7 🌈 Caleb, The Date

791 43 12
                                    



🌈🌈🌈

May mga bagay na kailangang isakripisyo kapalit ng mas malaking benipisyo. Kung sa negosyo, investment. Pero, bakit sa engagement na ito, simula pa lang, lugi na siya agad?

Gamit ang nanghihinang tuhod, umupo si Caleb, kaharap si Maria na sa ngayon ay bumalik sa pagkain.

"Why are you here?" tanong niya, kahit alam na ang sagot.

"Para kumain," ang tugon na hindi itinataas ang tingin, "sabi ni Daddy, mag-uusap daw tayo," pagkatapos ay doon pa lamang tumingin, "anong pag-uusapan natin?"

Wala itong ideya. While he went there with the intention of commitment and marriage, Maria was there to eat.

Just to f*cking eat, nagpupuyos niyang isip. "Excuse me for a bit," pamamaalam niya.

"Okay," at bago siya makalabas ay naghabilin, "Mon-Mon, pakisabi naman magdagdag ng kanin, fried chicken na rin at tubig, malamig please."

Nagmadali siyang lumabas bago pa ito masakal, agad na nagdial sa cellphone, diretso sa linya ng kanyang ama. Maswerte at nasagot ito agad.

"Sir, by Ari you mean, my fiancee is Maria Bahaghari?"

[Yes. Her father is William, they own Rainbow Industries. Is there a problem?]

Panandalian siyang natahimik. He heard of Rainbow Industries, a company with decades of good reputation in medical field. At ngayong pinasok ng kanilang kumpanya ang paggawa ng medisina, of course, the only way to ensure success was merge a subsidiary with theirs.

"N-No Sir."

[Anyway, good timing. I was about to call you too. It seems, Ari had no idea about the engagement. It will be your responsibility to make her agree.]

Higit na bumigat ang ulo ni Caleb. At ngayon, sa kanya pa nakasalalay ang lahat. In short, kailangan niyang suyuin at ligawan ang babae.

But how? How will he court someone so irritating?

"Bakit Sir? I mean, why she doesn't know?"

[William said, Maria would definitely disagree, then it would be over. He spoils her too much. It's all on you, Caleb.]

"I understand, Sir."

Just like that, the call ended. Ilang Segundo pang nananatili sa labas si Caleb, pinoproseso ang nagyayari. He cursed a thousand times in his head. Nang inaakala niyang kalamado na, saka naman sumilip si Maria mula sa loob.

"Parating na ba ang kanin?" tanong nito, walang kamalay-malay sa madilim niyang iniisip. "Gutom na ako."

Obviously, the previous meal wasn't enough for her.

"We can just order through the intercom, you know," sagot niya.

Muli silang pumasok sa silid at nag-order. Hindi na siya nagulat kung pang piyesta ang inorder nito, na para bang kulang pa ang nakalatag sa mesa.

"Pakisabi strawberry ice cream din."

Sumunod naman si Caleb. Ayon ssa staff ilang minuto pa bago dumating ang pagkain. So, they waited.

"Magkaibigan pala ang Daddy mo at Daddy Will ko," tangka nito sa matinong usapan at wala ng bakas ng sauce sa mukha.

"Yes."

"Friends na rin ba tayo?"

Sa kabila ng pagtutol, tumugon ng 'Yes' si Caleb na parang sinasakal.

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon