🌈🌈🌈
Pwedeng sabihing ginawa niya ang lahat para lang mapigilan si Mariang tumira sa bahay niya. Kinausap niya ito ng masinsinan, malayo sa mga usyoserong club members, halos nagmakaawa na siya at umabot na rin sa kanyang ama.
"B-But Sir, it's not right."
[Take it as a chance. Mas mapapabilis ang engagement niyo.]
"How about her dad? Pinayagan lang siyang tumira sa bahay natin?"
[Don't worry about him] ang maikli nitong sagot at agad na pinutol ang tawag.
At ngayon, humpak ang mga balikat niyang nakatingin sa mga kasama, nag-i-enjoy sa pool bilang late birthday party niya. Pinagmasdan niya si Maria, ngayon ay palutang-lutang sakay sa malaking dilaw na salbabidang hugis rubber duck.
Kanlong nito ang bucket ng fried chicken na in order nila. Kumaway ito sa kanya, gamit ang kamay hawak pa ang wings. "Happy Birthday ulit Mon-Mon!"
"Sana malunod ka sa gravy," bulong niya, gitgit ang ngiping gumanti ng kaway.
Dumako ang tingin niya sa suot nitong swimsuit, simpleng asul iyon.
"Sayang, ba't nagshorts pa siya."
Tiningnan niya ng masama ang katabi, mula sa sunglasses, kita niya ang pilyong ngiti ni Matthew. Kung dati ay halos hindi ito tumatawag sa bahay niya, ngayon ay nagagawa ng tumambay. Pakiramdam ni Caleb, hindi lang si Maria ang kumapal ang mukha.
"If I know, 'yan ang iniisip mo, di ba Kaloy? Nanghihinayang ka."
"Shut up, I'm not like you."
"Sabi mo eh," at uminom ng iced tea. Kasalukuyang nasa gilid sila ng pool, katabi ang mesang puno ng mga inorder na pagkain.
"Pero insan, bilib din ako sa syota mo, kaninang madaling araw lang nasunugan, nakatira na agad sa inyo at nagawa pang maligo sa pool. Bagay nga kayo. Inkredibeeeel."
Hindi siya sumagot, pilit ipinikit ang mata. Maria is indeed incredible in the most annoying way.
"Ayaw mo niyan, live in na kayo? Pwede mo na siyang gapangin. Sabay kayong kakain, magsusubuan ng ulam, sabay manunuod ng porn– syet, naiiyak ako sa inggit."
"Kapag hindi ka pa tumigil, susunugin ko din ang condo mo."
Nauna na niyang binalaan ang mga kasama na isikreto ang pagtira ni Maria sa bahay niya. Caleb made a special warning to Shalla, reluctantly, the latter obeyed.
Hindi na sumagot si Matthew at lumaki lang ang ngisi. Saktong pagdaan din Lord para kumuha ng pagkain. Ito lang ang balot sa kanila, naka-Tshirt at cargo shorts. Sa unang tingin, mukha itong binatilyo.
"Lord, help me!" biglang tawag ni Matthew, agad hinubad ang sando at tumaob. Lagyan mo ang likod ko ng sunblock please, 'di ko maabot."
"Okay," ang diretsang sagot nito, muling ibinaba ang pagkain sa mesa at lumapit.
Caleb was sure his cousin was wh0ring himself again.
"Buong likod?" tanong ni Lord, mukhang hindi apektado sa pasimpleng flex ng back muscles ni Matthew.
"Oo please."
Sa puntong sumugod si Shalla, nawala ang kaninang confidence sa suot na bikini, napalitan ng simangot ang mukha.
Caleb sighed. He knew what would happen next.
"Anong ginawa mo kay Lord?!" sita nito kay Matthew.
"Tinutulungan niya akong protektahan ang balat ko laban sa araw at uv rays."
"You're forcing her to touch you, aren't you?"
"Sha, gusto mo rin pahiran kita?" ang tanong ni Lord, hindi man lang apektado.
"W-Well, yes... of course..." at tumikhim, "my whole body is y-yours."
"Hala, manyak," painosenteng sabi I Matthew.
The fight got worse. Ilang sandali ng iniwan ni Lord ang dalawa, bumalik sa kabilang bahagi ng pool at kumain, habang si Matthew at tuloy ang panunukso at si Shalla at nagsususngit.
Caleb wanted to scream at them, to kill each other somewhere else and that it is his house. His house. Walang karapatan ang mga itong mambulabog.
But then, may dahilan kung bakit nangyayari iyon. Ang puno't dulo ng lahat na ngayon ang nagpalutang-lutang sa pool. Habang ginagawa ang bahay, pinadala nito ang house staff sa pinakamalapit na branch ng Rainbow Industries para doon magtrabaho. Nangako din itong magbabayad ng renta at magbibigay ng pera para sa lahat ng gastusin.
Napapikit si Caleb.
Money is not the problem. What frustrates him the most is the loss of his sanctuary. Ngayon ay wala na siyang kawala sa kawirduhan nito. Baka magising na lang siya isang araw maging gubat ang bahay niya.
Iniisip pa lang niya ang voodoo at gulong dadalhin nito, sumasakit na ang ulo niya.
Kung bakit pa kasi nasunog ang bahay nito.
Napamulagat siya, tumuwid ng upo. His head snapped to Maria, now floating at the side of the school, talking to Tamara.
"You little–!" he muttered.
It was her fault, he realized. Si Maria mismo ang dahilan kung bakit nasunog ang bahay nito. Sa konklusyon niya, sa kakagawa nito ng voodoo at orasyon gamit ang pagsusunog ng kung ano-ano.
Sa sandaling iyon, tumunog ang cellphone ni Maria, nakapatong sa mesa ng mga pagkain, umalingawngaw ang pamilyar na awitin mula sa paborito nitong palabas, Igapos Mo Ako Sa Pag-Ibig.
Caleb glanced at the screen. Tinawag niya ito. "Hey, may tawag ka! Unregistered number."
"Mon-Mon, sagutin mo please?"
Sino ito para mang-utos? "I'm not your slave, d*mn it," but picked up the phone anyway.
"Hello."
[Hello, nandiyan si Maria?]
Nagsalubong ang kilay ni Caleb. Boses lalaki iyon.
"Yes. Sino to?"
[Pakisabi sa Master Hokage]
Lumalim ang kunot ng noo niya. He turned to Maria, "He said he's... M-Master Hokage!"
The moment she heard the name, her smile faltered then returned just as quick. Napansin iyon ni Caleb. Nagmadaling umalis ng pool si Maria at halos takbuhin siya. Kinuha nito ang cellphone at mabilis na tinungo ang malayong bahagi ng pool kung saan halos hindi niya ito makita.
"Ayan na."
Napaigtad si Caleb sa boses malapit sa kanyang tenga, sinundan ng mahinang tawa. He almost punched Tamara in surprise.
"Dumating na ang kamalasan," at umalis matapos kunin ang box ng pizza sa mesa.
His eyes darted back to the pool. Nasa gilid niyon ang bucket ng fried chicken.
"Master Hokage..." he mumbled. "The hell is that?"
Nag-isip siya ng malalim. Gaano ba kaimportante ang kausap at nagawang iwan ni Maria ang fried chicken nito?
🌈🌈🌈
Sino sa tingin niyo si Master Hokage?
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Roman pour AdolescentsSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...