23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (2)

477 31 5
                                    


🌈🌈🌈

Sa pagdiriwang ng kaarawan, tradisyon na ang magbigay ng speech. Unang nagbigay ng pagbati ng kanyang ama, nagpasalamat sa pagdalo ng mga bisita.

"My son is my treasure, as years go by he grew to be independent and exceeded my, and our expectations. Now it's his 18th birthday, he finally turned into an adult."

It was a short speech, just like every year, his father speaks first paving the way for him. Nagpalakpakan ang mga tao nang umakyat siya sa entablado.

He spoke with the same format. Una ay magpasalamat, hilinging mag-enjoy sila, isnunod ang mga pangarap niyang matupad at makamit sa susunod na taon. Habang inilibot ang tingin sa mga nandoon, nangako siyang pagsisikapang maging mabuting tao, mapantayan o mahigitan ang expectations nila.

Yada. Yada. And yada. Blah. Blah. And blah.

It's always the same. Lahat nakinig, nakatingala sa kanyang perpektong kabuuan, walang mahahanap na kapintasan maliban ang pagiging 10/10 sa lahat ng aspekto.

That's it, isip niya, look at my greatness!

Pero kumpara sa mga nagdaang taon, may kaunting naiba, nadagdagan ang listahan ng kunwaring pasasalamatan.

"This year," bwelo niya, "I thought I already had everything I could ask; a wonderful family, friends and a clear goal. But then, there's one person that made the difference, who made me smile everyday, who taught me how to love... and I wish we could always be together as my partner in life..."

Umugong ang bulong-bulungan.

That's right. Pormal niyang iaanunsyo sa mundong off the market na ang hottest bachelor. Isang indirect proposal na kahit sino ay manginginig sa kinauupuan at mapapasigaw ng 'kyaaah'.

"I love you..." idinako niya ang paningin sa direksyon ng kanilang mesa, wala doon si Maria.

Napahigpit ang hawak niya sa mic. "I will always cherish you..."

Mabilis niyang hinanap ito sa hall, nahanap itong pasimpleng humihiwa ng kanyang birthday cake, habang ang iba ay toon ang atensyon sa entablado.

Nanatili ang ngiti niya sa mukha, isang matigas at alanganing ngiti.

What the f*ck are you doing?! gusto niyang sumigaw at ibato dito ang mic. Nauna pa itong tapyasan ang cake kaysa kanyang may birthday. Hindi pa nga nasindihan at naihipan ang kandila.

"I will always treasure you..." You pig! You tactless, hungry pig!

There is no use is making romantic moves now. Kapag binanggit niya si Maria, mapupunta dito ang atensyon, mabubuking na nagdala siya ng patay gutom na girlfriend sa party. Mababalot siya sa kahihiyan.

"...and I, uh I, will be forever loyal..." D*mn you, d*mn you Maria, go to hell. "...God."

The guest clapped despite disappointment over the hyped and misleading talk. Surely, may ilang nagbubulungan ng tanong kung kelan pa naging relihiyoso ang mga Montreal.

Gayunpaman, nakahinga siya ng maluwag, nakabalik na si Maria sa mesa bitbit platitong may bundok ng cake at nakipalakpak. Umigting amg ugat niya sa leeg.

Bumaba si Caleb, tumayo sa tabi ng bawas niyang cake, habang kumakanta ang mga bisita. Nang matapos, yumuko siya para ihipan ang kandila, sa malapitan, halata ang bawas nito sa gilid, katulad ng kagat ng kung anong halimaw.

"Make a wish," halos sabay na sulsol ng lahat.

Wish? A successful takeover the company would've been fitting, as always.

Pero hindi ito ang mahalaga. Sa ngayon, hiniling niyang matapos ang party ng hindi nagkakalat ang babaeng gubat niyang girlfriend.

Palakpakan, dagdag bati sa halos linya ng mga well wishers, pagpapakilala at hanggang nagpatuloy ang kasiyahan.

Sa wakas bumalik si Caleb sa mesa niya. Ang ama niya ay kasalukuyang pinalilibutan ng board of directors sa kabilang bahagi ng silid. Tanging si Maria lang ang nakaupo, patuloy sa pagkain, ignorante sa mga kakaibang sulyap.

It's ruined. The moment he invited her, it's already ruined, his reputation turned to ashes. In the first place, it's his fault. Siya mismo ang hiniling sa ama na isama si Maria. His father, on the other hand is definitely testing him, if he can't control one woman, he can't control everything else.

"Mon-Mon, ang laki ng cake mo. Ilang layer?"

"Five," ang nagpipigil niyang sagot. "But you already knew that, nauna ka pa ngang kumain 'di ba?"

"Konti lang naman."

Titingnan niya ang plato nito. Obviously, magkabila sila ng konsepto ng 'konti'. Inabutan niya ito ng tissue. "You have chocolate on your face." Tinanggap nito ang tissue at pinahiran ng mukha.

"Hi Caleb, happy birthday," mula iyon sa dalawang may pamilyar na mukha.

"Thanks Gina."

Nagliwanag ang mukha nito. "You remember!"

"Of course," smiled, princely this time.

"My dad works in your company. I was at your birthday last year too, and before that."

She's one of those invited kids, with a prospect of following their parents legacy– to be the Montreal workforce.

Still, a commoner.

"Hi!"

Nilingon niya ang katabing si Maria. Kelan pa ito nagkaroon ng permisong kausapin ang kanyang mga future alipin?

"Hi din," ang alangang sagot ng babae.

"Ako si Maria, girlfriend ni Mon-Mon."

Sumulyap ito kay Caleb, halos mabasa ang tanong kung sino si Mon-Mon. "Ah, okay..."

"Gusto mo ng cake?"

"Ah... no thanks. Ano lang, pwedeng magpapicture kay Caleb?"

"Pwede!" ito na rin ang sumagot.

Binigay ni Gina ang cellphone, alanganing tumayo sa tabi niya. Si Caleb ay ginawang blanko ang mukha, nagpigil ng inis, habang si Maria naman ang kumuha ng litrato.

"Mon-Mon, wacky naman," sulsol nito. "Finger heart, tapos 'dab'."

"I think that's enough," ngiti niyang tugon. As if he would dab.

Panandaliang sumakit ang mata niya sa flash, nakaalis na ang commoner, pikit pa rin ang mata niya. By now, that commoner would spread the awful news about his girlfriend and his terrible taste in women.

Maria should seriously stop interfering with him.

"Maria, pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa wakas.

"Okay."

"I mean, not here."

"Okay."

Tumayo siya, ganuon din ito, bitbit ang platong may cake. Hindi na siya makipagtalo.

Humantong sila sa maliit na pribadong silid sa gilid ng event hall. He made sure to lock the door.

🌈🌈🌈

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon