🌈🌈🌈
Kinabukasan, mas maagang nagising si Caleb. Una niyang kinuha ang cellphone at nagdial.
"Good morning," pormal niyang bati.
[Hmm?] ang inaantok na sagot ni Maria.
"Dito ka ba kakain ng agahan?"
[Bakit?]
Napasimangot siya. Anong bakit? Ilang beses itong nambubulabog at nakikikain ng walang dahilan. Ngayong inihanda niya ang sarili, saka naman ito tinamad?
"Wala lang."
[Ang aga mong mangulit Mon-Mon, antok pa ako.] at naputol ang kabilang linya. Walang nagawa si Caleb kundi titigan ang cellphone. At siya pa ngayon ang epal?
Lumabas siya ng silid at ibinuhos ang yamot sa workout. Matapos maligo at makapagbihis, personal na pinuntahan ni Caleb si Maria para yayain mag-almusal, labag man sa kalooban.
Hindi na kinailangan ng interview sa gate matapos pintdutin ang doorbell, agad na bumukas ang pinto, sumalubong ang bagong gising na si Maria.
Ngumisi ito, at sigurado siyang wala pang sepilyo. Hinila siya ni Maria papasok.
"Dito ka ba mag-aagahan?" At sumigaw bago siya makasagot. "Yaya Mercy! Pakidamihan po ang saing at ulam, makikikain si Mon-Mon!"
"Okay po!" ang ganting sigaw mula sa kusina.
Makikikain. Kung makapag-anunsiyo sa kabahayan ay para siyang pulubi.
"Mon-mon, anong gusto mo?" at sumigaw ulit bago siya makasagot, "Yaya Mercy, fried chicken daw po, initin na lang ang sobra kagabi. Tortang talong at bacon! Hotdog narin, yung may ketchup na maanghang please!"
"Okay po!"
Itinikom na lamang niya ang bibig upang 'di ito mabulyawan. Hinila siya sa sala, at pinaghintay, habang nagluluto pa ng agahan angga kasambahay, at si Maria naman ay naliligo.
Caleb called his house and told them he'll be eating at Maria's house, then watched the morning news. Pagkatapos ng ilang halos labinlimang minuto, bumaba si Maria suot ang uniporme at may towel sa ulo.
Nang naihanda ang mesa, nagsimula silang kumain. As usual, Maria was talking with her mouth full. She'd talk to him, he'd answer quickly. Maliban sa kanya, kinakausap din nito ang matandang tinatawag na Yaya Mercy.
"Mon-Mon, napanood mo rin ba ang episode kagabi?"
"Ng alin?"
"'Igapos Mo Ako Sa Pag-ibig', bida si Yolo Pascual at Woni Gonzaga."
"Ah, hindi."
Lumatay ang gulat sa mukha nito, animo kawalan niya ang maging ignorante sa palabas. "Sikat na sikat 'yon."
The hell he cares about commoner's drama? May mas mahahalagang bagay siyang dapat pagtuunan ng pansin.
Natapos ang agahan, nagpasalamat si Caleb ng labag sa kalooban. It's not like he wanted to eat there anyway. Nag presenta na rin siyang magsabay na sila ni Maria sa eskwelahan, bilang pambayad na rin sa pagkain. Ayaw niyang magkaroon ng utang ng loob. Imbes na isama ang driver, napagdesisyunan niyang siya mismo ang magmaneho.
Mamasa-masa pa ang buhok nito nang sumakay.
"May tissue ka?" tanong nito nang makalabas sila sa gate ng village.
"Meron."
"Pahingi, nakalimutan kong mangulangot kanina, ang aga mo kasing pumunta."
Gumiwang ang sasakyan. Ang mamahalin at malinis niyang sasakyan ay mababahiran ng kadugyutan. Hindi pa ba sapat na pareho sila ng hinihingang hangin ni Maria? Bakit pati kulangot nito ay kailangan niyang pagtiisan?
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
أدب المراهقينSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...