🌈🌈🌈
Nang narating ang mesa, meron ng nakalagay ng bote ng soda at may straw.
"Sabay na sa'tin si Tita Mia," walang himig ng paalam sa boses nito.
Hindi siya nagkomento. Inilapag niya ang gabundok na handa.
"Wow," sabi nito, na agad ring kumupas. "Bakit ito lang? Nasan ang inihaw? May fruit salad din, tsaka fried chicken at marami pa."
"Alam mo ba kung gaano kahirap kunin 'to?" kalmado niyang sabi, kinontrol na sigawan ito sa harap ni Mia.
"Alam ko, pinanood kita," anito, at humagik-ik, "nakakaawa ka tingnan."
Naningkit ang nga mata niya. Walang bahid ni anong patak ng awa ang mukha nito.
"Pwede naman tayong nagpadala rito," singit ni Mia. "Kanina pa namin sinasabi."
"Naku Tita, mas sulit sa experience kapag wala pong special treatment." Tumayo si Maria, tumingin kay Caleb.
"Ipapakita ko sa'yo paano kumain sa piyesta. Tunuruan ako kanina ni Tito Hener. Mon-Mon, watch me," at naglakad katulad ng isang mandirigma.
"Walang katulad si Maria," narinig niyang sabi ni Mia, maya-maya.
Nalingunan niya itong nakangiti. Tumango lang siya.
Sa kabila ng ingay mula sa tawanan at makalumang chacha sa speaker, hindi napunan ang katahimikang lumukob ss kanilang mesa.
Pareho silang Natahimik ni Mia. Ibinalik ni Caleb ang tingin sa may mga pagkain. Nawala si Maria sa paningin niya. Hindi niya ito mahagilap. Marahil ay nilamon ng mga nakapalibot sa kuhanan ng pagkain.
"Nakita ko ang balita, kahit ang dyaryo, nandoon ang picture niyo. Okay ka lang ba?" tanong nito sa wakas.
"Fine I guess."
"Eh siya?" tukoy nito kaya Maria.
Sinundan niya amg tingin nito. Lumitaw na ito, napapalibutan ng mga trabahante sa farm. Nakatingala si Maria, nakangiti at panay pasalamat sa mga naglalagay sa plato nito. Minsan ay nakikipagbiruan.
She's smiling but Caleb knows better. Despite all that happened he couldn't guess her mind.
"I have no idea." Iyon ang totoo.
"Konti lang dito ang nakakaalam dahil hindi mahilig sa balitang syudad ang mga tao, pero may mga nakakaalam pa rin. Pero wag kang mag-alala, it will be alright, son."
Hindi siya nakahuma sa sinabi nito. Finally Caleb looked at his mother carefully. Nang huli silang nagkita, nagbitiw siya ng masasakit na salita. He didn't regret any of it, but he doesn't feel like saying them again now.
"Thanks... Mia."
Even he was surprised that he meant it. Hindi niya napansin na mahigpit siyang nakakuyom sa ilalim ng mesa. There was sudden rush of heat and pain from his stomach to his chest.
Mia blinked. Then blinked again, her eyes turned glassy. "Y-You're welcome." She had a happy smile.
"Pinaiyak mo siya noh?" akusa ni Maria, hindi niya napansing nakabalik.
Sa magkabilang kamay nito ay paper plate na puno ng pagkain. Nakasunod ay kung sinong malaking lalaki, bitbit ang pangatlong plato at ibinaba rin sa mesa.
"Thanks Mang Juni!" at itinaas ang kamay.
Tinanggap nito ang pakikipag high five ni Maria. "Basta ikaw Ya-ya!" pagkatapos ay magalang na tumango kay Mia. "Sige Ma'am," at umalis.
Nagsimula na silang kumain. Kahit nakangiwi kapag napapasulyap sa plato ni Mariang halo-halo na, hinayaan niya pa rin itong kumain.
So instead, he focused on his own food and some fried squid, Mia placed beside him. He uttered a short 'Thank you' and ate it.
"Mon-Mon," lumingon siya, para maramdaman ang lumpia naisaksak ni Maria sa bibig niya. "Kain kang marami. Baka pumayat ka."
Tinanggal niya iyon sa bibig, tiningnan niya ng masama. "Stop it. You're not my mother."
She beamed. "I'm not. Si Tita Mia ang Mommy mo di ba?"
Nagkatinginan sila ni Mia. Things turned awkward. But Caleb cleared his throat and continued eating. "She is."
🌈🌈🌈
Kinagabihan, iilan na lang ang natira sa mga bisita, nagsiuwian ang mga bisita bitbit ang iba't ibang uwing-bahay sa supot at tupperware. Bagama't nagpatuloy ang kasiyahan, hiwalay ang kababaihan at kalalakihan.Si Caleb, masama ang tingin niya kay Maria, kasalukuyang nagvi-videoke sa kabilang mesa, nag-rap na para bang sinapian ng Salbakuta. Si Mia naman ay nauna nang nagpahinga.
"Kaloy, inom pa," alok ng Tito Hener niya.
Itinaas niya ang hawak na pangatlong bote ng beer, nangangalahati. Mamatay na siya kung tatanggap ng tagay sa pinagpasa-pasahang baso.
It's all Maria's fault. Iniwan siya doon para mag videoke at kumain ulit sa mesa kasama ang kanyang Tita Sabel at ibang babae sa farm.
Natapos na si Maria, bumalik sa mesa at kumain ulit. "Malakas na ang tama mo," sabi ni Tito Hener.
He understood the commoner's terms. "Hindi pa ako lasing," tanggi niya, kahit nagsimulang mag-init ang pakiramdam.
"Hindi beer ang tinutukoy ko."
He didn't say anything.
Maya-maya pa, may nagbiro sa kumpol nila, kahit hindi maintindihan, tumawa rin si Caleb. He felt like it. The world started to swirl. Napamura siya sa isip. He didn't expect commoner's beer to be potent.
He felt loose. Magaan and pakiramdam niya.
Nagpatianod siya, nang hilahin patayo ni Maria. Nagduet sila ng rap at sumapi rin sa kanya ang Salbakuta kahit hindi na niya maintindihan at malabo ang lyrics sa paningin.
He jumped. Swayed to the cheers and claps of figures around him.
Pakiramdam niya ay hindi mawala ang ngiti niya sa labi, tuwang-tuwa.
At nang bumalik sa mesa, higit na bumigat ang ulo ni Caleb. Sa pangalawang pagkakataon, humalik ang mukha niya sa plato ng pagkain.
Pero nakangiti pa rin si Caleb, hindi alintana ang kare-kare sa pisngi at nawalan ng malay.
🌈🌈🌈
Hello. Thank you for the 11K reads.
Please recommend this story to your friends, pwede rin enemies.Tenk yu.
Ellena Odde
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
أدب المراهقينSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...