🌈🌈🌈
As things turned hectic, whatever freedom they had before was gone. Isang araw matapos niyang gumaling, sila na mismo pinili na huwag pumasok sa paaralan. Online lamang nila sinasagot ang mga assignment.
Ilang araw na ring nagpabalik-balik si George para ihatid and mga dokyumento o konsultasyon sa kompanya kay Maria.
And after a few days, Caleb felt suffocated. Hindi pa rin hunuhupa ang mga paparazzi na naghihintay sa labas ng village, may nahuli rin silang umaaligid sa kanilang bakuran. His father also told them to lie low.
"Mon-Mon, I'm bored," ani Maria biglang sumugod sa kwarto niya.
Hindi niya inalis ang tingin mula sa TV screen. "You're always bored," at ininom ang tsaang ipinahanda kay Frederick.
Nagkibit balikat ito, sumilip sa bintana. "Kelan ba tayo makakalabas? Namimiss ko na si Lord, Tamtam, Shasha at Mat-Mat."
Hininaan niya ang volume, hindi na naririnig ang mga pukpok ng martilyo at kung ano pang ingay. Pansamantalang pinatigil ni Maria ang pagtatayo ng bahay nito sa harap.
'Basta,' ang masiglang sagot nito noong tinanong niya bakit. She's random like that.
"Hindi mo sila namimiss?" tanong nito matapos ng kanyang pananahimik.
Caleb grunted 'hmm', uninterested. Imbes ay nainis siya sa pag channel surf, ilan pa rin ang binabalita tungkol sa kanila ni Maria.
Tumabi ito sa kanya, "Mon-Mon...'
He knew she was very close, but turned to her anyway, their faces a breath away. Ibinaba niya ang remote, tumikhim at tiningnan any relo sa bedside. Alas sais, pagabi, maya-mata at darating na nag hinihintay niya. "Anong gusto mong kainin? Order tayo."
Nagliwanag ang mata nito, tapos ay muling naningkit at nagduda. "May sakit ka ulit?" at sinapo ang noo niya.
"No, why?"
"Nagvolunteer kang bumili, dati kinukulit pa kita."
"Shut up," at pinatigas ang boses. "What do you want?
"Anything?"
"Anything," pikit niyang sabi, inihanda ang sariling mapuno ang bahay ng mga pagkaing pang-commoners.
Then Maria started rapping. Caleb was sure, it sounded like it. Sa loob ng tatlong segundo ay tila nabigkas nitong lahat ng lamang ng menu sa isang buffet, drinks and desserts included.
"That's too many! Sasakit ang tiyan mo."
"Sabi mo anything." Nanghaba ang nguso nito.
"Fine," and finished his tea, "just tell me what you really want."
"You," sabi nito, "I want you."
Nasamid si Caleb, napaubo. "What?!"
Ngumiti ito, kumukurap-kurap, at higit na lumapit, siya naman ang napaatras namalayang nakahiga na sa sofa. "Sabi ko..." bulong nito, "I want you."
He didn't know what to do. Maria was now on top whispering like a demon. He felt hot and weird. "S-San mo natutunan 'yan?"
"Sabi ni Georgie, magugustuhan mo raw 'to," at inosenteng nagtanong. "Do you like it, Mon-Mon?"
Sa sandaling iyon, bumalibag ang pinto. "Wazzup kulisap!" bati ni Matthew.
Natigilan siya, gano'n rin ang pinsan, si Shalla, si Tamara at Lord na nakasunod.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
أدب المراهقينSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...