Sorry for the late update. Binagyo kami. 🤧 Medyo malupit si Odette sa SIARGAO. If you followed me, you'd know the reasons. Anyway, nasa profile ko ang mga plausot-este dahilan.
Enjoy! 😊🌈🌈🌈
Kinabukasan, alas nuwebe y media na ng umaga nagising si Caleb. Hindi na ang kung anomang pampatulog ni Maria ang dahilan kung bakit late siya nagising.
He didn't sleep a wink the night before. Perfect only lasted until before sleeping time. Unang-una hindi siya komportable sa loob ng tent. Sanay siya sa malambot na kama.
Pangalawa, ay ang kaligtasan nila. Kahit na sabihing private property iyon, madaling pasukin at walang guwardya. He was so paranoid he couldn't sleep if he wanted too.
At pangatlo, magkatabi sila ni Maria. The tent was small so they were cooped up together.
Fourth, she snored. Loudly.
Siguro ay dahil sa sobrang pagod kakaligo sa araw na iyon, pero parang demonyo itong humihilik sa tenga niya.
Kaya naman, wala siyang nagawa kung lumabas ng tent, hindi naiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay. He looked like a knight guarding a sleeping dragon inside the cave. Nagising lang si Maria ng madaling araw at niligpit nila ang tent.
Nang tinanong niya kung saan sila pupunta, ang sagot nito ay 'Home'. Pinatulog siya nito sa biyahe. He did.
Nagising siya masayang sigawan mula sa distansya at mga tawanan. Iginarahe ang convertible sa lilim ng malaking puno.
Mula sa reclined na front seat, umupo siya at muntik napasigaw. Isang batang babae't lalaki ang nakatayo sa labas ng sasakyan, nakatingin sa kanya.
Nagtatakbo ang mga ito papunta sa likod ng pamilyar na bahay.
Kunot ang noo niyang bumaba ng sasakyan. Pamilyar ang bahay sa unahan, ang malalaking puno pati na ang mga taong nagsisayahan sa harap ng bakuran.
Bumalik sita sa San Martin, sa farm nila Matthew.
Among the deep voices of men's laughter, one persuasive 'Do it! Fight!' caught his ears. Habang papalapit sa kumpol ng mga nagsasabong sa harap ng bahay, nailantad si Maria, ang tanging babaeng nakisali sa mga trabahanteng magsabong. Katabi nito ang ang kanyang Tito Hener.
Nagsagupaan ang mga manok, mababaw na lumipad sa ere at naglanding. Lumabas ang sigawan. Habang siya kay Maria lang nakatingin, nagpupuyos.
"Go, Mon-Mon! No, no- Takbo! Dali! Takbo Mon-Mon, takbo!"
Higit siyang nainis. Ipinangalan ba nito ang isang pangsabong na manok sa kanya.
"Aw," nalungkot ito nang natalo ang manok at nagbayad sa kung sinong katabi ng singkuwenta. Nang napansin siya, ay doon pa lamang tumawag.
"Mon-Mon!" at masayang kumaway.
Narinig rin iyon ng kanyang Tito Hener, at walang anumang sabik na sumigaw ito sa direksyon ng bahay. "Mia, gising na ang anak mo!"
Natigilan ang karamihan, napatingin sa kanya. "Anak ni Ma'am Mia," iyon ang halos bulong nila.
Umatras siya, tiningnan ng masama ang mga nandoon. He didn't ask for this. Hindi nga niya alam kung bakit nandoon.
"Mabuti gising ka na," sabi ni Maria, tinakbo siya. "Ang saya dito, fiesta ng San Martin."
"Bakit tayo nandito?" pabulong niyang tanong, ngunit galit.
"Dito naman talaga tayo pupunta eh, nag detour lang saglit. Sayang nga, hindi nakapunta sila Mat-Mat. May long quizzes daw kasi sa Math and Science."
Higit siyang nainis. He forgot. Last week pa niyang alam iyon. He missed a lot of things in school. Baka pagbalik niya, matanggal na siya sa top ten, at pag nagkataon, hindi lang si Maria ang hahabulin niya.
"Umalis na tayo," sabi niya at tumalikod, naglakad pabalik ng kotse.
"Pero, hindi pa luto ang letchon," reklamo nitong nakasunod. "Nagpramis si Tito Hener ng crispy balat at ribs. Tsaka, may inihaw rin."
"Magpapa-lechon ako say bahay d*mn it!" gigil niyang sabi, hinarap ito. "Just, just... let's go home."
"Pero Mon-Mon," anito at kinuha ang kamay niya, "this is your home too."
🌈🌈🌈
Say lahat ng taong nandoon, si Caleb lang siguro ang bagama't ay itinago ang simangot, nagtitiis.
Kung sino-sino ang humihila say kanya at ano-ano ang sinasabi. He blamed it on Maria, who in the first place never told him it was their destination all along.
The next to blame is his uncle. Kung saan siya niyayakag, ipinapakilala. Hinihimas nito ang katawan ng bitbit na manok, pagkatapos ay hihimasin ang buhok niya.
Caleb felt revolted. He is not a chicken.
"Caleb," pagtatama niya sa bawat pakilala nito, pero sumuko na rin nang kumalat ang 'Kaloy'.
"Aba't binata na pala ang anak ni Mia. May asawa ka na ba? Gusto mo ipakilala kita sa apo ko?"
Sa mga ganoong tanong sumisingit si Maria. "Ako po."
Ang mga kasama sa sabong ni Maria ay binubuyo rin ito sa kung sino-sino. Doon rin siya sumisingit, iniikot ang mga kamay sa beywang nito.
Pagdating ng tanghalian, saktong naluto ang limang letchon.
"Dito ka lang," ani Maria, iniwan siya sa monoblock nilang mesa. Tinupi nito ang manggas ng T-shirt at tumangong determinado. "Para sa crispy balat at ribs."
Tiningnan ni Caleb ang sentro ng bakuran. Bagama't may ibang putahe pa, pinagkagukuhan ang letchon, karamihan ay mga lalaki.
Lumipat ang tingin niya sa maliit na katawan ni Maria, hawak ang paper plate fork and spoon.
Thinking that she'd compete with men twice as big as her, she would be swallowed whole.
"I'll do it d*mn it." Tumayo siya, inirolyo rin ang manggas ng kanyang T-shirt, inagaw rito ang paper plate. "Sit," senyas niya gamit ang ulo at sumugod sa kumpol.
Nakipagsiksikan siya, nagpasalamat na itinuloy ang workout nitong mga nakaraang araw.
It was war.
Hindi kapani-paniwalang siya, si Caleb Montreal, kalat ang mukha sa dyaryo nitong nakaraang linggo, ay nakikipag siksikan sa fiesta, para sa letchong pwede naman sana niyang bilhin kahit tatlumpu pa.
Bitbit pa niya ay paper plate. Nang sa wakas ay nakasingit, napagtanto niyang hindi niya alam ang gagawin. Iba't-ibang kamay ang pumupunit at humihiwa ng letchon.
It was madness.
Nang napansin ng katabing nanigas siya doon, naghiwa ito. Nagulat siya nang inilagay iyon sa plato niya.
"Okay na yan, boy?"
Tumingala siya, nautal. It was the biggest man he ever saw. Mabalbas pa ito. If Santa worked on the fields and got a tan, he would probably look like the man in front of him. "M-Malakas kumain ang girlfriend ko," at itinuro ang direksyon ni Maria.
"Ah, si Ineng Yaya!" Masigla itong kumuha pa ng kung ano-amo at inilagay sa plato niya, ibinagsak din sa plato niya an g isang bahagi ng letchong paa. "Malas sa sabong ang batang iyon."
Pagbaba niya ng tingin sa paper plate, gabundok na iyon.
"Okay na 'yan, boy?"
Tumango si Caleb, "T-Thank you."
Natuwa naman ito at bumalik sa pagpuno ng plato nito. Tulalang lumabas sa kumpol si Caleb, hindi alam kung bakit bigla siyang nautal.
It was a different experience.
"Mon-Mon!" Nagising siya sa tawag ni Maria, kumakaway. Naudlot ang paghakbang niya, katabi nito si Mia sa wheelchair nito. Nagkatinginan sila, una siyang nagbawi ng tingin.
But then Caleb then took step, then two until he kept on walking and reached the table.
🌈🌈🌈
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...