14 🌈 Caleb, The Member 2

606 35 15
                                    


🌈🌈🌈

Sa itinakdang clubroom ng SMRC, nakaupo ang anim na indibidwal. Si Shalla, ang dating natitirang myembro ng club ay agad naglabas ng saloobin, ibinaba ang kape at nagsungit.

"Lord, why are they here?"

"Bagong members ng club natin."

"But..." sumulyap ito kay Maria, napangiwi. Pagkatapos ay inisa-isa na sila ng tiningnan. "All of them?"

Tumango si Lord. "Kailangan natin ng members para di tayo tanggalin."

"Aba Sha," puna ni Matthew, "akala ko sa kahit anong club ka ng mga sosyal."

"Shut up."

Caleb had the same thought too. From the looks of it, Shalla, a celebrity's daughter and an online trendsetter would join a more sophisticated group. Hindi pa rin niya ito tuluyang nasisita kung ito ba talaga ang nagkalat ng balita online, sa hilaw nilang date ni Maria. At mula ngayon, madadagdag ito sa mga taong dapat niyang tiisin.

"Para opisyal na magsimula, magpakilala tayo." Tumayo si Lord at nanuna. "Lordeliza Asuncion, karamihan ng tawag sa'kin, Lord."

"Bagay din sa'yo ang Zaza!" singit ni Maria.

Agad namang inawat ni Shalla ang iterupsiyon. "Shush! Let her talk."

"Tawagin niyo ako sa kahit anong palayaw. Ako ang club president, scholar rin. 'Yon lang."

"'Yon lang?" tanong ni Maria.

"Gusto niyo pa ba ng ibang detalye?"

"Oo!" sagot nito, na sinang-ayunan din ni Matthew.

"More miss Prez. Anong paborito mong pagkain? Anong kulay ng suot mong panty?"

"Sige," at dinagdagan ang impormasyon. "Hmmm, naging Most Harworking ako noong Kinder. Best in Reading din. Germano Supermarket Discount Member, Ajuju's Cabaret Employee of the Month at blue ang kulay ng suot kong panty, high waist at cotton."

Mabilis namang tumayo si Matthew upang magkakilala. "Matthew Lubao, sikat bilang f*ckboy pero may pusong tapat. Maginoo sa totoong buhay. Ang paboritong pagkain ay pancit canton. Crush ko yata si Lord at zebra print ang suot kong brief."

"Wait," tumayo rin si Shalla, "anong sabi mo?"

"Ang brief ko, zebr-"

"Hindi iyon! Wala akong pakialam sa brief mo. Did you just say, crush mo si Lord?"

"Oo," ang kaswal nitong sagot. "Harmless crush lang, 'to naman."

Habang ang sentro ng usapan ay patay malisya, ni mamula ng kaunti ay hindi nangyari. "Shalla, total nakatayo ka na, ikaw na ang sunod."

Tumuwid ito, nagmagandang inayos ang buhok at nagsimula. "Alexandra Shallaine Margarette Gonzales Estrella. Daughter of the superstar Divina Estrella, and blockbuster director-actor Ricardo Estrella. Philippines' 12th most followed Instagram account with 2.7 million followers. Part time model and former childstar." Humugot ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy, "my underwear is pink, with lace ribbons. At crush ko din si Lord!"

Nang makaupo, itinaas naman ni Tamara ang mga kamay. "Ako na ba?"

Maliban kay Caleb na 'di maipinta ang mukha, tumango ang lahat.

"Tamara... Tamara Edilberto. Nais ko sanang magtayo ng grupong Divine Maria Club, ngunit walang sumali. Hinahangaan ko si Maria Bahaghari sa lakas ng kanyang loob. Nagtataglay siya ng kakaibang malakas na aura. Nagbibenta ako ng gayuma. Kung may gusto kayong ipakulam, dalawang libo kada tao. May discount kung tatlo ang ipapakulam. At... itim ang suot kong pangloob."

Nais ni Caleb isa-isang sampalin ang mga naroon. Why do they act so indifferent? Si Matthew, ang pinsan niyang may crush kay Lord na maaring mas gwapo pa dito. At si Shalla ay nakikipag-kumpetensya din. Kaya pala sa kabila ng kanyang pagiging perpekto, mga tipong hinahabol ng katulad ni Shalla na mababaw, iba ang gusto nito.

Then there's Tamara He knew the she was somewhat fascinated by Maria's oddity, but attempt to make an occult club for her? It was insanity.

What the f*ck is wrong with all of you?! He wanted to scream, but he didn't. Everything is wrong. It was as if he had seen them in different light. Ayaw niyang mag-aksaya ng oras upang sitahin ang kabaliwan ng sitwasyon.

Upang maputol ang kabaliwan, tumayo siya. "Caleb Montreal. Senior student." But of course, he doesn't want to be outshone by the others. Tumikhim siya at nagpatuloy, lantarang nagmayabang. "Montreal Heir, Future CEO Of Montreal Industries, Renowned genius, Asia's Forbes Young Hottie for three straight years, and Chess Champion, junior division when I was young, and won awards too many to mention."

Bumalik siya sa pag-upo binasa ang mga umaasang tingin. "Like hell I'm gonna tell you the color of my underwear!"

"KJ," ang lantarang komento ni Matthew. Hindi niya iyon pinansin, ngayon ay itinuon ang atensyon kay Maria.

Palihim na umismid si Caleb. She can never compete with his introduction. Maliban sa pagiging anak ng CEO sa Rainbow Industries, wala itong maipagmamayabang.

I win, Caleb thought.

"Maria Bahaghari, Rank 1."

Sumimangot si Caleb. Oo nga pala, tinalo siya nito Everything he boasted didn't matter. Maria was above him in school.

"Hmm," anitong nagdalawang isip, "'di ko matandaan kung anong kulay ang suot ko," at tumalikod, sinilip ang ilalim ng palda, pagkatapos ay muling humarap sa kanila. "Ah, pula, na may printa ng ninja."

Nais ni Caleb magwala, pumait ang kanyang panlasa. Just why? Why does someone sane like him lose to her? Why is he at a useless club full of people with issues?

"Just wait..." ani Shalla, inilibot ang tingin sa kanila. "Lahat tayo dito may ranking."

"Ngayon mo lang napansin?" tanong ni Matthew.

"Bakit ngayon mo lang napansin?" sulsol ni Tamara

"Napansin ko na, kanina pa," komento ni Lord.

"Oo nga!" bulas ni Maria, namamangha. "Ngayon ko lang napansin!" at bumaling sa kanya. "Mon-Mon, napansin mo rin ba?"

Caleb didn't answer. Sumakit ang sentido niya. Ridiculous, he thought. Isang mahilig sa voodoo, pinsang f*ckboy, babaeng scholar na mukhang lalaki, maarteng socialite at ang pinakamalala, future fiancée niyang baliw.

They were all classmates, and now clubmates. Caleb felt revolting. For him, to be surrounded by idiots, almost unbearable.

Nanatili siyang tikom, nang nagsimula ng bagong paksa ang meeting- diskusyon kung anong aktibidad ang gagawin ng club sa kasalukuyang buwan. He doesn't care anymore. Ang kanyang focus ay kung paano mauto si Maria.

Naramdaman niya ang mahinang pagsundot sa braso, nalingunan ang malaki nitong ngisi.

"Mon-Mon, ng saya 'di ba?"

Ito ang pulo't-dulo ng kanyang pinagdadaanan. "Oo naman, basta kasama kita." Kating-kati siyang sakalin ito.

🌈🌈🌈

#LorMat? #LoSha? #ShaMat? #TaMaria? Di na kasali si Mon-Mon, mahal niya sarili niya :D Kung ikaw si Maria, how would you introduce yourself?

Ellena Odde

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon