🌈🌈🌈
Mas mabuti sana kung namamalikmata lang siya.
Pero hindi.
Kumakaway si Maria sa kanya mula sa labas ng bintana, mukhang tanga, na para bang hindi kidnapping ang nangyayari.
"Hoy, anong nangyayari sa'yo?" tanong ng kalbo.
Umiling-iling siyang nauubo, nagsisi kung bakit ngayon pa nasamid sa sariling laway.
Nang sa wakas nakahinga ng maayos, tumingin si Caleb sa bintana. Wala na roon si Maria.
Ngunit ang kapanatagan niya ay panandalian lamang nang bumalibag pabukas ang pinto.
"Maghugas kayo ng itlog, babasagin ko!" at nag-posing.
Her eyes found him as she spoke like a genuine heroine in movies. For a moment, she really looked like his savior. "Mon-Mon, wag kang mag-aalala, iligtas kita!"
But it was short lived.
Wala pang ilang minuto, magkatabi na sila, nakagapos rin ito sa tabi niya.
It was just a blink of an eye.
"What the f*ck Maria?! How reckless could you be?!"
Nasaan na ang galing nito? She even beat up the school goons he set up before. Pati na rin ang mga tagahanga niyang nam-bully dito noon ay natalo nito.
She grinned. "Hindi ko naisip na malakas din pala sila. Wow. Akala ko katulad lang sila ng mga weaklings sa school."
She's lying. Obviously.
Nang ginulpi nito ang mga kalalakihan kanina, isa ang lumapit kay Caleb at tinutukan siya ng baril.
"Tumigil ka o gigilitan ko ang pogi mong boyfriend!"
"Hindi kaya totoo."
"Na boyfriend mo to?"
"Na pogi siya... well, medyo."
"Hindi yan ang oras para diyan!" sigaw ni Caleb. "Run away from here, d*mn it!"
Instead, she smiled and raised her hands. "Suko na ako."
Thus their current situation.
"Paano mo kami nasundan? Sino ang kasama mo?!" tanong ng pinuno.
"Kasalanan niya," at itinuro si Caleb. "Nilagyan ko siya ng tracker."
His head snapped at her. "What? Hanggang kelan pa?!"
"Since... kumalat ang balita tungkol kay Daddy," at nag-iwas tingin. "Baka madawit ka sa gulo dahil sa'kin."
He felt a little squeeze in his gut. All this time, it wasn't just him who was trying to protect her, it was both ways.
Bago pa siya nakasagot, hinablot na nito si Maria sa kuwelyo ng uniform. "Sino pa ang nakakaalam?!"
"Ako lang, cross my heart!" at isinenyas ng ulo ang bulsa sa palda. "Gamit ko ang cellphone, nasa bulsa!"
Gamit ng isang kamay, hinugot nito ang cellphone. Pabagsak nitong binitiwan si Maria at inutusan ang tatlong kasama para magmatyag sa labas, siguraduhing hindi pa sila nabubuko.
Nang wala na ang tatlo, muling binalingan nito si Maria. Caleb didn't like how he looked at her with his malicious smile.
"Dobleng pera," anito, "tatawagan namin kung sino man ang magbibigay ransom."
"Okay," at tumango ito. "May password ang cellphone ko, 14333, it means 'I love you, Mon-Mon," at lumingon sa kanya at ngumisi. "Ehe."
"Master Hokage ang pangalan ng guardian ko, si Georgie."
Sinunod ng kidnapper ang panuto at nagulat na totoo ang sinasabi nito.
"See?" ani Maria, "tama ako."
All the while, Caleb looked at the two with confused expression. Hindi siya eksperto at walang karanasan sa pandurukot maliban ngayon, but he was sure, really sure, that it's probably one of the most ridiculous kidnapping in history.
Bumalik ang dalawa, ang isa ay naiwan para magbantay. Tinawagan nila si George para humingi ng ransom.
"Georgie!" angal ni Maria nang iparinig ang boses, "Gutom na ako!"
"Two hundred million pesos," sabi ng pinuno. "Isabay niyo ang pagbibigay ng pera kay Montreal, parehong lugar at oras."
Pinatay nito ang tawag.
"Ngayon, maghintay tayo."
"Bakit doble sa kanya?!" singhal niya. Siguro nababaliw na rin siya kung bakit mas malaki ang singil kay Maria. D*mn it all. Something's wrong with him too.
But then, things turned for the worse. No matter what, kidnapping is still kidnapping. Nasa pahamak pa rin sila. Patunay nito ang malisyosong tingin ng mga kalalakihan kay Maria.
Dumukwang ang isa sa kanila at inamoy ito. "Amoy gatas at baby," anito, hinawakan ang mukha ni Maria.
So it was not just him after all. She really smelled nice. But at that moment, he wished she wasn't. He wished she didn't have that cat like eyes looking up stupid and innocent at the man who might do terrible things to her.
Caleb felt desperate. Magkamatayan na bago nila ito higit na saktan.
Nobody taints Maria.
Nobody can remove her smile.
Over his dead body.
Sa desperasyon, dinamba niya nag kidnapper sa kabila ng tali sa paa at kamay. Nakatanggap naman siya ng dobleng tadyak at isang sapak sa ulo. Panandalian siyang natuliro.
F*ck, he thought. There must be a way to protect her.
"Kapag hinipo mo ako or more," narinig niyang sabi ni Maria, "magsisisi ka."
Now he looked up, she was looking straight at the kidnapper.
"Kapag may harassment, mababawasan ang ransom, hala ka."
She looked she was joking, but the glint in her eyes said otherwise.
Malakas na sampal ang natanggap nito, napabaling sa direksiyon niya si Maria, napapikit sa sakit.
Pagmulat, ngumiti pa rin ito. It as if she was telling him she's alright.
But Caleb is nowhere alright.
"You f*cker!" at dinamba niya ulit ito. "I kill you! I'll f*cking' kill you!"
He received double pain than the first one he got hit.
Pinigilan ang pinuno ng mga kasama. "Gago ka ba, pag namatay 'yan? Di pa natin nakukuha ang pera, tsaka na."
Dinuraan siya nito bago bumalik sa mesa.
🌈🌈🌈
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...