🌈🌈🌈
Hindi na misteryo kung bakit lulong ang mga Pilipino sa teledrama na pare-pareho ang kwento at katapusan. Sa mga ordinaryong mamamayang nasa minimum wage, isa itong paraan para takbuhan ang kanilang poor problems. Mayroon ding hinahanap ang kilig sa palabas, pantapal sa kawalan ng lovelife.
Pero ang 'di maintindihan ni Caleb ay kung bakit pati si Maria ay lulong din. Una, mayaman ito at kayang pumili ng ibang libangan maliban sa pag-akyat ng puno. Kung naghahanap ng romansa, nadiyan naman siya.
Binulabog siya nito matapos ng hapunan, para manood ng drama, sa pagkakataong ito ay sa kwarto niya. Patay ang ilaw, bitbit ang popcorn at softdrinks, trinatong sine ang silid. Wala siyang nagawa kung ipagpaliban ang homework hanggang umuwi ito.
"Akala ko ba tapos na ang Encantadio?" tanong niya.
"Iba 'to. Kay Woni Wonzaga at Miolo Mascual. 'Yung 'Igapos Mo Ako Sa Pag-ibig."
Naalala niya iyon. "This is corny."
"Shhh," saway nito, inilapat ang hintuturo sa labi niya, muntik ng masundot ang ilong. "Nagsisimula na," at kinanta ang opening theme, may kasama pang sway from side to side.
Natampal na lang niya ang noo nang masilip ang plot ng palabas. Ang lalaki ay isang ninja na dinukot ang prinsesa at nagkaibigan.
Kaya naman pala nahuhumaling ang katabi.
"This is not even culturally appropriate! Bakit ninja?!"
Nalingunan niya itong namumutok ang bibig sa popcorn. "Mfgff fffmghff!"
Sumuko na si Caleb, inabot ang cellphone at niresearch ang kasalukuyang stock exchange. Mamaya pa ay nangulit ang katabi.
"Mon-Mon, hahabulin niya!"
"Mon-Mon, ang taas niyang tumalon."
"Mon-Mon, commercial na."
"Ahuh," ang matamlay niyang sagot. Ilang beses pa itong nangyari hanggang sa huli ay inagaw ang cellphone.
"Bakit ayaw mong manood?"
"Akin na."
Hindi ito ibinigay hanggang nag-agawan sila. Natumba si Maria sa carpet, humagik-ik. Sumulyap ito sa tv screen namilog ang mata.
"Mon-Mon, magki-kiss sila!"
Tumingin din siya. Ang mga karakter ay marubdob na naglapat ang mga labi, sa saliw ng piano. Mabagal at masuyo.
Nagkatinginan sila ni Maria, dumako ang tingin niya sa labi nito. Napagtanto niya ang posisyon nilang dalawa. Nakaimbabaw siya, tukod ang mga braso.
Biglang nauhaw si Caleb.
Agad siyang umupo, uminom ng soda, kinalimutan ang cellphone. Umupo din ito, nakatingin sa kanya, walang kurap.
"Mon-Mon, crush mo pa rin ba ako?"
Nasamid siya, naubo. "Anong kla- seng.... tanong... 'yan..." Hindi niya magawang magsungit, nanatili pa rin itong nakatitig. "Of course..." dagdag niya, pahina ang boses. "Ikaw? C-Crush mo na rin ba ako?"
"Oo!" diretsong sabi nito, walang paalam na hinawakan ang magkabila niyang pisngi, dumukwang at hinalikan siya sa labi. Malutong na 'tsup' ang tanging narinig ni Caleb sinundan ng malalakas na kalabog sa kanyang dibdib.
"Wha... wha–wha–what did you do?"
Imbes na sumagot, muling naagaw ang atensyon nito ng telebisyon. "Mon-Mon, ayan na, tatamaan siya ng shuriken!"
"You little..." bulong niya, hinaplos ang labi. Hindi lang siya dapat ang malito, ang panandaliang mabingi sa tibok ng sariling dibdib. "My first... my first kiss," ang nagpupuyos niyang bulong.
Hindi siya magpapatalo.
Hinablot din niya ang magkabila nitong pisngi at ginantihan niya ng halik, mas mariin at matagal sa ginawa nito. Finally, he let go and licked his lips. She tasted like popcorn and milk, but Caleb didn't mind.
"I win," tangi niyang nasabi, tumayo at iniwan itong tulala.
Gamit ang remote, linakasan niya ang aircon at tumapat dito para magpalamig. Ilang segundo pa, sumunod si Maria, nagpalamig din.
Nanatili sila doon ng ilang sandali, magkatabi pero walang sinasabi, limot ang mga ninja sa telebisyon.
🌈🌈🌈
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...