🌈🌈🌈
Lumipas na ang ilang araw, nanatili pa rin sa Ferguson Academy si Maria, ginagawang impyerno ang buhay ni Caleb. Kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan. Kaya naman, ginamit niya ang impluwensiya at pera upang kumuha mg private investigator.
Kung hindi niya magawang hanapan ng kahinaan mag babae sa loob ng paaralan, hahanapan niya ito sa labas- pamilya, pinagmulan, personal na buhay, kahit ano. One way or another, he'd find her weakness abdcit will be game over.
Mula sa pakikipagkita sa imbestigador, sinalubong si Caleb ng balita tungkol sa ama.
"Your father wants you to call him, Mr. Montreal," ang bilin ng kanilang matandang mayordomo.
"Directly?"
"Yes. No need to call the secretary."
Tumango lamang siya at mabilis na inakyat ang kwarto. Isa ito sa iilang pagkakataong direktang makakausap ang ama sa telepono. It would mean something important.
Nang mapag-isa, nagdial si Caleb sa cellphone.
"Good evening Sir," bati niya sa ama.
"I won't be home this weekend," diretsong imporma nito. "Something came up in the European branches."
"I understand."
"Same with William. One of his factories encountered a problem. The dinner be moved. However, you and Ari will meet this weekend. William said she's already in the Philippines for some time now. Be sure to impress her. This engagement is very important.]
"I understand Sir."
[Good. The secretary will call you for the details.]
Naputol na ang tawag, ngunit hindi pa rin gumagalaw si Caleb. It's finally happening. He's going to marry someone he doesn't even know. Gayunpaman, hindi siya tutol. It's a marriage for convenience. Both parties would reap the benefits.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Kinabukasan, araw ng Biyernes, maagang pumasok sa paaralan si Caleb. Habang papalulan sa elevator, isang tapik ang nagpalingon sa kanya upang makita ang sabik na mukha ni Maria.
"Hi classmate."
Hindi niya ito sinagot at humakbang sa elevator. Ngunit bago pa tuluyang makapasok, hinila siya into.
"Excited ka na ba?"
"What do you want now?"
"Wala naman," ngunit tumingkayad ito upang iinat ang kanyang labi sa pilit na ngiti. "Iyan, pwede na," at walang anumang tinakbo ang hagdan paakyat.
Naiwan si Caleb, bumalik ang mukha sa simangot. "That little sh*t," bulong niya.
"May sinasabi ka?"
Muling lumingon si Caleb at muntik mapasigaw nang mabungaran ang mukha ni Tamara. Normal na reaksiyon lang iyon lalo na't maputla ito at nangingitim ang ilalim ng mata. Dagdagan pa ang maiitim na ngiping nakangiti.
"Your teeth is black," ang una niyang nasambit.
"Ah, sorry," at itinikom ang bibig animo nililinis ng dila. "Pusit ang ulan namin." Pagkatapos ang sinuyod siya ng tingin, ngumisi at umiling-iling.
"Mamalasin ka," sambit nito. "Isang malaking dagok ang paparating, nasa iyo na kung paano mo ito harapin."
Sa unang pagkakataon, kinilabutan si Caleb, at nagmadaling sumakay ng elevator. Hagik-ik si Tamara, labas ang ngiping may itim pa ng pusit ang huli niyang narinig bago sumara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...