Medyo seryoso. Pasilip sa family situation ni fafa Mon-Mon niyo. Enjoy! :)Ellena Odde ♥
🌈🌈🌈
Kung gugustuhin niya, pwedeng hindi siya pumunta. Wala masyadong merit ang kawanggawa maliban sa self satisfaction. Pero sumama pa rin sa outreach program si Caleb, bitbit ang ngitngit ng pagiging rank two.
Matapos marating ang dalawang oras na byahe, sa wakas narating nila ang bayan ng San Martin.
"Ang presko!" bulas ng katabi niya pagbaba ng sasakyan. Dahil na rin sa ayaw nitong sumakay sa kulob na school bus, wala silang nagawa kundi bumiyahe gamit ang sariling sasakyan, bukas ang bintana habang nakasunod sa school bus.
"Pa'no ka nakasakay ng airplane mula States kung ayaw mo ng masikip?"
"May private plane si Daddy," sagot nito, "Malaki."
Hindi na siya nagtanong. Well, that explains it, money helps alot.
Nauna na silang nakababa bago pa man ang mga kaeskwela. Dahil hindi umattend ng nakaraang club meeting, hindi niya nagawang tumutol nang isinabay ang club activity nila sa Green Earth Club.
Sa Mr. Leones, ang overseeing adviser, ay agad sinalubong ng baranggay captain. Habang ang club nila ay wala pa ring adviser, nakikihati na rin sa oras kay Mr. Leones, ang kanilang stand-in adviser in paper, just to make them legitimate. Pero hindi sila humihingi ng tulong dito, hindi rin naman ito nakikialam. The perks of a club full of smart students is useful after all.
"Welcome to my kingdom," wika ni Matthew, may kakaibang sigla.
Hindi siya sumagot, muli na sa pagsisising lumiban ng meeting. Sana ay nagawa niyang tumutol sa bayang ito magpunta, ang hometown ng pinsan. Siguradong ito rin ang may pakana kung paano sila humantong doon, ginamit ang gigolo charm sa pangungumbinsi.
"Tree planting," Caleb muttered, annoyed, "it has nothing to do with our club objectives."
"Dito nagsimula ang lahi ng mga gwapong Adan," pahayag ng pinsan. "'Di ba Kaloy?"
Hindi siya sumagot. This is probably the first time he came back, but he hated it already. He wondered what his father would say if he found out.
Agad silang pumunta sa planting site bago pa tuluyang sumikat ang araw. Halos sabay-sabay silang naghikab dahil sa maagang pagbyahe.
Ang tanging nanatiling masigla ay si Tamara, nawawala't lumilitaw, bitbit ang iba't-ibang dahon at ugat.
"Mas presko ang sangkap, mas epektibo," narinig niyang sabi nito sa adviser, walang nagawa kundi tumikom.
"Look Mon-Mon, worm!"
Of course. He should've expected this. Umigting ang dugong gubat ni Maria.
"Look Mon-Mon, another worm!"
Hindi naman ito masaway ng guro. Sa kabila ng kung anong nakakalkal, mabilis at maayos ito sa pagtatanim. She planted most trees compared to anyone.
'Sila na ba talaga?' narinig niyang tanong ng taga-ibang club. He didn't even bother to glare at them. Even sometimes he ask himself the same question.
Ang nakasalo ng sermon ay si Shalla, walang tigil sa pagkuha ng selfie, hawak ang seedling, mula sa iba't-ibang anggulo. Si Lord lang ang matino sa club nila.
Pataas na ang araw nang naisipan nilang mananghalian. Doon na sila humiwalay sa Green Earth Club.
Si Matthew, ang nagboluntaryong maging host ay inimbitahan ang mga kasama sa bahay. Ngayon ay sumakay na silang lima sa kotse ni Caleb.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Roman pour AdolescentsSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...