61 🌈 END: Caleb, The Loser

974 40 44
                                    


Sorry late, nabusy kahapon. Naglive streaming akong #PPopCon at KPop concert (yep, pinagsabay ko kasi astig ako). 

Last chapter!

Please enjoy Team #MaMon's love story.

🌈🌈🌈

Ilang araw pa ang dumaan, higit na pinagpiyestahan ng media ang nangyari. Lahat ng anggulo at scoop sa buhay niya at ni Maria ay tinutukan. Mula sa kidnapping, hiwalayan ng magulang niya at mga teorya sa window stunt nila sa school at habulan sa school ground noong araw ng kidnapping.

Nang minsang dumalaw ang kasama sa club, ibinalita rin ni Matthew na may mga nagtangkang mag-interview tungkol sa club activities nila, lahat tinanggihan.

Nahuli na rin ang mga kidnappers at basi sa mga ebidensiyang nakalap, wala ng kawala ang mga ito.

But Caleb chose to ignore it all. Mas pinili niyang magpagaling. Dahil kung sakali, baka muling dumugo ang sugat niya sa stress.

"Alam niyo bang sa dapit hapon mas napapalapit ang mga unang nilalang-mga enkanto, at mortal?" tanong ni Tamara. "Nabubuksan ang mga lagusan sa dimensyon ng mundo nila."

Kasalukuyang nasa rooftop garden ng hospital ang buong club, pinapanood ang papalubog na araw.

Tanging si Maria lang ang interesadong nakinig dito. Habang si Lord ay kinukuhanan ng litrato si Shalla.

"Discharge ka na ba bukas?" tanong Matthew kay Caleb, pinapanood ang mga kasama.

"'Yon ang sabi ng doktor."

"Edi balik school ka na? Dami mong hahabulin. Wala ka na nga siguro sa top ten, lol."

"Shut up," aniya at tumingala sa langit. Totoo ang sinabi nito. Gayunpaman, hindi na siya nakaramdam ng matinding inis. If it was the old him, he would've flipped everything to be on top.

"Maaliwalas ang langit."

Nalingunan niya si Tamara, halos idikit sng mukha nito sa kanya. Muntik na siyang matumba sa gulat, kundi dahil sa suporta ng tumatawang pinsan.

"Stop that. Baka dudugo ulit ang sugat ko dahil sa'yo."

Pero imbes na magbenta ng kung ano-ano at iba pang babala, tumingala rin ito sa langit. "Wala ng bagyo, Montreal."

"Hey, let's take a groufie," singit ni Shalla.

Nagkatinginan sila at pumosisyon sa wakas. Bilang nasa gilid, si Shalla na mismo ang kumuha ng mga litrato.

"Sha, bakit putol lahat ng ulo ko diyan?" puna ni Matthew. "Bat hanggang leeg lang?"

"It's your fault for standing so tall."

"Nanadya ka no? Pamahiin kaya yan. Pag may masamang mangyayari sa'kin, hahalikan kita ng malupit."

Napaatras si Shalla. "W-wha-! Ew!" at nagtago sa likod ni Lord.

"Joke lang," ani Matthew at kumindat. "Si Lord parin ang laman nito," at itinuro ang sa gilid ng tiyan. "Siya lang ang nilalaman ng pancreas ko."

"Whatever, anyway," at lumingon kay Caleb at Maria, "when will you guys return to school?"

Walang sumagot.

"What?" ani Shalla sa biglang pananahimik nila.

"Sha, kain tayong fishball," singit ni Lord. "Libre ko, may bonus ako, employee of the month."

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon