. Matapos iparada ang sasakyan sa garage, muli siyang lumabas ng bahay, at tinawid ang kalye, bitbit ang isang supot.
Matapos pindutin ang doorbell, agad may sumagot sa intercom.
"Nandiyan ba si Maria?"
"Sino po sila?"
"Caleb, Caleb Montreal, I live across the street."
"Bakit niyo po hinahanap si Maam Yaya?"
Nag-init ang ulo niya. Si Maria ay labas-masok sa bahay niya. She acts like she owned his house. Pero siya ay itinatrato ng ganito?
"Just tell her it's... Caleb."
"Wait lang po."
Naghintay siya ng ilang sandali, natutuksong yakapin ang sarili sa papalamig na gabi. He should've brought a jacket, while waiting outside like he was no one important.
"Bakit?" ang matamlay na tanong ni Maria mula sa intercom.
"Mag-usap tayo."
"Bakit?"
"May sasabihin ako."
"Ano?"
"Basta meron."
"Ano nga?"
Para maputol ang walang kwentang usapan, itinapat niya ang hawak na supot sa CCTV. May logo pa iyon ng burger stand kung saan ito bumili noon.
"Buy 1 take 1 burger," sabi niya.
"With cheese and egg?" tanong nito matapos ng maikling katahimikan.
"With cheese and egg."
"Hot sauce?"
Hindi siya sigurado, pero sumagot na rin. "Hot sauce."
"Maraming coleslaw?"
"You greedy little- yes. Maraming coleslaw, with some cheap ham shreds too. May cheap iced tea at cheap footlong."
Ilang sandali pa, bumukas ang maliit na pinto sa gilid ng main gate. Lumabas si Maria, nakasuot lang ng puting T-shirt na hanggang tuhod ang haba, may printa ng unggoy. Nakapusod ang buhok, ilang hibla ang kumakawala. Una nitong kinuha ang supot, pagkatapos ay ang kamay niya, iginiya papasok ng bahay.
"Kuya Kepoy, si Mon-Mon po, classmate ko," ang pakilala nito sa guard at hinila siya palayo. Ganuon din ang lakilala nito sa bawat katulong na makasalubong niya.
They passed through the pathway at the side of a house, a kind of Oriental garden with a small bridge over a man made pond. Dahil sa naiilawan ng tubig, kita niya ang mga isdang lumalangoy. They walked some more until they reached the back of the house.
Bilang isang Montreal, ordinaryo na sa kanya ang makakita ng karangyaan. He had been to several places which boasted class, creativity and wealth. And now he saw Maria's backyard., he was at loss for words.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Fiksi RemajaSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...