🌈🌈🌈
Nagising si Caleb ng may masakit na ulo. Namulatan niya ang kadilman dahil sa kung anong bumalit sa kanyang mata at ang amoy ang basura. Masakit rin ang katawan niya, marahil sa di komportableng desisyon ng pagkakatulog ng ilang oras.
He tried to move but his hands we're restricted by the ties around him. Ganoon rin ang kanyang mga paa at may bikig sa kanyang bibig.
Nakarinig siya ng pagtatalo.
"G*go! Hindi yan ang usapan natin. 'Yong babae ang kikidnapin di ba?" sabi ng isang boses lalaki.
"Pareho na rin 'yon. Mayaman rin naman 'yan. Parehong ransom rin."
"Kahit na! Babae yon. Lalaki ang nakuha natin. Anong gagawin ko diyan? Mahihipuan ko ba? Gago."
"Tang ina, mabuti nga may nabitbit pa tayo. Sa higpit ba naman ng siguridad, nakalusot pa tayo. Kasalanan din yan ng bata, nagsakripisyo para iligtas an syota. Tang inang pag ibig yan. Ang kung medyo di ka straight, hipuan mo na rin yan. Makinis rin naman. "
Above the fear and discomfort, Caleb felt relieved. Mabuti na lang talaga siya ang nadukot at hindi si Maria. He imagined the possible things that could be done to her, he felt revolted.
He doesn't know how long he has been taken, but he was sure it's a big news right now. They were taken in broad daylight.
Sa ngayon ay hindi na magagmit ang modus na 'Don't call the police'.
Maya-maya pa, nakarinig siya ng yapak. "Hoy," tawag ng marahas na boses, "gising na diyan."
Marahas na tinaggal nito ang piring sa mata niya. Nasilaw si Caleb sa diretsong liwanag ng ilaw. The dusty window indicated it was night, somewhere in the city, kita pa niya ang ilaw ng mga gusali sa unahan.
Natuliro siya sa suntok na tumama sa panga niya. "Kapag kinausap namin ang magulang mo, umiyak ka, magmakaawa ka ng mabuti kung gusto mong mabuhay."
Hindi siya sumagot, tinitigan lamang ito ng masama. If he has a chance, this man will die. He looked like a regular hoodlum in movies, face covered in tattoos and bald.
Sa ilang beses siyang niyakag ni Maria na manood ng mga pelikulang ng mga naunang dekada, hindi niya maiwasang ikumpara ang sitwasyon dito. Sa likod nito ay tatlo pang lalaki, bagama't iba't ibang itsura at anyo, sa unang tingin pa lang ay mukhang kriminal.
One man was familiar. It was the paparazzi he almost hit the other day, when Maria left.
This is cliché. He thought. He can't believe his life has turned into a B-Rate movie with a low budget.
"You're breath stinks," sabi niya.
"Aba't—!" Muli siyang sinuntok, sa pagkakataong ito, sa sikmura. Napaimpit siya sa sakit, ramdam ang pag-alpas ng kung anong laman ng tiyan niya.
Masakit ang mga suntok ni Maria, ngunit mas masakit ito. "'Pag hindi ka sumunod, Hindi lang yan ang matitikman mo!"
Lumapit ang isang lalaki, ang paparazzi at pinakamalinis tingnan sa apat, suot ang itim na T-shirt at mukhang tanging may buhok. Inabot nito ang cellphone.
"Contact number ng Tatay mo," anito.
"What?" tanong niya. "Nangidbap kayo ng di niyo alam ang numero?"
Nakatanggap siya ng isa pang suntok sa tiyan. "Tang 'nang 'to! Eh hindi nga ikaw dapat ang dudukutin naming hayup ka!" at suminghal ulit, "Number!"
Sa pagitan ng pag-ubo, sinabi niya ang direct number ng ama.
Nagdial ang lalaki at pagkatapos ng ilang ring ay sinagot.
[Hello.] Boses iyon ng kanyang ama.
"Hawak namin ang anak mo," diretsong sagot ng kalbo, mukhang nagsisilbing pinuno.
[How much?] walang paligoy-ligoy nito.
By now, he's sure they were wire tapping and tracing the call.
Ngumisi ang lalaki. "Isang daang milyong piso. Iti-text sayo ang lugar na huhulugan ng pera, at kung mskikialam ang mga pulis, wag mo ng asahang mabubuhay ang anak mo," at pinutol ang tawag.
Bumalik ang lalaki sa mga kasama at naglaro ng baraha, habang ang dalawa ay lumabas sa relyebo ng pagbabantay.
All the while Caleb didn't say anything, but his mind was racing with revolt.
A hundred million. He was just worth a hundred million. And it was in pesos! Gaano ba ka cheap ang tingin nito sa kanya.
If they're going to kidnap a Montreal, might as well ask for a higher price and wring his father dry. Nang sa gano'n ay makaganti rin siya sa ama.
Isa pa, paano pagkakasyahin at dadalhin any perang isang daang milyong piso?
It's the age of technology. Money transfer could be done without getting caught.
And what's with the number of men. Four. Just four. Are they underestimating him? Well, he realized after, in the first place si Maria ang original nilang dudukutin.
"F*cking' cheap," he whispered still. His stomach grumbled. He looked at the window, trying to figure out where he is.
Then he saw a smiling face, like an crazy clown. It was Maria, waving at him excitedly.
He shook his head. Impossible.
He's seeing things.
At nang muling tumingin, nandoon pa rin si Maria. She lipped a voiceless 'Hello Mon-Mon!'
Biglang naubo si Caleb.
🌈🌈🌈
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...