34 🌈 Caleb, The (Sort Of) Fiancé

595 36 11
                                    


🌈🌈🌈

Well, Maria's back. Katunayan nito ay ang muling paggulo ng bahay ni Caleb There are times that she'll play games, there are also times that she'll drag him to go 'camping'— in the backyard. Kompleto pa ng bonfire, tent at spooky stories.

Katulad ngayon. Kinagabihan pa lang ng pagdating nito, agad siyang niyakag para sa 'Grand adventure', in her own words. Kasalukuyan silang nasa labas ng tent, nakaupo sa picnic cloth at sa kalayuan ang papatay ng sindi ng camp fire.

"Ayaw mo ba?" tanong ni Maria, nang nakatitig lang siya barbecue stick, tuhog ang hotdog at tunaw na marshmallow.

Hindi pa siya nakasagot, kinuha na nito ang stick. "Sige akin nalang," at kinain. "Sayang. Huwag kang magsayang ng pagkain, bad 'yon."

"Wag ka ring masiba," sabi niya, uminom nalang ng cocoa sa tasa. Pero bago pa lumapat ang tasa sa labi, nahuli niya itong nakatitig sa inumin.

"What?"

"Masarap ba 'yan?" ang inosenteng tanong, naghaba pa ang leeg para sumilip sa laman.

"This is the same as yours," tuloy niya sa tasa nitong mas malaki pa sa kanya, wala na iyong laman.

"No it's not," tanggi nito. "Iba 'yon. Na-kiss mo na ang tasa niyan, kaya mas masarap."

Muntik niyang naibuga ang likido sa mukha nito. "You–!" bulyaw, pero 'di na rin nadugtungan, nakatingin pa rin ito sa tasa niya.

Inabot iyon ni Caleb. "Fine, just a sip."

"Thank you Mon-Mon!" at tinanggap. Siguradong hindi nito alam ang kahulugan ng 'Just a sip'. She was chugging down his cup like a drunkard in his first glass of beer. Ibinalik nito ang tasa, "Tinirhan kita."

"Thanks..." he said, looking down at the almost empty cup. Tilt it and he can see the bottom. Asan banda ang tinira nito? But still, Caleb didn't bother. Hindi sila mauubusan ng inumin.

Sa ngayon, humiga na si Maria, ngatngat ang barbecue stick. Matapos ubusin ang laman niyon, ay inilagay sa gilid. "Ang sarap ng snack," at mag-ingat. Sa tabi nito, hindi niya kabilang kung ilang barbecue stick ang nandoon.

"Yeah, snack," he said, sarcastically. Without a word, he reached her face, and wiped the ketchup on her cheeks with the tissue. "You... why don't you eat like a well mannered person for once?"

Well, hindi niya mapipugulan ang pagiging matakaw nito. Nakapagtataka lang na sa kabila ng siba, nagawa pa nitong pumayat ng kaunti. "You can eat more..." bulong niya.

"Hmm?" tanong nito, ngayon sa kasalukuyan ay puno na naman ang bibig.

"I said... you can eat more..." you pig.

After swallowing, she giggled. "Tabi tayo, Mon-Mon."

He did. Not because she asked him, but because he was sure it was clean. Walang parte ng bahay niya ang madumi.

"Look, ang daming stars," sabi nito, itinuro ang langit. The moon was out, no clouds and it was as if the sky was offering them the whole universe.

Caleb cringed. Isa ito sa mga eksenang cliche, katulad ng pinapanood ng mga commoners.

"Mon-mon, padamihan tayo ng mahahanap na constellation."

At siya pa talaga ang hinamon nito? He can search all the Ursas, the Zodiacs and the rest. Pinatulan niya ito. Hindi siya magpapatalo.

"Me first," anito. "Those stars look like ice cream, then, sa baba konti parang spaghetti, tapos 'yon fried rice na may meat toppings."

"They are not constellations," diin niya. "Why would there be a constellation that looked like spaghetti? Lahat ba konektado sa pagkain para sa'yo?"

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon