🌈🌈🌈
Kinabukasan, kapansin-pansin ang kalmot sa leeg at braso ni Maria. Si Tamara at Lord, na sa 'di maipaliwanag na dahilan ay naging malupit sa babae ang pumuna.
Hindi sinungaling si Maria kaya naman matapat nitong sinabi ang totoo.
"Nakipag-away ako kahapon. And dami nila," pagkatapos ay itinuro si Caleb, "nadoon nga siya. 'Di ba klasmeyt?"Ang dating walang interes na klase ay natuon din kay Caleb ang atensyon. Napamura siya sa isip at bago pa pabulaan ang sinabi ng seatmate ay narinig nila an anunsiyo sa speaker.
"Maria Bahaghari, please come to the Guidance office. I repeat, Maria Bahaghari, please come to the Guidance Office."
Patalon itong tumayo at agad na nagpaalam. Hindi mapalagay si Caleb sa kinauupuan. Sa wakas, nakompirma ang kanyang pag-aalala nang muling nag-anunsiyo sa speaker.
"Mr. Caleb Montreal, please come to the Guidance office. I repeat, Mr. Caleb Montreal, please come to the Guidance office."
"Uh-oh," narinig niyang sabi ni Matthew na agad din namang bumaling sa ibang direksyon, ayaw salubungin ang kanyang matalim na tingin. Ilang minuto pa lang iyon bago magsimula ang klase, kaya natural na nagkalat sa hallway ang mag-aaral.
Muling umulan ng 'Caleb, are you okay?' sa kanyang pagdaan. Ngumiti na lamang siya ngunit nagpupuyos ang kalooban.
Pagdating sa guidance, bumungad sa kanya si Maria, kaharap ang apat na babaeng estudyanteng lamog ang mukha.
He was confused. Looking closer, they were the girls who bullied the Maria yesterday. Ngunit ngayon ay ang apat pa ang nagmukhang biktima. Katabi ng bawat estudyante ay ang kanilang mga guardian.
"Uulitin ko Miss Bahaghari, ikaw ba ang gumawa ng mga ito?" tanong ng Guidance Councelor.
"Opo," ang diretsang sagot, inosente tingnan sa kabila ng nagawa.
Agad naman umalma ang isa sa mga magulang. "'Di mo pa talaga tinanggi? How can you take responsibility for this?"
"Sabi ni Daddy, kapag inaway ako, awayin ko rin. Sila ang nauna. Sabi ko pa nga, marunong akong mag-karate, mag-taekwondo at nag-aaral din akong maging ninja, ayaw nilang maniwala. 'Yan tuloy."
"Aba't-"
"Please calm down, Mrs. Federico," awat ng Guidance Counselor pagkatapos ay tinanong si Caleb. "Mr. Montreal, Ms. Bahaghari claimed that you were there."
"Yes."
"What did you see?"
Matalino si Caleb, magaling magsinungaling kaya naman ay nakatahi agad ng kwento. "I didn't know what was happening. I was at the rooftop for fresh air, when I looked down, I saw her," tukoy niya kay Maria, "and the others, she waved at me, then I Ieft."
Si Maria ang sumunod na mag tanong. "Hindi mo sila nakitang inaaway ako?"
"No. You were smiling, so I thought it was nothing."
Tumango-tango ito, habang ang apat na estudyante ay tahimik lang din. Dalawa sa kanilang may black eye ay nagawa pang magpa-kyut.
"Is that all Ma'am? Class is starting soon." He asked politely, but discretely used intimidation.
"Yes, of course," anitong apektado. "Thank you Mr. Motreal."
Tumango lamang siya, hindi pinatulan ang pamamaalam ni Maria. "Bye klasmeyt."
Second subject at doon pa lamang nakabalik ito. Pakiramdam ni Caleb ay halos humihinga na ito sa kanyang pisngi dahil sa ilalim ng titig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Fiksi RemajaSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...