This is a short teaser for CGOR's Season 2. Enjoy 😍
🌈🌈🌈
Hindi naging maganda ang gising ni Caleb. Una, mag-aalas dose na siyang bumangon dahil sa puyat. Kinailangan pa siyang pwersahin ni Maria na umuwi, habang ito ay kwinestiyon ng mga otoridad sa simula ng sunog. She assured him she's fine, and would stay in a hotel with the house staff for a while.
Pangalawa, naalala niya ang ginawa kagabi. Nahindik siya sa naging reaksiyon. It was like the hideous movies that the commoners like, with bad desperate leading man crying for their loved ones. Caleb shivered, disgusted with himself. Anong sumapi sa kanya at nagawa iyon.
Agad siyang tumayo at naligo. He'd skip working out for now. Bibisitahin pa niya si Maria sa hotel bilang 'butihing' nobyo at tawagan ang ama para ibalita dito an nangyari.
Dressed and hungry, bumaba siya para sa tanghalian.
"Frederick," tawag niya sa mayordomo, kakalabas lamang mula sa dining room. "What's for lunch?"
"We have... alot sir."
Hindi niya pinuna ang pag-aalinlangan sa boses nito. Naulinigan ni Caleb ang masiglang ingay mula sa loob ng dining room, mga pamilyar na boses at matinis na hagik-ik.
Pumasok siya, napakunot ang noo. Nakaupo sa mesa ang kompletong myembro ng kanilang school club, kumakain ng tanghalian.
"Oi, Kaloy!" tawag ni Matthew, may sunglasses sa ulo at posturang maliligo sa dagat, "Long time no see! Kain," yaya nito, "kain na!"
Si Tamara naman, agaw pansin at natatanging balot ng itim, ay tumigil sa aktong pagsubo, at ngumiti sa kanya. "Dumating na ang sinasabi kong kamalasan, Montreal."
Si Lord, ay hindi apektadong kumakain, katabi si Shalla kinukuhanan ng litrato ang pagsubo nito. "Lord, give me a peace sign, then stop– yup, ganyan, that angle."
"Ganito?" tanong ng una. "Pwedeng kumain muna tayo?"
"Glance my way. Omg, I'm so going to post this."
Sa puntong iyon, lumabas si Maria, suot ang apron ng katulong niya sa bahay at bitbit ang bandehado ng fried rice.
"Oh hi, Mon-Mon!" bati nito, "nakatulog ka ba ng maayos?" Umupo ito at nilantakan ang bandehado.
"Maria, what's this?" tanong niya, sinubukang naging mahinahon.
"Inimbita ko sila, late party sa birthday mo, 'di tayo naka-celebrate ng maayos, 'di ba?"
She sat there and ate like it was the most normal thing in the world, na para bang hindi naging abo ang bahay nito kagabi at para bang hindi nabulabog ang buong village.
"And you promised me," dagdag nito, matapos ubusin ang baso ng gatas. "Bibili kang maraming, maraming, maraming fried chicken."
Sa bawat tawa, kalansing ng kubyertos at salita mula sa club members, parang sasabog si Caleb sa inis. Nagmukhang evacuation center ng mga wirdo ang bahay niya.
"Mon-Mon, 'di ka pa kakain?" tanong nito. "Nagluto kami, may bagoong din, gusto mo?"
Caleb closed his eyes and took a deep breath. Iwinaksi niya sa isip ang namumuong duda sa nangyayari. "Maria, why are you here?"
"I live here," sagot nito, kagat-kagat pa ang piraso ng ham. "From now, I live here."
🌈🌈🌈
Bardagulan 101. Stay tuned. Sana i-recommend niyo rin ito sa iba :) Thank you!
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...