🌈🌈🌈
Umaga palang nagising si Caleb sa komosyon sa labas ng kanilang bahay. Tinangka niyang bumagon, tumigil saglit dahil sa pag-ikot ng paningin at sakit ng ulo.
Bumahing siya. At sinundan pa ng tatlo. Napamura si Caleb, inisip na nahawa kay Maria.
Napagtanto niyang nasa kuwarto pa pala siya nito, doon na nakatulog. Pero bakante na ang kama sa kanyang tabi.
"I knew she's sick, why did I kiss her?" maktol niya. Sa isip, binilang niya kung ilang beses itong hinalikan. Napamura siya ulit. "Thrice. On the lips, thrice."
Bumangon si Caleb para hanapin ito. There were missed calls from Matthew and the other members of their club. Though curious, he didn't return their calls.
Just as he was about to go out, narinig niya ang mahinang katok.
Binuksan niya iyon, bumungad ang mukha ni Frederick. "Sir, pinapatawag na po kayo ni Ma'am Maria."
Umaktong normal ang mayordomo, hindi bakas ang pagtataka kung bakit siya nandoon sa kwarto ni Maria. Sinapo niya nag ulo. "I'll be there..." at nagtanong. "Ano bang nangyayari sa labas?"
"Paparazzi po sir."
Natigil siya sa paglalakad. "What?"
"Paparazzi po. May tawag rin mula sa Inquirer, humihingi ng interview, may iba pa, pati tabloids."
Hinugot niya ang cellphone, at nagresearch. Maria Bahaghari was trending, even him. On Twitter, they even have a #CaMa trending at the fifth spot in the country. Some wanted #MaMon. Ang kagulat-gulat pa, kadalasan larawan nila, maganda ang kuha nila.
There was a debate about them living together. Ang mga kabataan, pinag-uusapan kung paano sila kabagay, habang ang business world ay usap-usapan si Maria at direksyon ng Rainbow Industries.
It was already expected that changes will happen. First of all, Maria Bahaghari, the biggest shareholder of Rainbow Industries, may not be the youngest rich kid in history, but her story is impossible to ignore.
Nagawang itago ang pagkamatay ng ama nito, natuklasang cancer sa buto at di na naagapan pa. She may not be the CEO as of the moment, but she was revealed to be an unofficial creative director. It was revealed in the news that even before William died, Maria was somehow the brain of the empire.
The spotlight turned towards her, people calling her a new Economic Prodigy. Nadagdagan pang nakompirmang may relasyon sila ni Caleb Montreal at kasalukuyang nakitira sa bahay nito.
It was the perfect scoop, too good to be true.
Napapikit siya, sumandal sa pinto at nahilot ang noo.
"Sir, are you alright?"
"I'm fine," at umayos ng tayo. "Magreklamo ka sa opisina ng village, bakit nakapasok ang paparazzi, paalisin mo rin sila," at nagtanong, "is Maria fine?"
"Opo. Nasa dining din po si Sir George, bisita raw niya."
Caleb remained silent, lips now pursed. Of course, he thought, now that everything's out in the open, ganoon din ang pagdikit ng guardian nito. And he thought yesterday was hectic, today seems more.
Mabilis siyang naglakad patungo sa dining at natagpuan si Maria, sinusubuan si George ng kanin.
"What the hell are you doing?" bungad niya.
"Good morning Mon-Mon!" bati nito.
"Good morning, Mon-Mon," bati rin ng bisita at tsaka pa lamang tinanggap ang alok na kutsara ni Maria.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...