33.2 🌈 Caleb, The Left Behind

556 45 2
                                    


Hello. I'm sorry this update us super short.

:( Still, sana magustuhan niyo pa rin.


Ellena Odde

🌈🌈🌈

Isang linggo pa ang lumipas at tapos na rin ang club decorating contest. Nasukbit man ng art club ang first prize, nanalo sila ng fourth. Maliban sa certificate, hindi nadagdagan ang budget ng kanilang club, kahit na hindi nila kailangan.

Pauwi na si Caleb hatid ng driver. Sa pagtunog ng cellphone, agad niya iyong sinagot. "Hello."

[Yow, Kaloy. Malungkot ka pa rin ba?]

"Shut up, I'm not. What do you want?"

[May party mamaya si Maxine.]

"Who?"

"Maxine daw. Di ko masyadong kilala, inimbita lang rin ako Leroy.]

Shameless gigolo, he thought. At siguradong party iyon ng mga elite wannabe at social climbers.

[Gusto mo sumama? Pa- good mood. Mukha kang loser this week. Haha]

"You should stop going to parties of people you don't even know and sleep around. You'll get AIDS."

[Uy worried. Wait lang, highness, my heart] at humalakhak.

As if he's worried. Matthew, a wh0re of a man, has an excellent social skills. At siguradong magagamit niya ang pinsan sa hinaharap. He is just protecting his interests.

"Then go ahead, be shameless. 'Wag mo akong isali."

[Well, tumigil ka rin sa pagiging uptight mo, your highness. Papangit ka niyan. Lol]

"I wil never be–!"

Pero naputol na ang tawag.

"...ugly."

Tiningnan niya ang cellphone. It seems everyone needs phone etiquette. Basta-basta nalang pinuputol ang tawag. Maria did too. At matapos ng tawag nito, hindi na muli itong kumontak pa.

"Sir, nandito na po tayo," untag ng driver, kasalukuyang bumubukas ang gate ng bahay at ipinasok ang kotse.


Tumango siya at lumabas bitbit ang bag, habang pinarada nito ang sasakyan.

Pagbukas ng main door, nabungaran niya ang isang katulong nagtatago sa likod ng haligi.

"What are you doing?"

Napatayo ito ng tuwid sa boses niya. "S-Sir," at tinutuwid ang uniporme. "Kasi po..." at napapikit, "naglalaro po ng taguan."

Sa sandaling iyon, nahagip ng pandinig niya ang pamilyar na boses mula sa pool area.

"Sir?" Hindi siya sumagot, iniwan ito. Habang binabagtas iyon, tatlong kasambahay na ang nadaanan niyang nagtatago, gulat at mamumutla nang makita siya. Hindi niya ito pinansin, sinundan ang boses na nagbibilang. Natagpuan niya itong nakatalikod mula sa entrance ng pool, hinarap ang poste at ang kamay ay nakatabon sa mata.

"...twenty one... twenty two..."

How dare her turn his house into a playground. Isinama pa nito ang mga staff sa kapritso. Kaya pala walang sumalabong sa kanya pagdating dahil dinamay nito sa kung anong laro.

"...twenty seven... twenty eight..."

Tahimik na lumapit si Caleb sa likod nito, nagpigil na bulyawan. She was wearing her pajama, matingkad na blue at may printa ng maliit na pusa. Buhaghag pa ang ang buhok katulad ng bagong gising. Malamang ay natulog muna ito dahil sa jet lag, at hindi man lang nag-abalang tawagan siya.

"...twenty nine... twenty nine and one fourth... twenty nine and one half... hanggang thirty lang okay?" sigaw nito, inakalang tuloy pa rin ang laro. "Twenty nine and three fourth... thirty!" Tinanggal nito ang kamay sa mata. "Ready or not, here I come!" at humarap.

Sa ilang segundo, walang nagsalita. Nahilaw ang ngiti nito, pero agad ding bumalik.

"Huli ka!" sigaw nito, at sa isang hakbang, tumingkayad para yakapin siya.

Caleb looked intently at her. Sa kabila ng papalaking ngisi, nangingitim ang ilalim ng mga mata nito at tila pagod. She looked slightly thinner than what he remembered. She really looked like someone who saved the universe and failed.

"Huli ka..." ulit nito mas mahina, at isinubsob ang mukha sa dibdib. Naramdaman niya ang maghigpit ng yakap nito.

"Too bad then," he replied, "you found me."

At that moment, Caleb lost.

Nakalimutan niya ang sermon, ang panunumbat. Itinaas niya ang braso at gumanti din ng yakap sa maliit na katawan ni Maria, ang pinakamalaking asungot sa buhay niya.

🌈🌈🌈

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon