17 🌈 Caleb, The Confused

585 36 2
                                    


🌈🌈🌈

"Wala na bang tawad?"

"Sige po, 70 na lang."

Napanting ang tenga ni Caleb. "No," singit niya bago pa tuluyang malugi ang kanilang club. "You can't sell everything half the price."

Sa kabila ng panghaba ang nguso ni Maria, wala rin itong nagawa, salamat na rin sa dagdag paliwanag ni Lord.

Silang tatlo ang nagbabantay ng kanilang stall para sa Club Exhibitions ng paaralan. Habang si Shalla ay nililibot ang paaralan para sa advertising at marketing. Wala silang naasahan mula kay Matthew, na hindi nahagip kahit simula.

What he hates about is it's an open day. Bukas ang Academy para sa lahat. Kaya naman, may mga nakakalusot na kung sinu-sino lang kasali na ang mga jologs mula sa pampublikong paaralan, pati na rin ang mga maralitang pasosyal at ang iba ay abusado.

Sa kamalas-malasan, dahil sa flea market nilang konsepto, doon nagsisiksikan ang mga ito. They sold accessories and crafts mostly.

They're stall is like battlefield. Sa pinagsama-samang top5 students ng paaralan, nakikisali rin ang ibang kamag-aral at kaklase.

"Buy 1 take 1 ba 'tong couple ring?" tanong ng isa sa mga babaeng mamimili sa kanya.

"Oo," si Maria ang sumagot.

"Pwedeng subukan?"

"Sige."

Ibinigay ni Maria ang itinuro nitong disenyo at isinuot. Pagkatapos ay hiniling naman na isukat ni Caleb ang isa. Sa dahilang magkasukat sisiya n daliri ng bibigyan nito. Walang sabi-sabing pumayag si Maria at ito mismo ang nagsuot ng dingding sa kanya. Panay ang hagik-ik ng babae at kasama nito.

"Bagay... bagay tayo," sabi nito, nagkatingin sa kanya.

Bago pa suminghal ni Caleb, nauna ng sumagot ni Maria. "Hindi ah, mas bagay kami," at walang anumang hinubad ang singsing sa kamay niya. "'Di ba Mon-Mon?"

"O-Of course," tangi niyang nasagot, bilang nauhaw.

Umalis na ang babae at hindi pa rin nawawala ang ang kumpol ng mga mamimili. Some would flirt with him, he'd smile.

For some reason he felt defeated. Dapat ay siya ang sumusuyo dito. It should be him that makes her fluster, not the other way around.

Dahil na rin sa kakaibang konsepto, bago sa panlasa ng mga elite, nangangalahati pa ang araw ay ubos na paninda.

"How much did we make?" tanong niya, napipilitang tumulong sa pag-liligpit.

"Tatlong libo mahigit, kasama na ang kapital."

"Tsk." Iyon lang ang tangi niyang komento. Wala pa sa sampung porsyento ang kanilang tubo, salamat sa katangahan ni Maria. Maaring nauto ito ng mamimili ng 'di nila napapansin.

"I'll go first," paalam niya sa mga kasama. Hindi niya tinapunan ni sulyap si Maria simula pa kanina.

Bagay tayo, 'di ba?

"Hindi," sagot niya sa sarili. Pumunta siya sa kanilang classroom para kunin ang ilang gamit sa locker.

Sq mga nakasalubong, inuulan pa rin siya ng 'Hi Caleb'. Hindi nabawasan ang mga tahahanga niya sa kabila ng paglabas nG kanyang matulis at mahabang sungay. Marahil ay mahilig nga siguro ang mga babae sa masasama.

Imbes na mag-elevator, inakyat niya ang hagdan, nasanay mula sa pagsasabay nila ni Maria pumasok.

Ilang hakbang pa, napagtanto niya ang nangyayari. Admit it or not, he was pulled by Maria's pace, not the other way around. Tagilid siya.

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon