🌈🌈🌈
Baka pumupurol na ang pag-iisip niya at nakalimutang i-lock ang kwarto.
Baka rin naman kumpyansa siya sa privacy ng sariling kwarto.
O baka naman, sadyang hindi naturuan ng tamang asal si Maria, walang paalam na pumasok.
Of course, she saw him, just in time he came out of the bathroom for a night shower. Mamasa-masa pa ang kanyang buhok at nakatapis lamang ng puting tuwalya.
"Wow." Si Maria ang unang bunasag sa katahimikan.
Doon pa lamang si Caleb makahuma. "Y-Wha- get out!"
Imbes na sumunod, tumalikod ito. "Magbihis ka na, may lakad tayo."
"I said get out!"
She turned to look at him. "Bilisan mo Mon-Mon. Importante 'to,minsan lang nangyari!" at tumalikod ulit.
Caleb knew he can't win, well, because he had to let her win. Kaya naman, hinablot niya ang nakahandang damit sa kama, mabigat ang mga hakbang na muling pumasok sa banyo at nagbihis.
"Pwede na 'yan," sabi nito, animo aprobado sa suot niyang puting T-shirt at maong na pantalon.
"Where are we going now?"
"Basta, kailangang nating gawin 'to ngayon, baka hindi ba maulit."
Batid niya ang pagmamadali sa boses nito. So Caleb had to cancel his tutor appointment, get dragged by Maria to his car and be instructed where to go.
"Iliko mo diyan, kaliwa," anito nakangudngod ang mukha sa cellphone para sa direksyon.
"My car has GPS, you know. Just tell m-"
"Kanan."
Hindi niya tinapos ang sinabi, mahihpit na lumapit sa manubela. Matapos ng ilang minutong pagmamaneho at pasikot-sikot, pumarada sila parking lot ng isang bar, na sa standards ni Caleb ay third rate.
Matapos masiguradong nakalock ang sasakyan, sinundan niya itong naglakad ng isa pang bloke at umikot.
"Nandito na tayo!"
Natampal niya noo. "Of course," he mumbled, blaming his own gullibility. Of course, they'd go somewhere useless.
Sa unahan nila ay ang makapal na daloy ng mga tao, paroo't parito, sa mga nakatayong barong-barong. Ang mga tindero't tindera ay nagpapataasan ng boses para manghikayat ng mamimili.
"Sabi ni Lord, Tabo ang tawag diyan. Kada Byernes, sumusulpot ang mga barong-barong ng kahit anong tinda."
"Uuwi na ako," aniya at tumalikod pero agad nitong nahablot ang kamay niya.
"Sige na Mon-Mon, please."
Hinarap niya ito, ngayon ay nakatingkayad at may nagmamakaawang tingin. Maria smelled like a baby, or at least what he remembers an infant would like after bath and powder.
"'Di ba member na tayo ng research club? Baka may makuha tayong ideya sa magiging activity ng club sa Foundation Day."
And her breath smells like milk.
"Mon-Mon?"
"Mon-Mon!"
Doon pa lamang Siya tuluyang nakahuma. "A-Ano?" ang nalilito niyang tanong. Pakialam ba niya kung amoy baby at gatas si Maria?
"Sige na, promise, kapag kailangan mo ng pabor, tulungang kita."
That was his trigger point. "Kahit ano?" Sisiguraduhin niyang maususlit ang pabor.
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Genç KurguSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...