3 🌈 Caleb, The Evil Being

975 47 4
                                    


🌈🌈🌈

Caleb is not athletic nor deeply engaged in sports. It just happened than he is blessed with a physique- long legs and flexibility.

Dahil dito nagawa niyang tumakbo ng mabilis at walang tigil palayo sa storage building, palabas ng paaralan, hanggang sa naghihintay na driver ng kotseng sumusundo sa kanya.

"Sir, ok-"

"Drive."

"Sir?"

"I said drive! Now!"

Agad namang tumalima ang driver, pinaharurot ang sasakyan. Nakahinga na lamang siya ng maluwag nang masigurong walang sumusunod- katulad ng mga ninjang baliw na may bitbit na pamalo, aklat ng ritwal at intensyong ialay siya sa isang fictional character.

That b*tch is crazy! Nanginig ang mga kamay niya. He admit, he was afraid. Her eyes looked murderous, with intent to kill.

"Sir... ayos lang po b-"

"Shut up." Wala siyang obligasyong magpaliwanag. Pinikit niya ang mga mata, inisip ang estimated profit ng mga kompanyang pag-aari ng Mobtreal sa loob ng kalahating taon.

He's sure it was higher thank last year. His father, Theodoro Montreal, invested alot, expanded hotel-casinos in Western Europe and established Montreal brand higher than its competitors for at least a decade now.

Excellent management. Stable operations. Caleb visualized himself doing better things in the future, as the successor. It calmed his nerves.

Hanggang sa tuluyang nagpantay ang kanyang hininga. Minulat niya ang mga mata, tinanggal ang unang butones ng uniporme at inirolyo ang manggas. Inalala niys ang mga nangyari ng mas malinaw na pag-iisip.

Nagising na lamang siyang nakadikit sa noo ang dinikdik na nakakadiring mga sangkap. Si Maria ay sumasayaw, ngunit hindi itong nagmukhang tumatalon lamang, tinatawag si Lucifer sa sintonadong soprano.

Maybe it was the adrenaline, maybe he was too strong. Or maybe the ropes she used were old. He freed himself and ran like a maniac.

Muling nanginig ang mga kamay niya, sa pagkakataong ito ay dahil sa galit.

"Maria Bahaghari..." he muttered. "Maria F*cking Bahaghari. I will destroy you."

Hindi lang dahil inungusan siya nito sa ranking, bumaba ang tingin ng iba sa abilidad niya, sa uod na nilagay sa kanyang palad, o pinalo siya sa ulo.

Hindi iyon ang mga dahilan.

He feels terrible. No one should make him fell like that.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang mayordomo sa bahay.

"Call Sir Montreal's secretary I'll cancel the lesson with the new tutor."

"Anong idadahilan ko, Sir?" tanong ng matanda.

"Hindi siya magagalit. This is the first time I canceled a lesson on my own request. Ipapaliwanag ko ang lahat pagbalik niya next week."

"I understand. Anything else?"

"No need for dinner. Gagabihin ako ng uwi."

Una niyang pinutol ang tawag, at nag-dial sa numero ni Matthew.

"Nasaan ka?" diretsong tanong niya,
matapos nitong sagutin sa ikaapat na ring. Rinig ang tawanan at musika sa kabilang linya.

"Aba... si Mister #2. Himalang tumawag ka?"

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon