🌈🌈🌈
Bago sumapit ang tanghalian, dumating nga si Matthew. Siyempre, inulan sila ng tukso nang malamang parehong sa kuwarto nito natulog.
"Wala na kasing bakante," 'yon an sabi ni Tita Sabel niya. "At mabait naman itong si Kaloy."
Tumawa ng nakakainsulto ang pinsan niya patungo sa kusina. "Oo nga eh, Ma. Bait-bait niyan."
Sa lahat ng iyon, walang pakialam si Maria. Mas inuna pa nitong tumulong sa kusina at may kasamang tikim, pinaypayan ang nakasalang na bulalo sa kamalig habang kumakain ng kilawin.
Caleb joined Matthew later on. Nagulat pa ang pinsan niya nang sinagot niya ng maayos ang pagbati ni Mia at tinanggap ang bigay nitong mango juice bago tumulong sa kusina.
"Syet, picture nga Kaloy, documentation. Road to unity na 'to."
"Shut up," sabi niya nang sila nalang ang naiwan sa sala. "Too soon."
Nahilaw ang ngiti nito, ngayon pa man tumango. At sumang-ayon sa tonong wala ng panunukso."Darating rin yan."
Pagsapit ng hapon, doon na nila napagdesisyunang bumalik sa siyudad ni Maria. Nagboluntaryo si Caleb na magmaneho pabalik.
"Tita Sabel, Tita Mia, Tito... babalik po kami," ani Maria, "promise!" at kumaway sa mga trabahanteng mukhang naging tropa nito. "Di ba, Mon-Mon?"
Caleb nodded, he glanced at his mother, then quickly looked away. "Yeah, babalik kami."
After a short farewell to Mia and the others, they drove the road back to the city with Caleb on the driver's seat.
Muntik na siyang mapasigaw nang kaswal na sabihin ni Maria na wala itong lisensya. "Tinuruan ako ni Georgie dati," anito.
He felt his blood boil. All this time, he left the wheel to someone who had only a blue eye hokage for an instructor. "Don't you dare drive again," he said in final tone. "Kumuha ka muna ng lisensya."
She didn't answer. She was already snoring.
∆∆∆
Gabi na nang makabalik sila sa siyudad. Matapos igarahe ang sasakyan at pinasok ang bahay, kita ni Caleb na bukas ang ilaw sa opisina ng ama, katabi iyon ng library. Iyon lang ang bahagi ng bahay na hindi niya puwedeng pasukin.
When he was young, he was told the safe was inside, kabilang na nag mga mahahalang dokyumento.
Excited na bumaba si Maria, nagmadaling pumunta sa kusina para ibigay sa mga kasambahay ang sangkatutak na pasalubong.
He told her his father arrived. She didn't even flinch. Bagkus ang tanong nito ay "May pasalubong kaya siya?"
Nagmadaling pumanhik si Caleb upang maligo sa pangalawang pagkakataon. Ilang araw rin siyang walang ayos na linis.
After the shower, he laid on the bed for a moment, only to fall asleep and be awoken an hour later by Frederick.
"Sir, your father called you in the library."
Tumango siya. Somehow, he felt uneasy. "Si Maria, nasa'n?"
"Hindi ko po alam. Sa pool ko po siya huling nakita, kasama ang hardinero. They were engaged in some..." at nag-isip ng susunod na sasabihin, "some sort of.... interesting film roleplay of... uhm, iconic Philippine action stars."
Umiling na lamang siya. In short, nagbabaril-barilan ito at dinamay pa ang nanahimik na hardinero.
Nagpasalamat siya at tinungo ang opisina ng ama. Kumatok siya at narinig an mahinang 'Come in'.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...