🌈🌈🌈
He always knew Matthew will be useful to him one day, more than small commands from him, he'd play a bigger role.
It came.
But, what Caleb couldn't accept is it involved all the weirdos in their club.
"Huwag kang mag-aalala," alo sa kanya ni Lord, "magkakabati rin kayo."
"Like, what did you do that made Maria mad at you anyway?" tanong ni Shalla sa kalagitnaan ng anggulo sa pagsi-selfie. "She's like, never mad at you."
Hindi siya sumagot, hinilot lang ang noo. He asked himself why of all the people he could ask for help, why them. Hapon na at kasalukuyan silang nasa club room, hinihintay si Maria.
"Caleb."
Napaigtad siya sa malamig na kamay dumapo sa batok niya. "What?!" napataas boses niyang tanong.
Nakatungo sa kanya si Tamara. "May paparating na ipo-ipo, nararamdaman ko." Mula sa bag nito, inabot ang panyong itim. "Higit mong kakailanganin ito. Libre na 'yan."
Hindi niya nagustuhan ang awang puminta sa mata nito, Wala na ang nakasanayan niyang mukha ng babala. Caleb, not on his usual mind, took the offer and muttered a short 'Thanks'.
"Nasa gate na siya," sabi ni Lord, binabasa ang text sa cellphone nitong keypad pa.
Sa puntong iyon lumabas rin si Matthew mula sa banyo ng club room, kakaayos pa lamang ng zipper ng pantalon. "Naghugas ako ng kamay, okay?" depensa nito kahit walang nagtanong. Umupo ito sa tabi niya.
"Sakto na ba ang pain?" tukoy nito sa supot ng pagkaing nasa mesa. Sinubukan nitong kumuha ng isang balot ng tsokolate. Tinampal niya ang kamay nito. "This is all for her," aniya.
Pero mabilis pa rin itong nakakuha at kumain. "Isa lang naman," at ngumisi.
Habang hinihintay si Maria, mabilisan nilang inulit ang plano at pumosisyon.
Nauna nang lumabas si Matthew at Shalla. Si Lord ay nakaupo sa kanilang club table, habang siya ay nasa ilalim niyon.
Never in his life he thought he'd hide under the table for a girl. He never thought he'd do it at all.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. "Lord!" sigaw ni Maria. "Are you okay? I'm sorry natagalan ako. Inaasikaso ko pa ang pag-alis, then nag-uniform baka hindi ako papasukin ng guard. Are you okay? Ano bang sasabihin mong importante? You need money? How much?"
Sa bilis ng pagsasalita nito, naramdaman ni Caleb an sinseridad. Despite all that happened, Maria rushed to help a friend.
"Hindi pera. May ipapakita ako sa'yong importante. Pero bago niyan, anong sinasabi mong aalis ka? Bakit?"
"Babalik na ako ng America. The company needs me. Hindi ko na pwedeng idelay. But don't worry! Lagi kitang icha-chat... Oh, I forgot, hindi touchscreen ang cellphone mo. Gusto mo ibili kita? Farewell gift. At kung kailangan mo ng tulong, call me. Ikaw, si Tam-Tam, si Sha-sha at Mat-mat."
Nangunot ang noo ni Caleb habang nakikinig. Hindi siya sinali nito.
"Hindi ko na kailangan ng bagong cellphone. May Facebook naman at freedata."
Nakarinig siya ng tubig ng supot. "Ya-ya, kunin ko lang ang ipapakita ko sa'yo, naiwan sa classroom. Maghintay ka rito, kain ka muna."
"Really? Pwede kong kainin 'to?"
"Oo."
"Pwedeng ubusin?"
"Oo."
"Okay!" at sinundan ng tunog ng balot, at sumagot na tila may lamang ang bibig. "Maghihintay ako."
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Novela JuvenilSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...