🌈🌈🌈
Matapos magpasalamat, agad na nagpaalam sila Caleb, Maria at Tamara para umuwi. Nagpaiwan naman si Matthew at madaling araw na babalik sa syudad.
Sa loob ng sasakyan, hindi nagsalita si Caleb. He felt tired all of the sudden. While Maria couldn't even read the mood, kept on talking about her birthday and the presents.
"Mon-Mon, look."
Nabalingan niya ang mukha ng manikang mukhang gamit ng mga sinaunang mangkukulam. Gumiwang ang kotse dahil gulat niya. "Get that away from me!"
"Isn't it cute?" tanong nito, at niyakap ang manika. "Ito ang regalo ni Tam-Tam."
"Babantayan ka niyan sa masamang espirito, Ya-ya," imporma ni Tamara sa backseat.
Sa isip ni Caleb mukhang ang manika mismo ang may sanib.
"Nasaan na ang gift mo?" tanong ni Maria.
"Later, I said."
"Nah, it's okay. I don't need it," at sumandal sa upuan.
Sa kanyang pagsulyap, wala man itong bahid ng tampo. "Binigyan mo na ako ng regalo," at inilabas ang daliri sa bintana para damhin ang hangin.
Hindi na siya nagkomento, ipinaalala sa sariling may namunuong inis siya dito. Kaya naman, nanatili siyang walang imik sa sunod na pangugulit nito. At kahit na naihatid na ang kasama, ay hindi man lang siya nagsalita.
"Ya-ya," tawag Tamara bago bumaba, "masama ang panahon, ingat," at lumabas. At tulad ng nauna, walang madilim ba ulap. The sky was orange and clear, welcoming the starry night.
"Mon-Mon, bakit ayaw mo akong kausapin?" sabi ni Maria nang papasok na sila ng village. "Mon-Mon, " at sinundot nito ang pisngi niya.
"Cut it out."
"Masakit ba ang tiyan mo?"
Nangunot ang noo niya. Why would his stomach hurt?
"Konting patak lang naman ang nilagay ko sa juice mo eh."
Bigla siyang nagpreno. Halos sumubsob ang mukha nilang dalawa sa unahan. His head snapped in her direction. "Anong 'patak'?" Naramdaman niya ang pag-akyat ng dugo sa batok niya.
"Oh," anito, nag-iwas tingin, "hindi ba 'yon? Hindi masakit ang tummy mo?"
"Anong 'patak'?!"
Umayos ito ng upo, pinaglaruan ang manikang pangit sa paningin niya. Pagkatapos ay animo makabawi at tumingin sa kanya, walang bahid ng guilt. "Gayuma."
"Gayu- Gayuma... what?"
Tumango ito, animo sumasang-ayon. "Yep. Mon-Mon, gayuma."
Naalala niya ang pupa ng paru-parong binigay nito kay Tamara. He imagined what other hideous ingredients they put there. Natuloy ang pag-alburuto ng sikmura niya, pag-akyat at nagrebeldeng iduwal. Matinding self control ang ginawa niya para hindi sumuka sa kotse. And when the nausea subsided, Caleb felt he could kill someone.
"Mon-Mon-"
"Gayuma? Why did you do that for?!" he finally snapped. It was the same thing before. At ngayon, itinuloy nga nito.
"Syempre, kasi gusto kita."
Somehow, her answer frustrated him more. Hindi na siya nagsalita at binuhay ang makina. Ilang kanto na lang at nasa bahay na sila. Hindi nakatulong ang simulation niya sa pag doble ng stocks ng kompanya sa susunod na limang taon.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...