25 🌈 Caleb, The Padyak King

544 42 4
                                    


🌈🌈🌈

Dahil wala pang klase, buong araw siyang kinulit ni Maria, maya't-mayang nagtatanong tungkol sa date nila.

Pasimple naman siyang umiiwas, pinapalusot na kailangan niyang magplano ng mabuti.

"Pa'no ang ticket na regalo ko? Doon tay ag date. Mayroon silang duck boats, 'yong pinapadyakan habang lumulutang."

Unang-una, alam niyang marketing move lamang ang mga bankang hugis pato at swan, pero kelan man ay hind siya sasakay doon. It was cramped and ugly. At narinig pa lamang niya ang 'padyak', nagrebolusyon na ang isip niya.

Never.

Never will he do such anything.

Never will he tire himself, engage in a commoner's activity just to please Maria.

Never agai–

"Yohoo! Ang galing Mon-Mon!" walang kasing laki ang ngisi ni Maria, iniunat pa an kamay ramdam amg simoy ng hangin. "Bilisan mo pa, dali."

Never.

Well, that's what he promised himself. Pero heto siya ngayon, nilamon ang sariling pangako at pumapadyak sa bangkang hugis matingkad na dilaw na pato, pawisan at abot impyerno ang ngitngit.

Humugot ng malalim na hininga Si Caleb. Wala nga pala siyang magagawa. Kinagabihan isang araw matapos ang birthday niya, tumawag ang kanyang ama.

'She told me you're going on a date. She bought tickets to an amusement park.'

Pagkatapos ay tinapos ang usapan sa maikling, 'Have fun'.

By 'Have fun', it doesn't mean him, but Maria. Kaya pumadyak si Caleb, nagsagwan, tinulak ito sa swing, nakisiksikan sa mga pawisang commoners sinusundan sila ng tingin at kumain ng dirty ice cream.

"Ube? Bakit wala akong malasahang ube?" puna niya sa hawak na cone. Kasalukuyan silang nakaupo sa isa sa mga picnic table habang kumakain ng sorbetes.

"Mon-Mon ito tikman mo." Muntik ng mangudngod sa mukha niya ang ice cream kundi lang nakaiwas agad. Sa kanang kamay nito ang magkapatong na chocolate at vanilla, habang sa kanan ang ube at keso.

"Which one?"

"Both, silly," anito, may bakas pa ng tsokolate sa gilid ng bibig. "'Wag mo lang ubusin okay?"

As if may gana siya. Sumulyap siya paligid, marami-rami na din ang tao. It was embarrassing. Yet, he still did so. First, to please her. Second, still to please her. His every suffering was to please her, period.

Inuna niya ang tsokolate at sinunod ang may keso. "It taste the same," he said frankly. "This is a scam, false advertising, kaya pala mura, hindi mataas ang kalidad ng ingredients. Like this amusement park, cheap because it's cheaply done," akusa niya.

"It's not," anito, ngayon ay abala sa kinakain. "Alam mo, bagong bukas lang ang park na'to, pero so far, maganda ang feedback. Public friendly kasi, hindi lang presyo, pati image. The common public has the biggest market value you know. Sila ang may pinakamalaking bahagi sa consumer percentage."

Namalayan na lamang ni Caleb ma nakatingin ng matiim kay Maria. Hindi siya namangha dahil salitang dila nito sa magkaibang ice cream, kundi dahil habang hayok sa mumurahing sorbetes ay nagkaroon ng saysay ang sinasabi nito.

"At syempre, maliban sa pagkain, malaki ang demand ng entertainment services."

He knew she was academically smart, but it was surprising to know that she understood how business works. Maybe, Caleb thought, maybe she's not really that stupid in life aspects. Pero agad nabura ang iniisip niya nang ngumiti ito, may bakas pa ng tsokolate ang ngipin.

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon