🌈🌈🌈Tuwing lunch break, kasalukuyang nag-aaral sa library si Caleb. Dalawang linggo nalang ay exam na naman. Desidido siyang mabawi ang pagiging rank 1 mula kay Maria.
'Di porket naghalikan sila ng dalawang beses, o ilang gabi siyang hindi nakatulog ng maayos, o crush din siya nito, ay magpapatalo na siya.Hindi magagapi ang isang Montreal ng teenage romance, o ng namunuong feelings. Ang ma-inlove, talo.
Kaya naman, isinubsob niya ang mukha sa pag-aaral habang may pagkakataon at makalayo na rin kay Maria.
"Meron akong gayuma."
Napasikdo siya, nalingunan sa likod si Tamara at umupo sa tabi niya. "Kanina ka pa hinahanap ni Maria."
"What do you want?"
"Gayuma, nagbibenta ako."
"Hindi ko kailangan."
"Pinakuluan ko ang stick ng barbecue na kinain ni Maria at sa ginamit niyang panyo."
"Hindi ko nga kasi kailangan."
"Kulang na lang ay sangkap ng lalaki, ikaw, tatlong hibla ng split ends mo at tatlo ding patak ng laway mo kapag tatlong araw kang hindi nagsepilyo."
"Stop it."
"Haluin natin, pakuluan ng tatlong oras sabay sa orasyon ng Pag-ibig mula sa ikalimang bersyon ng aklat ng pangkukulam."
"I said I-"
"Gusto mo siya 'di ba?"
"Oo." Kahit siya ay nanibago kung gaano kadali ang magsinungaling.
"Pero siya, hindi ka gusto."
Napaismid si Caleb. Hah. Kung alam lang nito.
"Dalawang libo lang. Tax free."
Tuluyan niyang ibinaba ang hawak na libro at hinarap ito. "Are you really a voodoo expert or... a swindler?"
"Bahala ka, ikaw rin," at tumayo. Bago umalis ay nagbilin, "Malapit ng dumating ang sinasabi kong kamalasan mo."
Hindi niya ito pinansin at muling nag-aral. Ang huli niyang narinig dito ay ang pag-aalok ng gayuma sa kabilang mesa.
🌈🌈🌈
"Hi Caleb." Pabalik na siya ng classroom ng humabol si Ailin. "Kumusta?"
Isa ito sa mga masugid niyang asungot. Sa kabila ng pagpapakita ng totoo niyang ugali at pagkalat ng tsismis sa kanila ni Maria, hindi ito tumigil sa pagpapadala ng kung anu-anong sulat sa locker niya, kasama ng iba pa.
"I'm fine."
"Malapit na pala exams no? Nag-aral ka na ba?"
Obviously. Kakagaling ko lang sa library. Gusto niyang sumagot ng pabalang. Imbes, tumigil siya sa paglalakad, hinarap ito. "Listen, can you stop sending letters to me? Sabihin mo rin sa iba."
Tumigil din ito. "Ah, pero... bakit?"
"It's a waste of my time. I don't like cleaning my locker everyday."
"Ibibigay ko na lang ng personal, okay lang?"
"No. Nakakaabala ka lang. I don't even read them," at iniwan niya ito.
"Is it because of Maria?"
Nalingunan niya itong naiiyak. "No."
"Then why? Dati naman, okay lang sa'yo."
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...