22 🌈 Caleb, The Aloof Son (2)

512 30 5
                                    



🌈🌈🌈

Matapos ang tanghalian, iba't-iba ang kanilang paraan ng pagpapahinga.

"Just don't throw it!" sigaw niya mula sa baba, hawak ang plastic bag, may lamang tatlong bunga. Mas gugustuhun niyang sumama sa pamimitas ng mangga sa likod bahay kaysa makinig sa 'tour' ni Matthew tungkol sa farm.

Baka ngayon ay itsi-chismis na nito ang kanilang family history.

"Mon-Mon, salo!"

Humakbang siya paatras, toon ang pansin sa papahulog na bunga at iniunat ang kanang braso may anggulong 90° at sa eksaktong sandali, sumalo.

Napaismid siya. Piece of cake. Gamit ang estimadong bigat ng prutas, wind velocity at gravitational pull, nakalkuka niya ang 'oras' at posisyon ng palad.

Ang galing, ang galing-galing niya.

"Did you see that?" Tumingala si Caleb, hinanap ang humahangang tingin at papuri ni Maria. Nagsisi siya, bahagyang umawang ang bibig, nabitawan ang mangga.

Pink. Hindi tiyak kung panty o safety shorts, pero siguradong may nahagip siyang pink nang lumipat ito ng sanga gamit ang isang malaking hakbang

"Mon-Mon, ito pa."

"Close your legs d*mn it!" Hindi na kailangang tanungin kung bakit ito nakapalda, na bagamat may kahabaan, kita parin lalo na't kasalukuyan itong naglambitin ilang metro mula sa kinatatayuan niya. Hindi na rin kailangang tanungin kung ano ang pink niyang nasulyapan. Sa katulad ni Maria, walang paliwanag ang kailangan.

Imbes na sumagot, umupo ito sa isa sa mga sanga, sumulyap sa direksyon ng bahay. Ganoon din ang ginawa niya. Saktong may nasulyapang pigurang nakasilip sa ikalawang palapag ng bintana.

"Iyon ang kwarto ng Mama mo 'di ba?"

The hell would he know? He doesn't have any business with her.

"Sabi ni Matthew, ilang taon na daw kayong 'di nag-uusap."

"That d*mned...." bulong niya, tungo at hinihilot ang noo.

"Mon-Mon, bakit?"

"Anong bakit?"

Tumingala siya, pero wala na ito doon. Muntik na niya itong masuntok nang malingunan sa kanyang tabi, may dilat at nagtatanong na mga mata. "Bakit 'di kayo nag-uusap?"

"It's just the way it is." Iyon ang totoo. Walang dapat pag-usapan. Kung sa iba, kakaiba ang set up ng kanyang magulang, natural iyon sa kanya, bilang kinalakihan. Hindi siya malungkot, o naghangad ng kung ano. As if he care about feelings and warmth. Ang tangi niyang pangarap ay sakupin ang mundo, manguna sa lahat ng ekonomiya.

"Bakit?"

"Basta."

"Malungkot ka ba?"

Sumulyap ito sa bintana, ganoon din ang ginawa niya. Bukas parin pero wala na ang pigura doon,

"Of course no– what are you doing?"

"Kumakain." Ngat-ngat nito ang isa sa mga napitas. Walang hugas, pahid lang sa palda, at kinagat ang may balat. Napangiwi ito sa asim pero nag-alok. "Gusto mo?"

Bukas pa ang kagat ng ngipin nito. Bago pa nakatanggi, iniunat nito ang kamay at ibinato ang hawak.

For a moment, he was confused. Sa mabilis na sandali sinundan niya ang manggang tumilapon, diretso sa bukas na bintana ng ikalawang palapag.

"What was that for?!"

"Hala Mon-Mon!" tapos walag anumang hinablot ang kamay niya, tinakbo ang direksyon ng bahay. "Nadulas ang kamay ko, hanapin natin ang mangga."

Nahila siya sa kapritso nitong parang ipo-ipo, biglaan at pabugso-bugso. Sa kabila ng pagpupuyos, magaan ang mga paang sumunod.

Kailangan niyang magpahila sa ipo-ipo, para sa pangarap na world domination.

🌈🌈🌈

Random Maria? Or not? :)

Hello, the first season of "Damn it, Maria!" is ending in a few chapters. Sana abangan niyo kung paano panandaliang magtatapos ang kabaliwan ng #TeamMaMon.

Ellena Odde

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon