35 🌈 Caleb, The Stalker

574 41 6
                                    



🌈🌈🌈

Something's wrong with Maria. Well, she is always doing something out of normalcy. But in the following days, she acted more suspicious.

Nasundan pa ang pakikipagkita sa 'friend' nitong may nakakahiyang alyas. May pagkakataong umaalis ito bigla, gabi na kung umuwi. Minsan naman ay nagkukulong ito sa kwarto o may kadalasang kausap sa telepono.

Caleb doesn't want to pry, he doesn't want to care. Ang distansya nito ay nangangahulugang katahimikan para sa kanya.

But then, Hindi lang siya ang nakapansin. Kaya naman, pagsapit ng Sabado, gumising siya ng maaga at naghanda. Ilang oras pa lang para magsimula ang araw at mag-ingay ulit ang kabilang lote dahil sa construction ng bahay ni Maria.

Nagdial siya sa cellphone. "And'yan ka na?" tanong niya.

"Good morning din your highness," anito at naghikab. "Kanina pa ako nandito."

"Good."

Narinig niyang bumukas at sarado ang kwarto ni Maria. Mula sa bintana, nakita niya itong lumabas ng gate, nagpaalam pa sa guard matapos abutan nito ng sandwich. Mabilis din siyang lumabas ng kwarto. Sinundan ito.

"Good morning sir," bati ng gwardiya, nagtataka sa aga niyang umalis. Tumango lang siya.

Caleb didn't worry that she'll already be gone by the time he goes out. Sa dalawang beses niya iyong sinundan, naglalakad lang ito sa umaga, nakapostura pang magjo-jogging. Not suspicious. Sometimes she would stop to pet dogs and talk to their walkers, wave to confused joggers or just burst into a song and dance.

But, she won't stop there. Tuluyan itong lumalabas ng village, at sasakay sa itim na van. Babalik na lamang ito bago magtanghali, may dala ng kung anu-ano para sa mga kasambahay at kanya. It could be takeout food, cake, anything.

"Nag jogging," ang sagot nito kapag tinatanong, hindi man lang gumawa ng magandang palusot.

Desidido na si Caleb, uunkatin niya ang sekreto nito.

Sa ngayon, palihim niyang sinundan si Maria, nakaunat pa ang kamay nito sa hangin parang inaabot ang langit. Pagkatapos ay nag stretching, pumosisyon, at tumakbo na parang ninja.

Caleb cursed as he ran too, tailing her. Tumigil lamang ito maya-maya nang may nadaanang bakuran, puno ng bulaklak. She faced the flowers and smiled. Gentle and warm, looking at the yellow blooms.

Muli nasilaw si Caleb, sinisi sa papatass na araw. So, she could actually smile like a girl, he thought.

But then, her moment of gentleness ended. Tumingin ito sa paligid, kinailangan pang magkubli ni Caleb sa halaman.

He cursed again. Why does he have to act like a stalker? Pwede naman siyang kumuha ng imbestigador. Sumilip siya. Ngayon, si Maria ay kaduda-dudang tumingin sa paligid na parang kawatan. Nang masiguradong walang tao, pasimple nitong pinitas ang dilaw na bulaklak at isinuot sa gilid ng tenga.

"Idiot," bulong niya. "There's a CCTV, you know," tukoy niya sa camera sa may gate.

Matapos ng ilang minuto, nakalabas na rin si Maria sa village gate, matapos ng maikling tawag sa phone at masiglang 'I'm heeeeeere!', may tumigil na itim na van sa harap nito. Agad na sumakay si Maria.

He quickly ran outside the gate too. May kumaway sa kanyang nakasakay sa paradang motorsiklo. "Your highness!" sigaw ni Matthew nang tinanggal ang helmet. "Si Maria ba 'yong nakita ko kanina?"

"Shut up, put your helmet back," at tinanggap ang bigay nitong isa pang helmet. "Follow the van."

"Okaaaay. Hawak sa baywang ko Kaloy, baka mahulog ka," at kumindat.

Higit na nainis si Caleb. "Drive." Imposibleng gamitin niya ang kotse. Memoryado na ni Maria ang lahat ng sasakyan sa garahe, at marahil nga pati ang mga plaka nito. He needed Matthew to wait as a scout, at total nandoon na, ito na rin ang magmamaneho.

They followed the van from a safe distance. Dumiretso iyon sa highway. After all the streets and avenues, they ended at the business section of the city, all the way to
Luna Hotel.

"Sa inyo 'yan 'di ba?" Tanong ni Matthew.

"Yes," sabi niya. Doon rin dinaos ang nakaraang birthday niya.

Nang mas pinalalim niya ang research sa Rainbow Industries noong umalis si Maria, napag-alaman niyang ang kompanya nito ang provider ng mga furniture at iba pang mwebles sa hotel.

"Bakit nandiyan siya?"

"That's what we're going to find out."

Lumabas si Maria mula sa van, nakadikit pa sa tenga ang ninakawa na bulaklak. Then a guy, come out from the backseat too.

He definitely doesn't look like his father. Halos ilang taon lang siguro ang tanda nito kay Maria, nakasuot ng maong na pantalon at plain T-shirt, too casual like Maria.

And they don't definitely look like siblings. Wala rin siyang napabalitang may ibang anak si William Bahaghari.

The guy looked like a Caucasian no matter what angle. Nagsusumigaw na blue ang mga mata nito at brown ang buhok.

They were shamelessly flirting at the hotel entrance. Inabot ni Maria ang kamay nito, nakipagholding hands. Next to him, she looked so small. Then, the guy fixed the flower and tucked it back again behind her ear.

"Uh-oh," narinig niyang sabi ni Matthew, tumingin sa kanya, "Huwag lang umiyak, your highness."

🌈🌈🌈

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon