22 🌈 Caleb, The Aloof Son (3)

521 33 4
                                    


🌈🌈🌈

Pagpasok ng bahay, ang tanging naabutan nila ay si Shalla, pumupostura sa sofa habang hawak ni Lord an camera.

"Ganito ba?" narinig niyang tanong ng huli, kumukuha ng anggulo.

"Oo, para mahaba tingnan ang legs ko."

'Di rin nasagot ang tanong ng mga ito kung saan sila pupunta.

Agad siyang hinila ni Maria paakyat. "Dali Mon-Mon," anito, halos takbuhin ang hagdang kintab floorwax.

"Ganito ka ba talaga?" tanong niya, sumasabay sa bilis nito, "Hindi mo bahay 'to."

Well, wala ng bago. Kahit pa siguro Malacañang, papasukin nito kung maisipan.

"Sa dulo," ang sabi ni Maria, "doon pumasok ang mangga."

"You threw it," pagtatama niya.

Finally, they reached the last door, made from carved wood in shiny varnish. Kumatok si Maria, pinihit ang seradura para pumasok kahit walang sagot kung sino man ang nasa loob.

"I said, this isn't your–" Hinila siya nito, at namalayan na lamang niyang nakatayo doon, magkahawak parin ang kamay nila. "...house."

"Hello po!"

Malawak ang silid at maaliwalas, sa gitna nito ay isang babaeng nakaupo sa wheelchair hawak ang mangga. Pinagmasdan ni Caleb ang babae, nalapusod ang buhok nito, suot ang asul na mahabang duster. Diretsong dumako sa kanya ang maamong mata.

"Ako po si Maria, girlfriend ni Caleb," bati ng katabi niya. "Sorry po, natapon ko 'yan," turo sa hawak nito.

You threw it. He wanted to insist again, but no words came out of his mouth.

"Natamaan po ba kayo?" dagdag ng katabi.

Mayuming umiling ang babae. "Hindi naman."

Malumanay ang boses nito, ngayon napangiti sa direksyon niya. Isang pwersa ang nagtulak sa kanya mula sa likod. "Mon-Mon, pakikuha ng mangga, may gagawin ako."

Bago pa siya nakatutol, nasa bintana na ito at sumigaw, "May sanga. Tagshing!" at tumalon mula doon, naglaho. Ang malakas na tawa ay patunay ns buhay pa rin ito.

"Idiot," nausal niya sa sarili. "There's a door, you know."

And so, he is left alone with a the woman. Matagal na niyang alam ba naka wheel chair ito, that's what grave accidents do to people. Maswerteng nakaligtas ito, pero hindi si Alex, ang Kuya niya.

He told himself he shouldn't feel awkward. It was just Mia, his mother.

Huli niya itong nakita sa libing ng kapatid ilang taon na ang nakakaraan. She and Alex had the same warm eyes, as if it was smiling and gentle. Habang siya ay wala man lang namanang pisikal na katangian nito.

Lumapit siya, inilahad ang kamay. "The mango..."

This is stupid, he thought. Maria could just get another one. Kung ito ang paraan para magkausap sila ng ina, pagbibigyan niya ito. He's Maria's boyfriend after all. He should endure her whims and idiotic ideas.

"Ang tangkad mo na," komento nito, nakatingala.

He couldn't answer. He was so young back then, her memories of her were hazy images of him crying calling for her name. He didn't even remember if she was frail looking like she is now.

"Thanks."

Ngumiti ito, inabot ang prutas. "I'm glad you came."

Tumango lang siya, tumalikod at tinungo ang pinto. Hindi man lang siya humingi ng paumanhin sa interupsyon o nangumusta. There is no need for dramatic confrontations or warm reunion. Just like he told Maria, it's just how it is.

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon